DNF: Entry 4

267 5 0
                                    

DNF – Entry 4

Dear Diary,

BABALA: Wag basahin ‘to habang kumain. Medyo baboy ang babaeng ‘to.

            Isang matinding sakit ang gumambala saakin bandang alas tres ng umaga. Sobrang sakit na pinagpawisan talaga ako ng matindi.

            .

.

.

.

.

.

.

            .

NATAE LANG NAMAN AKO. Grabe diary. Kinain ko kasi yung sirang pancit kagabi. Eh sobrang gutom na kasi talaga yung tiyan ko diary. Hindi na niya kinaya. Kaya eto, medyo nagtatae parin ako.

Mag iilang minuto na rin akong nakaupo sa toilet bowl at nakakunot ang noo ko’t nakapikit ang mata ko dahil sa pagpilit na mailabas yung asian treasure ko. Pawis na pawis na ako nun tapos ayun, pagkatapos nun ay naghugas na ako.

Hawak hawak ko parin ang tiyan ko dahil sa sakit. Parang matatae nanaman ulit kasi ako. Ay pambihira naman oh. Tae kanina, tae ulit kanina, tapos tae ulit ngayon? Kumuha ako ng Luperamide Diatabs saka ininum iyon. Ang bilis pala ng effect no? Heto’t pagkalipas ng ilang minute ay okay na tiyan ko.

Sabihin mo lang diary kung pwede na akong maging magaling na endorser ha? Pero sa tingin ko eh hindi naman to dahil sa nakain ko. Yung tiyan ko kasi immune na kahit ano. Naalala niyo ba dati nung kinakabahan ako tapos parang natatae ako? Di kaya baka dahil sa PE class na mamaya?

 WUSH. Nag-ayos na ako ng mga gamit. PE Class today! Ang saya saya yaaay wooo haha… PERO HINDI. Matagal kong dinasalan tong araw na to na sana ay hindi nalang dumating. Classmate kaming tatlo sa PE Class at wow naman. Bakit ba kailangan pang mangyari yun?

OA ba ako diary? Kayo? OA na ba ako? Kung oo, penge ngang vote? (XD) LOL para-paraan lang eh noh?

Siyempre, nag-ayos na ako ng mga gamit. Pati yung PE uniform ko ay hinanda ko na rin. Tapos naligo at nagbihis at bumaba ng kwarto. Gising na si Kevin. Maaga daw kasi siya ngayon. Nakapagluto na rin siya. At grabe ang dami niyang niluto for breakfast. Gumawa siya ng apat na malalaking omu rice at nagluto rin siya ng tatlong ramen. ABA! Mga paborito ko to ah?

Hmm.. Sabagay kahit ano namang pagkain paborito ko.

“Goodmorning Kevin!” nakangiting bati ko sakanya.

“Hmmm…” sabi niya sabay talikod sakin.

Tss ayaw niya talagang bumati. Ang sungit sungit. Ang arte arte. Ang taray taray. Umupo na rin siya saka kumain. Siyempre ako rin, naupo na at kumain. Hindi na siya nagtanong kung nasarapan ako sa luto niya. Wala naman kasing duda na masarap talaga siyang magluto. Ang dami kong nakain. Isang omu rice lang ang kinain niya habang ako naman ang kumain nung tatlo. Matakaw kasi ako. Tsaka madali akong magutom kaya kain Viking talaga ako.

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng FapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon