Chapter 3 - Talia

33 4 0
                                    

Chapter 3 - Talia

Mabuti na lang at may nakita akong masisilungan ngayon. Malayo ang itinakbo ko. Nandito ako sa labas ng isang establishment na sarado, naghihintay na tumila ang ulan. Hindi naman gaano malakas, pero dahil ayokong magkasakit ay tumambay muna ako dito. Nagmumuni-muni lang ako dito nang may narinig akong pagsigaw.

"Tulong! Nanakaw ang bag ko! Tulong!" sigaw ng isang babae.

Agad kong hinanap ang sigaw. Nag-alala din ako kasi baka may nangyari ng masama sa babae.

May nakita akong nakabonet na lalaking tumatakbo dala ang isang pambabaeng bag. Marahil ay ito ang snatcher dahil hinahabol siya ng babae.

"Ibalik mo yan! Magnanakaw!" sigaw ulit ng babae.

Nagulat ako dahil papunta sa direksyon ko ang lalake. Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko ang babae, pero baka may dalang kutsilyo o baril ang snatcher, mamaya patayin pa ako.

Pinapagpapawisan ako kahit medyo malamig, malapit na kasi ung snatcher. Inisip ko na lang na kung sakin mangyari yun, marahil ay gusto ko rin na may tumulong sakin.

Kahit umaambon, dali-dali akong lumapit sa lalaki. Ihahampas ko sa kanya ang dala kong bag. Bahala na.

Di niya siguro ako napansin kaya nung malapit na siya ay hindi niya naiwasan ang hampas ng bag ko. Saktong tumama sa ulo ang bag kaya napaupo siya. Di man niya nabitawan ang bag ay ang kutsilyo naman ang nabitawan niya. Sinamantala ko na iyon para kunin ang bag ng babae.

Nakaupo pa ang lalake ng kinuha ko ang bag. Nabigla naman siya nun kaya bumalik siya sa wisyo nun. Nag-aagawan kami ng bag, nakaupo siya at nakatayo ako. Pero dahil mahigpit ang pagkakahawak niya, hindi ko madaling naagaw ang bag.

Nanginig ako nung napansin kong kukunin niya ang kutsilyo. Hindi, ayoko pang mamatay. Ayokong mamatay dahil may pangarap pa ako. Gusto ko pang maging doktor. Ayoko pa, ayoko pa...

Nasa bingit na ako ng kamatayan ng biglang may pumitong sekyu. Sabay kaming napatingin sa direksyon ng pito, kaya nung di na siya nakatingin sakin ay tinadyakan ko na siya sa tagiliran niya. Nanghina siya kaya hinigit ko na ng malakas ang bag. Nabitawan niya na ito, pero dahil sa sobrang lakas ng paghigit ko ay tumumba ako. Papalapit na ang sekyu kaya tumakas na ang lalaki. Hahabulin ko pa sana pero dahil nakuha ko naman ang bag, hindi na kailangan.

Lumapit sakin ang sekyu pati na rin ang babaeng nanakawan. Namumukhaan ko siya eh, di ko lang tanda kung anong pangalan niya.

Agad akong tumayo. Binalik ko na rin ang nasnatch na bag.

"Naku miss thank you! Thank you talaga. Maraming importanteng nakalagay dito. Kung wala ka ay baka tuluyan ng nakuha ang mga gamit ko. Thank you ulit." nakangiting sabi sakin ng babae. Maganda ito, makinis, at mukhang professional na babae. Medyo matanda na rin siya. Mukha ngang kagagaling lang sa isang meeting ang babae.

"Walang anuman po iyon. Mabuti po kasi na tumulong sa kapwa, lalo na kung nangangailangan." sagot ko.

"Ang bait mo namang bata. Pero bakit mag-isa ka lang? Asan ang mga magulang mo? Ano bang pangalan mo?" sunod-sunod na tanong niya.

Teka, ano bang sasabihin ko? Sasabihin ko kaya ang totoo, na tumakas ako samin? Kasi pinalayas ako ng tatay ko? Pero hindi, dapat ay walang makakaalam kung sino ako. Gusto ko ng bagong buhay, gusto ko ng kalimutan ko ano ang nakaraan ko.

"Ako po si Sandra Mar-"

"Sandra? Sandra din ang pangalan mo? Parehas pala tayo!" aniya.

Huh? Teka sino ba to?

"Mrs. Marquez, bumalik muna tayo ng opisina niyo. Mamaya baka may mangyari pang masama kung nandito pa tayo." sabi ng sekyu kay Mrs Marquez. Teka Mrs Marquez? Siya ba si Sandra Marquez? Shet baka siya nga! Sandra din ang pangalan niya eh. So konsehala siya? Kaya pala namumukhaan ko siya. Siya ang nasa tarp. Ay kaloka! Buti na lang di ko natuloy ung Marquez, kundi magmumukha akong tanga. Halos parehas ng pangalan? Anu ba yun!

"Siguro nga manong. Buti na nga lang tumila na ang ambon eh." sagot niya kay manong guard. Teka di ko napansin yun ah, tumila na pala. "Sandra, ayy anu ba yan parang tinatawag ko lang sarili ko" sabay ngiti niya. Ang ganda niya lalo pag nakangiti, nagmumukhang bata. "May kasama ka ba?" tanong niya.

"Ah wala po. Mag-isa lang po ako." nakatungo kong sagot.

"Ganun ba? Oh sige sumama ka sakin sa office. Kumain ka na ba? Halika meryenda tayo." yaya niya.

Naisip ko, sasama ba ako? Nagugutom na rin kasi ako eh. Wala naman sigurong masama kung sasama ako.

"Sige po." nakangiti kong sagot. Kinuha ko na rin ang bag kong nakakalapag sa kalsada. Yung payong ko, ayun iniwan ko na sa establishment. Bahala na magbobote dun.

Lumakad na kami papunta sa building na kung san siya galing. Ang laki ng building. Woah. Ang yaman naman niya, sabagay konsehala. Pumasok na kami sa loob. Pansin kong nakatingin sa kanya ang mga empleyado. Nag-aalala siguro sila sa boss nila.

Tahimik kaming pumasok sa office niya sa 3rd floor. May apat na floors lang ang building na to. Feeling ko hindi ito pang gobyerno eh, feeling ko pang business ito.

Iginala ko ang paningin ko sa office. Malaki ito. Kulay yellow ang pintura. May mga iilang paintings din dito, pati na rin ang malaking picture ni konsehala na nakaframe. May mga pictures din na kasama ang asawa niya, pati na rin anak niya.

Umupo siya sa sofa. Pinaupo niya na rin ako dito sa malambot na sofa na ito. Tinawag niya ang sekretarya niya at nagpadala ng mga pagkain para saming dalawa. Nagsimula na rin siyang magtanong sakin.

"Sandra, nasan ang mga kasama mo? Nawawala ka ba? Gusto mong tulungan kita mabalik ka sa pamilya mo?" tanong niya. Feeling ko ayaw ko ng magsinungaling eh, mabait kasi yung babae. Pero dahil nasimulan ko na, papanindigan ko na to. Bahala na kung anong mangyari.

"Wala po akong kasama, wala na po kasi akong pamilya. Nasunugan po kami, namatay po yung mga magulang ko. Nanggaling po ako sa kabilang bayan, naghahanap po kasi ako ng matutuluyan. Yung tinuluyan ko po kasi nung isang linggo, wala na po. Pinapaalis na po kami, gagamitin na po kasi yun. Kaya ayun po."

Iisa lang ang totoo sa mga sinabi ko- yung nanggaling ako sa kabilang bayan. Ayoko kasing malaman ng tatay ko kung nasan ako, ayoko ring maalala ko pa ang nakaraan. Masakit pa sakin iyon.

"Naku, nakakaawa ka naman pala. Eh san ka tumutuloy? Wala ka bang relatives?"

Shet. Di ko na kaya. Ano bang sasabihin ko? Waaah.

"Ahh, kanina lang po ako umalis doon. Tapos po yung relatives ko malayo po sila. Kami lang po ang nandito sa lugar na to, wala na rin po akong contact sa mga kamag-anak ko." Wooh, sa wakas totoo na rin ang sinabi ko. Pwera lang sa isa. Meron pa naman akong contact sa isa pang naming kamag-anak, yung pinsan kong si kuya Migz, kaso ngayon ay hindi ko na alam kung nasan siya. Ayoko na ring siyang kontakin, para mas tahimik na ako.

"Eh san ka titira ngayon? May pangkain ka ba? Paano ka mag-aaral?"

Shet na malagket. Ayan ang pinakamalaking problema ko ngayon. Yung pangkain ko, keri na sa ipon ko. Yung titirhan ko naman, naghahanap pa ako. Hindi ko kasi nadala yung para sa bangko ni mama, nakalagay kasi iyon sa kwarto nila. Baka mapatay pa ako kung kukunin ko iyon. Yung pang-aral? Bahala na! Siguro titigil muna ako ngayong taon. Balak ko nga sana magtrabaho eh, pero dapat may matirhan muna ako. Hay, ang hirap pala nito.

"Ayun nga po, wala po ako matitirhan. May makakain naman po ako, may pera pa po ako ngayon. Di muna po ako mag-aaral, maghahanap po ako ng trabaho." sagot ko. Sinabi ko na rin yun, baka sakaling mabigyan niya ako. Malay naman diba.

Bumalot samin ang katahimikan. Tanging tunog ng aircon ang naririnig ko. Ano kayang iniisip niya? Pansin niya kayang nagsisinungaling ako? Naku patay. Sana hindi, sana...

*tok tok tok*

"Pasok na." sabi niya. Dumating na ang sekretarya pati na rin ang nagdadala ng pagkain namin. Madaming pagkain. Shems gutom na ako! Ramdam kong kumukulo na ang tiyan ko.

"Kumain muna tayo." nakangiting sabi niya sakin. Nakahilera sa mesa niya ang madaming pagkain. May baked mac, tinapay, cupcakes at juice. Wooh! Tingin pa lang nakakabusog na.

"Salamat po konsehala. Maraming salamat po." sabi ko. Tahimik kaming kumaing dalawa. Sa wakas! May maganda ring nangyari ngayong araw.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon