Chapter 4 - Marcus

40 2 2
                                    

Chapter 4 - Marcus

"Okay class, see you on next Friday. Then Saturday ha? Don't forget, class presentation. Then, graduation niyo na din. Bring your family and friends na din, invite niyo sila sa next summer na magdance class na din sila huh! Okay, dismissed." sabi samin ng baklang dance instructor namin na si coach Benjie. Nagliligpit na ako ng gamit ko dahil gusto ko ng umuwi. Hindi ko alam, basta gusto ko lang umuwi na agad.

"Tol, jam tayo!" sabay akbay sa balikat ko ng bestfriend ko, si Riley.

"Pass muna, pagod." sabi ko na lang, kahit di naman talaga ako pagod. Hindi naman talaga ako napapagod, lalo na pag sumasayaw. Hilig ko talaga ito, hilig namin ng bestfriend ko.

Palabas na kami, natatanaw ko na nga ang driver namin. Sa totoo lang, gusto ko ng matutong magdrive, college na rin naman ako ngayong June. Si mommy kasi, ayaw niya akong payagan. Sabagay, si ate kasi, nung nag-aaral pa siyang magdrive, naaksidente siya. Muntik na ngang macoma ang ate ko eh. Buti na lang talaga, nakasurvive siya. Kaya ayun, naging trauma na saming lahat. Di na ako pinayagan ni mommy.

"Sus, kelan ka pa napagod? Tol diba sabi natin, hindi tayo mapapagod sa pagsasayaw? Dali na, gusto ko lang magjam, yayain natin sina Maegan. Dali na Marcus!" pangungulit niya, may kasamang siko pa. Pasakay na kami ng kotse. Sabay kasi kami pag napasok sa dance class, dinadaanan namin siya sa bahay nila. Minsan naman sa kanya ako nasabay, depende kasi sa kanya kung san kami sasakay, at ngayon trip niya sa trailblazer namin.

"Kung gusto mo, sina Elmer na lang yayain mo." sabay salpak ng headphones sa tenga ko, tapos pumikit na lang. Bahala ka diyan.

"Hala, KJ mo. Bahala ka, sasabihin ko kay Maegan bakla ka." Edi sabihin mo, wala akong pake.

Humilig na lang ako sa bintana.

Dumaan ang ilang minuto, naramdaman kong tumigil na ang kotse. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nasa tapat na pala kami ng bahay nila Riley. Tinanggal ko na rin ang headphones sa tenga ko. Malaki ang bahay nila, pero mas malaki pa rin ang bahay namin. Bumaba na siya pero may pahabol pa rin na sinabi.

"Ge Marcus, bahala ka. Sina Elmer na lang yayayain ko, KJ mo kasi." sabay iling niya.

"Ge." tipid na sagot ko at pikit ulit ng aking mata.

Tumigil ulit ang sasakyan namin matapos ang ilang minuto. Mabilis akong bumaba at dumeretso agad sa loob. Papunta na ako sa dining room nang marinig ko ang usapan ng mga maid namin.

"Talaga? Ang swerte naman nung batang yun!"

"Balita ko nga eh pag-aaralin pa ni madam eh."

Tss, mga chismosa talaga eh. Nasa tapat na ako ng pintuan ng dining room nang maaninag ko ang bulto ng isang babae. Kinilabutan agad ako, kaya dahan-dahan lang ang pagpihit ko sa door knob. Pagkabukas ko ay nakita ko ang babae, umiinom ng tubig. Maputi siya, matangkad, at mahaba ang buhok. Nagulat siya sa presensya ko kaya't nabitawan niya ang baso at nabasag ito.

"SINO KAAAA?" sabay pa naming sigaw dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon