Chapter 2:

25 1 0
                                    

Chapter 2:

“HA?! Boyfriend mo to?”

“Seryoso nga? Ang hot ah.”

“Kahit nga ako eh hindi ako makapaniwala na boyfriend ko siya. Parang nga nanaginip ako.” Sa totoo lang sobra ata yung kinuha kong picture.

“Wait, sa tingin ko I have seen him somewhere. Wait, isipin ko.”

“Ha?! Baka nag-kakamali ka lang.” Hindi pwede to. Hindi naman siguro siya public figure diba?

“Tignan mo Erin yung picture, di mo ba siya namumukaan?”

“Oo nga wait.”

“Uy ano ba kayo, wag niyo lakasan yung boses niyo nasa canteen pa naman tayo at baka marinig ng tao.”

“Eh anong kinakatakot mo? Boyfriend mo naman to diba?”

Naku patay tayo diyan. Kung model pala siya hindi ko na yun matatago pa. Mas mabuti sigurong aminin ko na.

“Kasi ganito---“

“Ah! Bingo! Siya si Daniel Gabrielle Givens ng Class 1!”

“Tama sino ba hindi makakakilala dun.”

Shoot! Dito siya nag-aaral?!

“Baka nag-kakamali lang kayo.”

“Hindi siya nga. Teka ayun siya oh.”

@#@!#!@$#$@!$#%$#^$@$!!!!!!!!!!! SIYA NGA!!

“ahaha, Erin wag mo nang tawagin. Mukha siyang busy oh.”

“Daniel! Dali halika dito.”

“Sige Erin alis na ko.”

“Wait up Fri---“

*clang

“Ay sorry, hindi ko------“ waaaaa, bakit sa lahat ng mababangga ko siya pa. Hindi mo ko kilala. Hindi mo ko kilala.

“Oh, ikaw yung kahapon.”  O_O

“Oh? Bakit ang awkward niyo? Diba couple naman kayo? Parang ngayon lang kayo nagkita ah.”

“Couple?”

“Erin! Oh God!.” Bakit kailangan pa sabihin yun?. “Tara Daniel, sa labas tayo. Wag ka ng magsalita.” Buti hindi mahirap hatakin tong si Daniel chu-chu..

Shocks, bakit ngayon pa to kailangan mangyari? Eto na ba ang ganti ng langit sa aking mga kasalanan? God, why?! WHY?! WHY IT HAVE TO BE THIS WAY?!

“Hellooooo… Yooohooo..”

“Ay sorry.”

“Ganyan ka ba talaga? Biglang natutulala?”

“Ah hindi. Sorry talaga.”

“Naku, pinagpapawisan ka? Ok ka lang ba? Alam mo pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka.”

Jusko! Hindi lang pala siya gwapo, mabait pa. PERFECT! Parang prinsipe. Sheeeeeeet kaloka naman to. Ay wait, siguro mukha naman siyang mabait kaya kung siya pwede kong sabihin yung problema ko. Baka matulungan niya pa ako. Tama, Frizzle kailangan mo lang mag-tiwala.

Binded To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon