DNF: Entry 3

332 7 0
                                    

DNF – Entry 3

Intermission

“Gising na mahal kong Aphrodite.” Sabi niya sakin. Tiningnan ko naman siya. Napangiti ako. Kung panaginip ‘to, wag niyo naman sana akong gisingin oh?

“Good morning mahal kong Carkmichael.” Bati ko sakanya. Napangiti din naman siya. May hawak siya na tray na may lamang pagkain.

“Breakfast in bed. Bangon na’t kumain ka na mahal ko.” Sabi niya sakin sabay abot ng tray. Umupo naman ako. Saka niya inilagay yung tray sa kama.

Masaya akong kumain nun. Feel na feel ko ang moment ng pagkagat ko ng niluto niya.

“Oops… May dumi ka bunganga.” Sabi niya. Dahan-dahan naman siyang lumapit sakin saka dinilaan ang dumi sa labi ko at kasabay nun ay nagtapat ang mga labi namin saka hinalikan niya ako ng marahan.

The best breakfast you can ever have is probably the one you’ve been sleeping with.

End.

Dear Diary,

Nagising ako ng maaga ngayon. Siguro mga alas siyete ba yun? Oo. Isang oras nalang at magsisimula na ang klase ko ngayon. Second day na ng klase at eto ako, matigas na matigas ang muka at mukang malelate pa. Mukang malelate talaga ako ngayon kaya dali-dali akong naligo, nagbihis, kumain saka nagtatatakbo ng school. Si Kevin ay 10am pa ang klase. Sarap talaga hampasin ng brush ng toilet bowl.

Hiningal ako sa takbo kong iyon diary. Buti naman. 15 minutes nalang at mag aalas otso na. Hindi pa naman ako gaanong late. Excited lang din akong malate. Wala lang. Problema niyo ba dun? Ha? Ano?

Ayokong magbintang pero kasalanan talaga to nung Carkmichael na yun eh. Wala naman siyang ginagawa. Napanaginipan ko lang naman siya. Eto’t assuming nanaman talaga ako.

Pumasok na ako ng room saka nagpanggap na hindi ko siya nakita. Tinitingnan lang niya ako. Ano? Feeling close siya agad ganun? Naupo naman ako sa upuan kong malapit sa bintana saka kinuha ko ang sketchbook ko saka nagdrawing-drawing ng kung anu-ano habang hinihintay na dumating ang sensei namin.

“I didn’t know you knew how to draw.” Sabi pa niya sakin sabay silip silip sa ginagawa ko. Tiningnan ko naman siya. Kainis.

“Echusero. Kailangan mo bang alamin? Ha?” sagot ko sakanya. Ewan. Parang sasapian na talaga ako ngayon diary. Hindi ko kinakayang makita ang muka nitong nilalang na to. Dahil nga sa ubod nga ng gwapo ay hindi naman pwedeng maging akin. May girlfriend na nga diba?

“Bakit? Bawal ba?” tanong niya ulit. Nananadya ba to diary o ano?

“Bakit sinabi ko ba?”

“Oh eh teka ba’t ang sungit mo?”

“Problema mo ba kung ba’t ang sungit ko.” Nilagay ko ang sketchbook ko sa bag.

Kala niyo siguro wala akong talent no? Oi para sabihin ko sainyo, kahit mahina ako sa Math, English, Science at kung ano pang mga subjects diyan… Wala man akong talent diyan sa sayaw sayaw at pagkanta, eh magaling naman ako mag drawing. Hindi ganuong kagalingan talaga ha? Pero magaling akong gumawa ng stickman, ibon na korteng bungot, araw, bulaklak, dalawang bundok saka dagat. Pati na rin siguro mga ulap at bahay. Pero minsan din naman ay palayan. O di kaya yung globo. OKAY FINE! Hindi rin ako marunong magdrawing. Kaya nga nagtataray ako sakanya kasi parang niloloko lang niya sa sinabi niyang yun. FUKU.

“May dalaw ka ngayon?”

“Ba’t mo tinatanong ha? Ikakayaman mo bay an? Ikakauunlad ba yan ng Pilipinas? Ha? Ha? Ano? Ha? Ano?”

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng FapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon