Chapter 9:

17 1 0
                                    

Chapter 9:

Daniel’s POV

Eto na naman ako, naglalakad sa hallway papunta sa room ng engot na yun. Medyo tinatamad na nga ako sa buhay ko. Pano ba naman? Parang pare-parehas na lang araw-araw. Papasok ako, tapos aral, kain, tulog. Routine ko na yan eh. Ang nabago lang ay yung kay Cam. Parang ang lumalabas siya ang rason kung bakit may will pa ako pumasok. Boring kasi dito sa school. Walang interesting na tao. Yung mga lalaki kung ano-anong kat@r@nt@duh@n ang mga pinagsasabi, yung mga babae naman puro kababawan at ang aarte pa nila. May pa fans club-fans club pang nalalaman. Ano ba ako ARTISTA?!

Grabe, nakakatamad pala talaga kapag wala si Cam. Wala akong mapag-diskitahan. Kasi kapag pinag-tripan mo kahit isa ditong babae, iba ang iisipin nila. Lalo na kapag ako ang gumawa. Iisipin nila type ko sila. Landi talaga. Ang kikitid ng mga utak. Tsk!

“Kyaaa! Si Daniel!”

“Ang hot niya talaga!”

“Oo nga, ang  gwapo niya pa rin!”

See what I mean. Kada lalakad na lang ako sa hallway ganito. Mas madaming ganito sa hallway nila engot.

Well, ganun talaga ang perfect na. Minsan nga naiinis na ako eh. Gusto ko ng ipamigay yung mukha ko ng mabiyayaan naman ang iba. Bait ko talaga.

After 2 minutes, narating ko na din ang room nila.

“Excuse me, si Frizzle?”

“Hi Daddy Daniel!” Uhmm,……… sino nga ulit to? Daddy?! Kelan niya ako naging daddy?! Hindi ko siya kilala. Hindi ako matandain sa mga pangalan eh. Lalo na kung hindi interesting kausap.

“Si Frizzle?” Safe na reply yan.

“Wala.” Wala?

“Ha? San nag-punta?” Tumakas na naman siya! Bwiset talaga.

“Hindi namin alam……..

…..

…..

…..

Pero yung iba alam. Nakita siya papunta ng gym.”

“Gym?” Anong gagawin niya dun?

“Oo, at alam mo ba kung ano meron sa gym?” Duh, equipments! Tinatanong ba yan? Ang kitid ng utak talaga.

“Hindi.” Syempre hindi ko sasabihin yan.

“Ay si Daddy Daniel talaga huli na sa balita. Hind lang ikaw ang gwapo no.” Ok, anong connect ng gym sa pagiging gwapo? Gwapo na ang GYM?! LOL

“Ha?” Ano bang mga pinagsasabi nito?

“Kasi narining namin kanina si Frizzle. Pupuntahan niya daw si JM.”

“JM?”

“Yes, the papable Jake Marrionne Sy.”

“Sino yun?”

“Ang karibal. Ganun na ba ngayon? Dapat diba kilala mo kung sino ang karibal o katapat mong gwapo sa school diba?”

“Anong kailangan niya dun? Bakit niya pupuntahan?”

Binded To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon