Chapter 4 - Talia

42 4 1
                                    

Chapter 4 - Talia

"Ibigay mo na lang yang gamit mo kay manang, siya na magdadala nyan sa kwarto mo." ani Mrs. Marquez. "Mamaya pagdating ng mga anak ko ay ipapakilala kita sa kanila."

Nandito kami ngayon sa mala-mansiyong bahay nila. Grabe, ang laki lang. Dalawang palapag lang bahay nila, pero dahil malawak, tiyak maliligaw pa rin ang mga first time pa lang na makapasok dito.

Pero ano? Anong kwarto? Anong sinasabi niya?

"Ahh.. Mrs-"

"Tita Sandra na lang, ay no, parehas nga pala tayo. Tita Sandy na lang." Nakangiti siyang sabi sakin. "Dito ka muna ha hanggang sa makacontact tayo sa mga relatives mo ha. Magpapatulong tayo sa isa sa mga tauhan namin." Pagkasabi niya ay tinapik niya ang aking balikat.

Ahh, yun pala. Nginitian ko siya, pero sa totoo lang, nag-aalala talaga ako. Paano kung malaman niya ang totoo? Na nagsisinungaling ako? Paano na? Hay.

"Manang, halika." tawag niya sa isa sa mga katulong nila. Matanda na siya at may kulay puti na ang mga buhok, pero sa tingin ko ay malakas pa rin siya at kayang kaya pang magsilbi dahil sa postura niya.

"Manang Nova, si Sandra. Dito muna siya titira pansamantala." sabi niya kay manang. "Sandra, si manang. Siya ang katulong namin dati pa. Mabait siya." pakilala naman niya sakin. Pero sa tingin ko ay hindi siya mabait. Tumungo ako at ngumiti sa kanya ngunit di man lang niya ako nginitian pabalik. Bagkus ay tinignan niya lang ako na para bang masama akong tao.

"Sandra, halika nga muna saglit." ani manang at lumayo samin. Sumunod naman si Mrs. Marquez, err, tita Sandy.

Pakiramdam ko ay hindi maganda ang pag-uusapan nila, tingin pa lang sakin ni manang Nova, halata na. Hala, ano ba tong pinasok ko?

Nilibot ko na lang ang tingin ko sa mansyon ni tita Sandy, nandito ako sa sala nila. Nakita ko ang mga pictures na nakahang sa dingding, mga pictures iyun ng pamilya niya. Kasama niya sa pictures ang kanyang asawa at tatlong anak, dalawang babae, isang lalaki. Yung isang babae ang panganay, siguro ay nasa kolehiyo pa lang, base sa mukha at tangkad. Maganda siya pero mapayat. Maputi siya, at singkitin ang mata, mana sa tatay. Yung pangalawa ay yung lalaki. Mukhang kasing edad ko lang. Taliwas sa ate at tatay niya, mukhang namana nung lalaki ang features ng mama niya. Mula sa morenong kutis, sa tangos ng ilong, mapupungay na mga mata, at sa tindig at postura. Ayy, ano na ba tong nasasabi ko, masyado ko na siyang napupuri. Pero, sabagay, gwapo kasi eh. Yung bunso naman ay yung isa pang babae, cute siya. Singkitin, medyo chubby, tsaka matangkad. Maganda ang lahi nila.

Hay, namimiss ko na rin pamilya ko. Syempre pamilya ko pa rin sila no, kung wala sila, wala din ako. Pero hindi rin naman ako masisisi kung naglayas ako eh, ayoko ng mahirapan pa doon. Hindi na makatarungan ang pang-aapi ng tatay ko doon.

Napatingin ako kina tita Sandy at manang Nova na kasalukuyang nag-uusap pa rin sa kusina. Napapansin ko rin na kanina ay tumitingin sila sakin tapos ay bumabalik sa usapan nila. Naalala ko kanina ang mga nangyari. Pagkatapos naming kumain ni tita ay sinabihan niya ako na uuwi daw siya sa bahay nila at isasama niya ako. Hindi ko na binalak pa siyang tanungin kung bakit, masyado na kasi akong nahihiya sa kabaitan niya sakin. Kaya naisip ko rin, kung papatirahin niya ako, balak ko sanang magtrabaho sa kanya, kahit katulong, o alalay, o kahit ano pa yan. Gusto ko sanang maibalik lang yung tulong na ginawa niya para sakin.

"Sandra, ibigay mo na gamit mo kay manang. Dadalhin niya na sa room mo." nakangiting sabi sakin ni tita Sandy. Di ko namalayan na nakabalik na pala sila. Nakangiti si tita Sandy pero si manang, walang ekspresyon na lumalabas sa mukha.

"Ahh, tita Sandy. Naisip ko lang po, pwede po ba ako magkatulong dito?-"

"What? No." putol niya sa sinabi ko. "You're guest here, and you should be treated like a guest."

"Kasi po tita, nakakahiya-"

"Wag ka ng mahiya baby, ok lang sakin. Tutal tinulungan mo ako kanina, eto na yung sukli sa ginawa mo."

"Tita, balak ko po kasi talaga magkatulong. Gusto ko po kasi mag-aral ulit, 3rd year na po kasi ako ngayong June. Kelangan ko po ng pera, tsaka po para makabalik na samin, ahh sa relatives ko po." Aral? Paano pa ako mag-aaral eh wala nga akong pang requirements? Ano ba tong utak di nagana minsan eh.

"No, kung gusto mo mag-aral, pag-aaralin kita. May sarili kaming school, kung gusto mo ipapasok kita doon. Wag ka nang magkatulong, bata ka pa."

Woah? May sarili silang school? Aba mayaman!

"Tita, please po. Thank you po sa offer niyo, pero sana din po payagan niyo ako, kahit alalay niyo po. Kung may papagawa po kayo kahit simple, gagawin ko po. Kahit po ano. Please po?" mga bilogin kong mata nagmamakaawa na. Sana payagan niya na ako.

Nagkatinginan si tita at manang, tumango si manang kaya napatingin ulit sakin si tita. Pilit akong ngumingiti para payagan niya ako. Pinagsalikop ko rin ang kamay ko na nakalagay sa likod. Nagbuntong-hininga ako.

"Sige, gagawin kitang alalay. Kung iyun ang gusto mo. Papaswelduhan din kita at pag-aaralin. Wala kang requirements, pero ako na bahala dun. Wag ka nang umangal pa ha?" nakangiti niyang sabi sabay kurot sa baba ko.

Yes!

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon