Sa sumunod na pagkikita namin ni Jun ay hindi na niya nabanggit na may naramramdaman na siyang pagmamahal sa lalaking nakapagbibigay sa kanya ng kakaibang kaligayahan sa sex. Hindi ko na rin siya inusisa tungkol doon. Inisip ko na lamang na nasabi niya iyon dahil na rin sa kalasingan. Kung talaga naman niyang nararamdaman iyon sa akin ay sana ipinagtapat na niya ang kanyang saloobin sa akin.
Hanggang sa dumating ang araw na may niretong babae ang isang kaopisina ko ring babae. Dati niya itong kasamahan sa trabaho at naging best friend na rin niya. Botong-boto ang aking kaopisina sa akin dahil bagay daw kami. Maganda at mabait daw ang kanyang kaibigan na bagay lang daw sa akin na gwapo at mabait din. Kaya naman pumayag ako sa isang blind date.
Tama nga ang aking kaopisina. Maganda at mabait ang nirereto niya sa akin na nagngangalang Kate. Hindi na ako magtataka kung tuluyan akong main-love sa kanya. Sa unang date namin ay hindi ko siya naihatid sa kanilang bahay dahil susunduin daw siya ng kanyang kuya pagkatapos ng date namin. Maayos at masaya naman ang aming unang date na nangyari sa pinili niyang restaurant sa Greenbelt. Habang hinihintay namin ang kanyang kuya ay nasabi ko sa kanya na wala akong sariling kotse at magtataxi na lamang ako papauwi dahil wala ng byahe ang MRT at lalo akong gagabihin kung sasakay ako sa bus. Nag-alok naman siya na ihatid ako pero hindi ako pumayag. Syempre ako ang lalaki at nakakahiya iyon sa kanya.
"Matagal na ba kayong naghihintay dyan?" ang tanong ng lalaking nagmamaneho ng isang mamahaling kotse ng tumigil iyon sa aming harapan.
"Hindi naman kuya. By the way, this is my brother, Luis." ang pakilala sa akin ni Kate ng kanyang kuya at ipinakilala din niya ako sa kanyang kuya.
Bago nakipagkamayan ang kanyang kuya ay bumaba muna siya sa kanyang sasakyan. Malaking tao pala ang kuya niya. Tulad din ni Jun, mahigit sa 6 feet ang taas ng kuya ni Kate. Kakikitaan din ang kuya ni Kate na kagandahan ng katawan bunga marahil ng pagiging regular sa gym.
"Nice meeting you bro. Did you have a good time?" ang tanong ni Luis sa amin.
"Oh yes. I had a good time. Ewan ko lang kay Kate." ang tugon ko naman.
"Oo naman kuya. Napaka-gentleman yata nitong ka-date ko." ang pagsegunda naman ni Kate.
"Hindi naman. You're such a very nice lady kaya dapat lang na maging gentleman ang makakadate mo." ang sabi ko naman.
"Tara na Kate." ang yaya ng kuya ni Kate sa kanya.
"Hatid ka na namin ni Kuya." ang alok naman ni Kate sa akin.
"Thank you na lang. I'll just take a cab." ang medyo pa-sosyal kung pagtanggi.
"Sige na hatid ka na namin ni Kate." ang alok din sa akin ni Luis.
"Thank you talaga. Medyo malayo pa ang sa amin. Dito lang naman kayo sa Makati nakatira. Marami namang taxi dito. Salamat na lang." ang pagtanggi ko muli.
Muli akong kinamayan ni Luis at idinikit ang kanyang dibdib sa aking dibdib sabay tapik sa aking likuran. Ganoon na rin ang ginawa ko sa kanya. Ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman sa kuya ni Kate. Ewan ko talaga kung ano yun.
Nagpaalam na lamang kami sa isa't isa at agad na ring umandar ang kotseng sinasakayan nina Kate ng kanyang kuya. Agad din akong nakakuha ng taxi. Sa pag-uwi ko sa bahay ay doon ko na sinagot ang mga natanggap kong text messages mula kay Jun. Pagkatapos ng unang text ko pa lamang ay agad tumawag sa akin si Jun sa landline phone namin. Tatagal pa sana ang aming usapan pero gusto ko na kasing maligo at matulog na. Hindi na naman nagpumilit si Jun na makapag-usap pa kami ng matagal.
Sa sumunod na date namin ni Kate ay naihatid ko na siya sa kanilang bahay sa isang exclusive na subdivision sa Makati. Talaga palang mayaman ang pamilya ni Kate. Nang gabing iyon ay parehong wala ang kanyang mga magulang. Tanging ang Kuya Luis niya ang nadatnan namin doon kasama ang kanyang girlfriend na naabutan naming nanood ng movie sa kanilang sala. Mainit naman ang pagtanggap sa akin ng kuya ni Kate pati na rin ang girlfriend nito na pinakilala sa akin na nagngangalang Izza. Nagpakuha pa nga siya ng isang bote ng beer para sa akin. Tumanggi ako sa alok niyang salad dahil busog pa ako. Pumayag na lamang ako sa beer. Matapos kong maubos ang beer ay nagpaalam na rin ako.