My Ex-Girlfriend's Boyfriend (Part 8)

3.4K 49 1
                                    


Matapos ang mga kaganapan sa summer swimming party ng mga kabarkada ng bestfriend kong si Liza ay naging madalas pa rin ang pagkikita namin ni Jun na lingid sa kaalaman ni Liza. Syempre, umaatikabong pagtatalik pa rin naming ni Jun ang nagaganap sa tuwing kami ay magkikita. Pati si Larry ay paminsan-minsan pa din nagyayaya sa akin na lumabas na nauuwi din sa aming pagtatalik. Si Allan naman ay ilan beses ko pa rin napagbigyan na makipagtalik sa akin. Ang mga pakikipagkita at pakikipagtalik ko kina Larry at Allan ay hindi ko na ipinararating kay Jun. Baka kasi sabihin niyang gahaman na ako sa lalaki. Ayaw ko rin kasi na dumating ang araw na magkabukuhan na ay magsumbatan pa kaming lahat at madamay pa ang mga barkadang babae ni Liza.

Nang papalapit na ang Christmas ay nagpumilit si Jun na maisama ako sa Christmas party sa isang project na hawak niya. Requirement daw kasi na magsama ng kapamilya o kaibigan upang makadalo sa party na iyon. Kakaunti lang kasi sila sa project na iyon at kailangan nilang magdala ng bisita upang dumami ang a-attend sa party at magiging masaya iyon. Si Liza ay nakatakdang pumunta sa Hongkong sa linggong sakop ng schedule ng party nilang iyon. Kaya naman hindi siya makakasama. Wala naman sa Maynila ang pamilya ni Jun kaya ako ang naisipan niyang isama na lamang.

"Si Engr. Rommel pala." ang pakilala sa akin ni Jun sa isang kasamahan niya sa pagdating namin sa party nila.

Nagpakilala din ako sa kanya. Isa-isa din ipinakilala ni Jun ang iba pang kasamahan niya doon. Karamihan ng mga bisita nila ay mga asawa ng kasamahan ni Jun. Meron din ilang mga bata ang nandoroon na anak ng mga kasamahan din ni Jun. May ilan ding mga subcontractor sa project na iyon ang dumalo na ipinakilala din sa akin ni Jun. Masaya ang party nilang iyon. Madami ang pagkain. Sobra-sobra iyon sa mga nandoroon. Madami din beer at bote ng alak ang nakahanda sa aming lahat. May programa din sila at mga palaro. Napasama pa nga ako sa ilang palaro.

Habang lumalalim ang gabi ay napaparami na rin ang naiinom naming beer at alak. Sabay kasi naming iniinom ang beer at brandy. Habang tahan-tahan namin ang beer na iniinom namin ay may nagpapaikot pa ng isang shot-glass na may lamang brandy. Sa paglalim din ng gabi ay unti-unti din nagpapaalam ang mga kasamahan ni Jun lalung-lalo na yung may kasamang asawa at mga anak. Hanggang sa maiwan kami ni Jun, si Rommel at isang engineer ng project nila na si Mike. Bukod sa aming apat ay hindi din muna pinauwi ni Rommel ang isang utility man nila upang magsilbi pa rin sa amin.

Dahil nga kakaunti na lamang kami ay pinalipat ni Rommel ang aming inuman sa mismong opisina niya. May aircon kasi doon at mas masarap daw uminom sa malamig na kwarto. May ilan pa kasing bote ng brandy pero uubusin na lang daw namin ang kabubukas na bote bago kami umuwi. Kahit gusto ko na ring umuwi ay nahihiya akong sabihin kay Jun. Mukha kasing nag-eenjoy pa siya sa pag-inom ng alak. Nagpatuloy kaming apat sa masasayang kwentuhan. Hindi ko talaga inaasahan na mauuwi sa sex ang aming kwentuhan. Noon ako kinabahan. Baka kasi sa kalasingan ni Jun ay maikwento niya ang tungkol sa aming dalawa.

Madami din akong experience sa babae pero hindi ako kampante na ikwento pa iyon sa iba. Nagmistula na lamang akong tagapakinig sa kanilang tatlo sa mga experience nila sa babae. Nabigla din ako sa ilang kwento ni Jun sa experience niya sa babae. Nalaman ko tuloy na noong high school student pa lamang siya ay nakaranas na siya ng sex. Tuwang-tuwa naman ako sa pakikinig dahil napakadetalye ng mga kwento nila. Akala ko ay yung experience lang nila sa babae ang ikwekwento nila. Biglang na-open ang karanasan nila sa blow job.

"Alam nyo ba pare, na talagang mas masarap mag-blow job ang bading. Ang galing talaga nila sa ganoong bagay." ang biglang bulalas ni Rommel ng mapunta sa blow job ang topic nila.

"Sang-ayon ako dyan. Ang sarap ulit-ulitin." ang dagdag naman ni Jun.

Kinabahan ako sa sinabing iyon ni Jun. Baka ako na kasi ang mababanggit niya sa susunod.

My Ex-Girlfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now