****** YOU ARE NOW ENTERING A WATTPAD PAID STORY******
"Oh, saan ka pupunta?"
"Sa labas lang. Magpapahangin." Sagot ko sa tanong ng katrabaho ko.
Tumayo ako at lumabas ng function hall. Kanina pa ako naiinip sa loob. Sabi ko kasi sana hindi na lang ako pumunta. Kung hindi lang talaga ako pinilit ng mga kaibigan ko.
Christmas party kasi ngayon ng company kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ako mahilig sa party. Gastos lang kasi 'yan. Mas mabuti pa na sa bahay na lang ako kasama ang pamilya ko.
Pero nandito na ako eh. Titiisin ko na lang hanggang sa matapos ang party.
Nakahinga ako ng maluwag nung makalabas ako ng kwarto na 'yun. Ayoko talaga sa madaming tao at saka sa pa-sosyal na 'yan.
Kung umuwi na lang kaya ako?
Pero baka magalit sa akin ang mga kasamahan ko. Napag-desisyunan ko na lang na maglakad-lakad muna. Mabuti na lang talaga maganda itong lugar na pinili nila. Napakaganda sa labas sa dami ng Christmas lights at decorations. Ang liwanag ng gabi. Isa itong business resort na nasa tabi ng dagat. Napakaganda. Mukhang mamahalin ang lugar. Hindi na ako nagtataka dahil malaking kumpanya itong pinasukan ko.
Naglakad-lakad ako sa labas. Wala ng tao dito sa labas. Nasa loob siguro lahat. Maganda pa naman ang simoy ng hangin. Tumigil ako sa pinakadulo kung saan tanaw ko ang dagat. Medyo mataas ang lugar na 'to at ilang talampakan ang taas mula sa dagat. Natatanaw ko ito sa baba. May railings para hindi mahulog ang mga bisita kung sakaling pumunta dito ng madilim.
Huminga ako ng malalim at nilanghap ang hangin. Napangiti ako dahil nararamdaman ko ang lamig ng hangin na humahalik sa pisngi ko. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Kailan ba ako huling nag-enjoy at namasyal ng ganito na mag-isa? Hindi ko na maalala. Puro trabaho kasi ako. Hindi ko na nai-enjoy ang buhay ko. Pero okay lang naman. Basta para sa pamilya ko,gagawin ko ang lahat.
Napasinghap ako at napadilat ng mga mata nung may narinig akong natumba.
Hinanap ko ito.
Dinilat ko ang mata ko dahil sobrang dilim sa parteng ito ng resort.
"Sinong nand'yan?"
Walang sumagot kaya naghanap pa ako. Pero ilang sandali ay may narinig akong ungol. Napakunot ang noo ko na sinundan kung saan nanggaling iyon.
Ayun! May taong natumba pala sa damuhan. Sino kaya 'yun? Matulungan nga.
Nilapitan ko ito. "Kuya, okay ka lang ba?"
Hindi ito sumagot kaya lumapit pa ako. Napaatras ako ng konti nung tumaas ang mukha niya at nakita ko kung sino.
"S-Sir?"
Mapupungay ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Who are you?" Sabi niya na kinagulat ko ng konti. Ngayon ko lang talaga siya narinig magsalita na malapit sa akin. Pero, tsk... Tama nga ako. Lasing ang isang 'to.
Kaya pala isang beses ko lang siya nakita kanina sa party. Nung sa umpisa lang. Kasi lumabas pala siya at nagpakalasing.
"Diana Garcia po, sir. Isa po sa empleyado ninyo," pagpapakilala ko.
Hindi siya sumagot saka nagpumilit na tumayo pero natutumba ito kaya lumapit ako saka tinulungan siyang tumayo.
"Kaya niyo po bang mag lakad, sir?"
Ungol lang ang sagot nito. Napatingin ako sa paligid at wala akong makitang tao. Hihingi sana ako ng tulong. Sigurado naman kasi na hindi niya kayang maglakad.
BINABASA MO ANG
The Dominant CEO
RomancePlain-looking Diana Garcia was never the type to turn heads, but her world is turned upside down when one drunken mistake with her handsome CEO sets off a series of events that are bigger than a pregnancy. ***** Ordinary and...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte