Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 5: He Noticed

187K 3.1K 43
                                    




Tatlong linggo. Matagumpay kong naiwasan ang boss ko ng tatlong linggo. Tama ang nabasa niyo. Kung alam niyo lang kung anong pag iiwas ang ginawa ko para hindi magkita ang landas namin.

To the point na hindi na ako umaalis sa department ko. Nagbabaon na rin ako ng lunch at sa pantry na lang kumakain para lang hindi ko siya makasalubong sa cafeteria.

Bumababa na lang ako pag uwian na. Nasa desk ko lang naman lahat ng trabaho ko eh. At hindi naman nagagawi siya dito.

Ano naman ang gagawin niya sa mga empleyado niya sa mababang posisyon?

Pero kung dati ang paglilihi ko ay sa pagkain lang, ngayon nasama na ang pagka antukin ko. Madalas akong makatulog ng hindi ko napapansin habang gumagawa ako ng report. Isang beses na nahuli ako ng head namin dito sa department. Hindi naman siya nagalit pero sinabi niya lang na pigilan ko sa susunod ang matulog baka makita kami ng boss namin. Lalo na ang CEO ng company na si Sir Bob Beckenham, ang ama ni Sir Bryan. COO naman si Sir Bryan. Pero mas nakakatakot pag nahuli ako ng minsang dumadalaw dito na mommy niya na si Manu Beckenham. May pagka mataray kasi si ma'am. Napaka sopistikada pa nito. Lahat kami tahimik pag nandito siya.

Gumagawa na naman ako nga reports nung dinalaw na naman ako ng antok.

Nagising ako ng konti nung siniko ako ni Suzette.

"Uy, nakatulog ka na naman d'yan."

Pilit kong dinidilat ang mga mata ko sabay hikab. Nilingon ko si Suzette. "Inaantok talaga ako. Hindi ko mapigilan." Sabay hikab ulit.

"Pigilan mo. Baka pagalitan ka pag nakita ng mga boss natin. Mag kape ka baka makatulong." Suhestyun nito.

Hindi ko naman sinunod dahil bawal sa akin ang kape. Kahit mapahamak ako sa boss ko basta hindi lang to mapahamak ang anak ko sa pag-inom ko ng kape.

Hindi ko napansin na tuluyan na naman akong nakatulog. Nagising ako nung may maramdaman na naman akong pag siko.

"Suzette, ano ba? Inaantok pako." Ungol ko.

Pero siniko ako ulit, "Gumising ka na d'yan. Nasa harap si sir." Madiing bulong nito sa akin na may kasamang kaba sa boses.

Napilitan akong bumangon at naputol pa ang paghikab ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Tila nagising ang buong diwa ko at dilat na dilat ang mga mata ko.

"S-Sir?" Nanlaki ang mga matang sabi ko.

Seryoso itong nakatingin sa akin. Feeling ko matutunaw ako sa kaba at takot. Nagdadasal ako na sana nananaginip lang ako.

"Can I talk to you, miss?"

Napatingin ako sa gilid ko at nakatingin sa akin ang mga katrabaho ko. Sa kabila naman ay ganun din. Nung tumingin ako kay Suzette ay halata ang pag aalala nito. Pero tumango siya sakin na ibig sabihin ay kausapin ko ang boss namin para matapos na.

Bumaling ako kay Sir Bryan saka tumango.

"Privately." Dagdag nito saka tumalikod na siya kaya agad naman akong tumayo at sinundan siya. Tumigil kami sa isang kwarto na nandito lang din sa floor namin na bakante.

Nakatayo akong nakayuko sa harapan niya. Hindi ko kayang salubungin ang matalim na mga titig niya sa akin.

Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Papagalitan kaya niya ako? Suspension? O baka naman Tatanggalin na ba niya ako sa trabaho? Wag naman sana. Kulang pa ang ipon ko para sa amin ni baby. Hindi pa sapat.

Mariin  akong pumikit ng mga mata nung magsimula na siyang magsalita.

"If you're ashamed of what you did to my car, forget it. You don't have to hide or runaway whenever you see me."

The Dominant CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon