Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 4: Obvious Signs

183K 3K 87
                                    



Ilang araw kong iniiwasan ang makasalubong ko ang boss ko. Minsan, parang aatakihin ako sa kaba pag nakikita ko siya pero agad din akong magtatago bago pa niya ako mapansin. Nagawa ko naman ang hindi magpakita sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Pero ang hindi ko mapigilang maitago ay pagsimula kong maglihi.

Madalas akong nagigising sa gabi at maghanap ng kung anong pagkain. Mabuti na lang at willing si papa na lumabas ng bahay para bilhan ako ng gusto kong kainin.

Umabot din pati dito sa opisina ang paglilihi ko. Kung noon ay madalas ako sa cafeteria kumakain, ngayon naman ay lagi akong sa labas at naghahanap ng kung anong makakain.

Napakahirap pala mag buntis. Pag hindi ko maibigay ang gusto kong kainin ay umiiba ang mood ko na parang aburido ako ng sobra. Pero ang mas mahirap ay ako lang mag isa.

Tulad ngayon, nandito ako sa labas ng building at hindi ko alam kung saan ako kakain. Naglakad pa ako ng ilang metro at may nakita akong isang Chinese restaurant.

Natakam ako bigla nung makita ko ang menu na nakalagay sa labas. Kaya pumasok ako.

"Hi ma'am, table for how many?"

"Mukha bang may kasama ako?" Masungit na sagot ko. Pasensya na, kuya. Hindi talaga ako to. Ang baby ko yan. Gutom na kasi.

"Sorry po. This way, ma'am." Sagot ng lalaki sabay dala ako sa isang table.

Inorder ko lahat ng nakikita kong nakakatakam. Siguro mga ilang minuto lang ay nakarating na din sa wakas ang pagkain. Mabilis ko iyong sinunggaban. Para akong patay gutom na naman. Naubos ka kasi ang tatlong putahi na inorder ko.

Nung binigay na sa akin ng waiter ang bill ko ay nanlaki ang mga mata ko. Literal.

Pano naging 550 pesos lahat yun??

Ibang klase ka naman, anak, oh. Sa mamahaling pagkain talaga ang gusto mong kainin. Ayan tuloy, napapagastos ako.

"Kuya, wala po bang discount 'to?" Pagbabakasakali ko. Nasasayangan kasi talaga ako sa pera. Dagdag allowance ko pa sana ito.

"Pasensya na, ma'am. Wala pong discount dito sa restaurant. Fixed po lahat ng prices."

"Nagbabakasakali lang naman." Mahinang sabi ko na ewan ko kung narinig niya.

Walang gana kong binaba ang bill ko at nagsimula ng dumukot ng pera sa wallet ko. Binibilang ko ang pera ko nung may narinig akong magsalita.

"Here. I'll pay for her."

Mabilis akong napa-angat ng mukha. Kilala ko kasi ang boses na yun. At tama nga ako. Siya nga! At inaabot niya ang card niya sa waiter na agad naman nitong kinuha.

"Okay, sir. I'll be back for your receipt and card." Sabi nito saka umalis.

Kainis naman oh. Kung sino pa ang iniiwasan ko ay siya pa itong lapit ng lapit. Pati ba naman dito sa restaurant ay maliit ang mundo namin? Akala ko sa opisina lang.

"Ang lakas ng loob mo kumain ng madami, wala ka pa lang pambayad."

Napanganga akong tumingin sa kanya. Nang-iinsulto ba siya? Bigla akong nakaramdam ng galit lalo na makita ko ang pag-smirk niya.

"May pambayad ako." Masungit na sagot ko.

Tumawa siya na parang nang-iinis.

"Really? That's not how I read your facial reaction the moment you saw the bill."

Napakunot ang noo ko sa kanya. Boss ko siya pero bakit ganito siya makipag usap sa akin?

"Paano niyo naman po nalaman? Pinagmamasdan niyo ba ako mula pa kanina, sir?"

The Dominant CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon