Chapter 2 - Talia

48 4 2
                                    

Chapter 2 - Talia

 Una sa lahat, magpapakilala ako. Ako si Natalia Prudencio. Bunso sa magkakapatid. Dalawa lang kaming magkapatid. Ang panganay ay si kuya Joss. Sa kasamaang palad, napagbintangan si kuya na magnanakaw. Kaya ayun, nakulong siya, anim na buwan na. Ang aking mama ang pumanaw na, tatlong buwan ang nakalipas. Kaya si papa, sa sobrang pagkadepress ay inilulong ang sarili sa bisyo- alak at sugal. Madalas niya akong sinasaktan, noon pa man nung nabubuhay pa si mama, ngunit hindi ganun katindi dahil pinoprotektahan ako ni mama. Ngunit ngayon, mas lalong lumala. Halos araw-araw akong sinasaktan ni papa. Palagi siya sakin nanghihingi ng pera. Noong una ay binibigyan ko pa si papa mula sa ipon ni mama sa bangko. Malaki ang pera na inipon si mama, sapat na sa pangkain araw-araw at pambili ng pangangailangan na aabot ng apat na buwan. Pero dahil sa madalas na paghingi ni papa ng pera, unti-unti itong nauubos. Ako ang kumukuha ng pera ni mama. Binigyan ako ng karapatan dahil anak niya ako at may kasulatan na pinapayagan akong kumuha ng pera ni mama. Ayaw kumuha ni papa ng pera dahil tinatamad daw siya, pero pag sa bisyo ay ganadong-ganado siya. Minsan nga ay natatanong ko sa sarili ko na bakit pa siya ang naging papa ko? Pwede naman iba na lang diba? Yung mas maayos, maalaga, masipag, at palaging poprotekta sakin. Ngunit sa kamalas-malasan, kabaligtaran pa ang napunta sakin. Pero ano pa ang magagawa ko diba? Dapat na lang ay magpasalamat ako, at kung wala siya, wala din ako.

Maglalabing-limang taon na ako sa August 14. Kung dati-rati ay excited ako dahil icecelebrate ko ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko kasama ang mahal ko sa buhay, ngayon ay hindi na. Wala na si mama at si kuya. Hay, namimiss ko na sila.

Magthithird year high school na sana ako kung hindi lang nangyari ang hindi inaasahan.

Lasing na umuwi ang papa ko mula sa sugalan at inuman sa labas. Malalim na ang gabi at gising pa rin akong nag-iintay kay papa sa sala. May na kasi, malapit na ang pasukan. Ngunit wala pa akong pang-enroll at pati na rin mga gamit sa eskwela. Kukulangin panigurado kung gagamitin pa ang inipong pera ni mama, baka wala na rin kaming makain. Inisip ko na sabihin kay papa na kailangan niya nang maghanap ng trabaho. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba iyon, pero dahil wala akong choice ay kailangan. Sa tingin ko naman ay maiintindihan niya yun. Anak naman niya ako, at may puso naman siya.

Pero nagkamali ako. Nagkasagutan kami ni papa. Hindi niya ako naiintindihan.

"Lumayas ka dito! At wag ka ng babalik pa! Wala kang utang na loob! Pinalaki ka namin ng nanay mo pero wala kang utang na loob!" sigaw sakin ni papa. Sobrang sakit ng mga sinasabi niya. Pero hindi ako naiiyak. Pinipigilan ko ang gusto ng kumawalang luha. Hindi, hindi ako iiyak sa harap niya. Wala siyang kwentang ama.

Pumasok ako ng kwarto upang kunin ang mga gamit ko. Tama, lalayas na ako dito. Dito sa impyernong ito. Kinuha ko ang mga damit ko at ilang gamit at pinasok sa backpack ko. Kinuha ko na rin ang pinakatago-tago kong ipon nung 2nd yr na gagamitin ko sana para sa birthday ko, para makabili para sa sarili ko. Magagamit ko na nga ito, pero hindi na para sa birthday ko. Nakakalungkot isipin, pero wala akong magagawa. Kailangan kong lumayas sa pamamahay na ito. Baka hindi lang pananakit ang abutin ko dito, baka mapatay na ako ng tatay ko dahil sa kawalang-hiyaan niya.

Napag-isipan kong madaling araw ako aalis, mga alas singko. Ayokong makita ang tatay ko, sobra ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi naman pwedeng ngayon ako aalis, dahil masyado pang madilim. Mamaya ay may masamang mangyari pa sakin.

At doon, nagsimulang tumulo ang luha ko. Sobra-sobra na itong nangyayari sakin. Mabait naman ako, matalino, at mature na. Pero ba't ganun? Puro malas ang nangyayari sakin, lalo nung namatay si mama. Peste kasi, napakawalang kwenta ang taong nakasagasa sa mama ko. Ni hindi man lang kami tinulungan. Mahirap hanapin ang taong gumawa nun sa kanya, sa liblib na lugar kasi nangyari ang krimen kaya walang witness. Ni hindi na namin hinanap ang suspek, tutal imposible na rin yun. Nagdasal na lang kami na sana magkusang loob ang gumawa at umamin sa kasalanan. Pero dahil wala siyang puso, ni hindi talaga siya nagpakita.

Sa sobrang kapaguran at pag-iyak ay nakatulog na din ako. Nag-alarm ako sa cp ko para magising ako ng 5 o'clock.

Tumunog ang cp ko. Pagkakita ko ay alas singko na pala. Dali dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Sakto, walang tao sa sala. Panigurado ay nasa kwarto si papa natulog. Dahan-dahan akong lumabas. Yes! Makakaalis na rin ako sa impyernong ito!

Biglang tumilaok ang manok. Nabigla ako kayang dali dali kong hinigit ang payong mula sa sapatusan, pagkatapos ay lumabas na ako ng gate.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon