Chapter 1:

30 2 0
                                    

The picture taken by Frizzle.. ehehe.. hottie... ------>

Chapter 1:

“Uy alam niyo ba yung boyfriend ko super boring. Jusko, ano ba naman yun?! Araw-araw nasa library kami. Over much.”

“Grabe yun ah, pero ok na yan compare naman sa akin.”

“Bakit? Diba araw-araw nga kayong lumalabas, buti nga kayo may date lagi eh.”

“Oo, date. Date sa simbahan.”

“Eeew. Relihiyoso pala ang type mo ngayon. Ahahaha”

Hay eto na naman tong dalawang to. Puro boyfriend na naman nila ang pinag-uusapan. Aga-aga yan agad.

Buti pa sila. =’(

“Oh, Frizzle. Aga mo ngayon ah.”

“Hi, Erin and Joy! Naku, boyfriends niyo na naman ang pinag-uusapan niyo. Buti pa ako.”

“Bakit? May boyfriend ka ba?”

“Ahaha, well.”

“Ano? Meron?”

“Sabihin na nating masaya ako kasi inspired. At wala laging problema.”

“Woo, manloloko. Hindi na naman halata sayo na meron eh.”

“Pero Joy, alam mo ba yung boyfriend ko kahit ganun yun matured yun. Sweet pa.”

“Yung akin naman Erin lagi akong may regalo.”

I’m on the floor, floor

I love to dance

So give me more, more, ‘til I can’t stand

Get on the floor, floor

Like it’s your last chance

If you want more, more

Then here I am

Starships were meant to fly

Hands up and touch the sky

Can’t stop ‘cause we’re so high

Let’s do this one more time

“Ay kanino yung phone.”

“Yan tamang-tama! Honey ko tumatawag. Wait lang girls ah.”

*Female’s Bathroom

“Honey!”

“Sinong honey?!”

“Ayaaaa~"

“Halika ka nga dito. Alam mo bang pagod na pagod na ko?! Lagi mo na lang akong pinapatawag. Hindi mo ba alam kung gaano na kalaki yung bill ko?!”

“Ano ka ba naman, masaya ako at sobra ang pagpapasalamat dahil ang buti mong kaibigan.”

“Hanggang kalian mo ba balak pagpatuloy ang kasinungalingang ito? Tumigil ka na.”

Sa totoo lang, wala talaga akong boyfriend. Kahit experience wala. Sabihin na nating NBSB ako. Top secret ito kaya ang best friend ko lang na si Aya ang may alam.

“Sorry na Aya. Isa akong malaking sinungaling.”

“Jeez, wag ka nang magsabi ng kung anu-ano. Tigilan mo na yan. Hindi ba mas maganda kung sabihin mo na lang ang katotohanan?”

“HINDI PWEDE! HINDI PWEDE!”

“Aba, bakit naman?”

“Lahat ng classmates ko yun ang pinag-uusapan. Lahat ng girls puro may boyfriend. So I absolutely can’t tell them. It’s too dangerous. It is like doomsday. Kaya hindi pwede.”

“Bakit ba kasi nakipag-kaibigan ka sa mga ganyang tao?”

“Kasi una si Erin ang una kong naka-usap.”

“Hindi mo namang kailangan mag-stay diyan eh.”

“No, hindi pwede. May mga groups formed so I cannot leave.”

“How troublesome.”

“Tumigil ka na Aya! Alam ko mali to. Pero para maprotektahan ko kung ano meron ngayon, kailangan kong magsinungaling tungkol sa boyfriend ko.”

Oo, alam ko mali tong ginagawa ko at isang malaking kasalanan sa Diyos pero wala akong magagawa. Kapag hindi ako nagsinungaling, sira ang high school life ko! Lalo na hindi ko pa classmate si Aya.

“Sa tingin mo din? Parang may iba sa boyfriend ni Frizzle no?”

Huh?! Sina Erin at Joy. Tago!

“Hindi ko pa nakikita yung mukha pati mga text messages nun.”

“Ako din tapos tuwing tatanungin ko siya, iibahin niya yung usapan. Diba ang weird?”

“Alam mo feeling ko, LAHAT NG TUNGKOL SA BOYFRIEND NIYA PURO KASINUNGALINGAN.”

Patay tayo diyan. Kailangan ko ng mag-isip ng paraan.

Hay ano ba naman to? Parang humukay ako ng sarili kong libingan. Feeling ko mamamatay na ako. Ano nang gagawin ko? Hindi naman ako makakahanap agad ng boyfriend. Kung parang DVD lang yun ang boyfriend na pwedeng rentahan papatusin ko yun. Jusko!!!!

“Uuuy, tignan mo yung guy oh. Ang hot at ang gwapo. Model ba yun?”

Ha? Sino naman yun?

Wow, ang gwapo nga niya. Sa lahat, angat na angat nga siya. Yun, tumpak! Ang kailangan ko lang ay picture tapos ok na ang lahat. Pwede ko na siyang gawing boyfriend. Hindi ko naman to kilala at siguro hindi naman to kilala nina Erin at Joy. Yes!

*Click!

Shoot yung shutter sound………..

“Ah, miss. Did you just take a picture?”

Oh my god! Anong gagawin ko? Hindi makapag-process ang utak ko. Frizzle galaw! Mag-isip ka!

“Ano yun?!”

“Ha? Ang alin?” Lumingon siya, takas na. “Miss, wala naman….. Asan na siya?"

Yes buti gumagana pa ang mga classics joke. Muntik na ako dun ah. Pero may picture na ko! Ahahaha! May maipapakita na ko! BWAHAHAHAHAHAHA!!!!

I CAN’T WAIT FOR TOMORROW!

Binded To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon