DNF – 6.1 (Niccolo’s POV)
Pasimple kong tinitingnan ngayon ‘tong babaeng to. Pasulat-sulat lang siya sa notebook niyang may picture ng isang anime na lalaki. Black Butler ba to? Ewan. Hindi naman ako interesado. Akala mo naman importante yung mga pinagsususulat niya. Ang hina-hina na nga sa klase, ito pa ang inaatupag. Napa-facepalm naman agad ako. Tiningnan ko naman siya ng masama tsaka napatingin naman siya sakin. Kumunot ang noo niya saka sinamaan ko lang din naman siya ng tingin.
Natapos na ang Math. Yung asungot kong kapatid, patuloy parin sa panggugulo sakaniya. Hindi naman ako ganito kadaldal pero pag talagang nakikita ko ‘tong babaeng to, lumalabas nalang ng kusa ang mga salita sa utak at bibig ko.
Naalala ko pa. Ilang taon na rin ang nakakalipas. Umuwing umiiyak nun si Cark. Grade 5 palang siya nun at highschool na ako. Ako naman bilang kuya, nag-alala din sakanya. Di naman niya talaga nakikita yun o ng iba pero nararamdaman niya.
“Napano ka?” tanong ko sakanya.
“Kuya, she don’t like me.” Sagot naman niya sabay pasok sa cabinet.
“Ah teka lumabas ka nga diyan.”
Binuksan naman niya kaagad yung pinto ng cabinet saka umupo sa harap ko. Umiiyak at nagpupunas ng luha at sipon.
“My heart is broken this Valentine’s Day. Ayaw niya sakin kuya. Ayaw niya sakin.” Sumbong niya sakin. Lumapit naman ako saka ko siya tinapik sa balikat.
“Gwapo ka Cark. I’m sure she’ll like you someday. Mana ka kaya kay kuya” Nakangiti kong sabi sabay pogi pose.
“Really kuya?”
“Hayaan mo. Kausapin natin siya bukas.”
“Pero..”
“Ano?”
“Pupunta na daw ako ng London…”
Nung mga oras na yun, hindi ko alam ang irereact ko. Tama. Iiwan pala nila akong lahat. Napakasaya lang.
Parating ang kapakanan ni Cark ang iniisip. Siya ang parating nauuna. Siya ang mas nilalapitan. Siya kasi yung mas malapit sakanila. Kay Dad lang naman ako malapit. Pero nagbago na ang lahat nung mawala siya. Ang lahat ng emotional support na’kay Cark. Pero hindi naman ako nainggit sakanya. Hindi rin ako nainis. Mahal ko lang ang kapatid ko kaya ganun.
Gusto naman akong pasamahin ni Mommy sa London. Pero ayaw ko. Dito lang ako. Ba’t pa ba ako makikisiksik dun eh kung dito nga masikip na?
Nung araw na paalis na siya papuntang London, binigyan niya ako ng litrato ng isang batang babae na nakaupo sa swing at may hawak na teddy bear.
BINABASA MO ANG
Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng Fap
Romance"Life is as to fap. Sometimes it's hard, sometimes not. But no matter what happens, you have to stick it in." - Aphrodite Villegas (Ang babae na maganda't malandi pero walang me pake.) Story inspired by Myung-sama. Cover credits to Gabriel-kun. Diyo...