Chapter 11.1: can you feel the love tonight...

7 0 0
                                    

Chapter 11.1: Can you feel the love tonight…

Frizzle’s POV

Shemayness, ang dami palang convenience store dito. Ang saya naman sa place ni Gab. Nako! Muntikan na ako kanina. Buti may cr mga convenience stores dito kung hindi baka dumanak ang dugo sa condo ni Gab. Isipin mo, nawiwiwi na ako tapos first day ko pa? uuhh…. I can’t imagine. Kadirdir! Ay shet, anong oras na ba? Ay siomai! 10:45 na? Mag-dadalawang oras na akong wala! Patay tayo diyan. Kokotongan na naman ako nun. Tatakbuhin ko na nga to.

After 15 minutes… naks tumakbo ako ng fifteen minutes? TAKBO? Echosera ako, lakad lang ginawa ko no. Mapagod lang ako kapag tumakbo.

Malapit na ako….. Ha? Ano yun?

Bakit may umiiyak? Hala, mumu ata yun… Ayoko pa naman sa multo…  Kailangan ko ng makatakas baka habulin pa ako nun…. Pero paano kapag tao pala yun na nangangailangan ng tulong? Naaah, multo yun Frizzle. Wag mong lokohin sarili mo, matatakot ka lang. Pero paano nga kapag tao yun? *gulp* Lakasan lang ng loob to mga par, Go Frizzle! Kapag may nakakatakot sabay takbo na lang. tama ganun dapat…

“H-hello?”

“Tulong!”

“Ay anak ng pitong kuba! Nagulat naman ako dun. Hoy, nasan ka ba?” teka, parang boses lalaki yun ah. Tapos pamilyar saken. Isip Frizzle. Baka close mo yan.

“Tulong!” Aha! Boses ni Gab! GAB?!

“Gab?!”

“T@ngin@ Frizzle! Bakit ngayon----“  Oh? Hala, nawala yung boses niya. Oh no, anong nangyayari? Pasukin ko na tong eskinitang to. May ilaw naman eh….. eeeeeh?

Nakadapa si Gab… tapos may nakapatong sa kanya….. NAKAPATONG?!

“H-hoy anong ginagawa niyo?!”

“miss umalis ka na kung ayaw mo ng gulo.” WHAT THE F?! BABAE? BABAE ANG NAKAPATONG KAY GAB?! AT FYI hindi lang nakapatong, tinatalian at hinuhubaram si Gab. RAPIST!

Napansin kong nasa verge of tears na si Gab, aaaw nakaka-awa siya tignan. Pero parang ang cute niya sa ganyang itsura. Ang hot niya pala tignan kahit nahihirapan with matching tali at takip sa bibig…… Frizzle! Maghulos-dili ka nga! Nasa panganib si gab! This is not the time to be drooling over him.

Sheesh, anong gagawin ko, napansin ko pang dalawa sila. Tapos isa lang ako, pero umiiyak na si Gab eh. Tapangan mo na lang loob mo Frizzle.

“Miss rapist kugn ako sa inyo, kayo ang aalis.”

“Ano?!”

Shet, nagalit. Ano bang meron ako panlaban? Hinalughug ko yung bag ko… Notebook? Pwede pansampal… Napkin? Pwde pantapal sa mukha… Pencil? Pwede pansaksak… Brutal.. pansaksak talaga…

“Miss umalis na kayo.”

“Ano ba miss? Gusto mo ba siya? Share na lang gusto mo.” Loko to ah.

“Anong share?! Boyfriend ko yan!”

“Oh talaga? Nek-nek mo!” Mokong to ah. Uupakan ko na to.

“Letsugas naman! Please naman po. Boyfriend ko talaga siya. Pakawalan niyo na siya.”

“Bleh! No way!” nababanas na talaga ako ah.

“Ah Mich..” Sabi nung isang babae.

“Bakit?” Sabi ni mich daw

“Baka totoo ngang sila. Kasi diba tinawag siya kanina.”

“Hindi pwede.”

“Tsaka umiiyak na tong lalaki oh.” Tama konsensyahin si Michie-bitch.

“Oo nga ate, pakawalan niyo na yung boyfriend ko. Kung gusto niyo ihahanap ko na lang kayo.”

“tsk..”

“Please sige na. May kilala ako hottie, dali mas yummy yun kesa sa kanya.”

“ano itsura?” wow interesado eh no? Mga desperada siguro ang mga to. Imbento na lang ako.

“Teakwondo player siya. Matangkad at maputi. Syempre gwapo kaya yummy. Oh yun na lang, papakilala kita.”

“pangalan?” hala pangalan daw…. Sino… Sino ibibigay ko…

“Mikael name niya.”  Ehehehe, kala niyo si Jake no. Di ko ilalaglag yun no. Mas yummy yun kesa kay Mikael… kaya si Mikael na lang…

“tara na nga. Sayo na tong boyfriend mo. Ingatan mo yan ah. Kapag nagkataon, kakagatin ko na yan.” Kakagatin? Ano to mansanas lang? kapag mukhang masarap kagat agad? Free for all ba to? Echosera.

Umalis na sila. Nilapitan ko si Gab at tinanggal yung mga tali niya. Bigla niya akong niyakap. Nanginginig siya sa takot.

“Frizzle…. Frizzle…”

“Ok na Daniel, wala na sila.”

Aw para siyang bata, Gusto ko tuloy siyang yakapin ng mahigpit at alagaan mabuti.

“Frizzle.”

Hinimas ko yung likod niya at pi-nat ang ulo. Ok, para kaming ewan. Umuulan at magkayakap kami. Yiiieee  pang-movie lang ang peg… Kilig naman ako.

“Frizzle”  Kumalas siya sa pagkakayakap sakin.. Awww bakit naman? May time limit? Gusto ko pa eh.. chos! “Engot ka talaga.”

“Ha?”

“Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang alalang-alala ako sayo?!” Tinaas niya yung kamay niya. Akala ko babatukan niya ako o kaya kokonyatan. Pero…

“Daniel?”

Hawak niya yung mukha ko ng dalawang kamay niya. Ang lamig na ng palad niya, siguro dahil na din sa lamig pero no worry mainit naman ang mukha ko… mainit sa kilig…

“Alam mo bang hinanap kita?”

“Dan---“

“Hindi ako mapakali ng wala ka.”

“Sorry”

“Para akong ewan kaka-isip kung anong nangyari sayo.”

“Daniel..” Napakaseryoso ng mukha niya. At ramdam ko ang mga sinasabi niya.

“Pero hindi na kita hahayaang mawala sa tingin ko ng matagal.”

“Ano?”

Then he kissed me. Hindi tulad ng dati ah. Ang passionate  ng kiss na to. He is kissing me gently and tenderly. He cupped my face and pulled me closer to him. Of course, I kissed him back and playfully touch his hair. Jusko angal pa ba ako? Eto na to eh.

“Frizzle, I will never let you go.”

“Sana lagi ka na lang natatakot no? Para laging ganito.” Pabulong kong sabi

“Ano?”

“Wala.”

Then we spent the rainy night together. Sharing kisses and hugs. I can’t ask for more. Love na to, now I know, confirmed, I love Daniel Gabrielle Givens. Wow, telenovela lang ang peg ngayon.

Inggit kayo no? Chos!

A/N: Sorry guys kung maigsi... sisihin ang rhetoric... chos. habang-buhay na kong busy dahil sa rhetoric.. nasisira na ang buhay ko.... ahahaha... Anyway, thank you kung babasahin niyo to at ieenjoy! PANJEE!!!!! bago ulit... :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Binded To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon