"Mag ingat ka, anak.""Opo," sagot ko kay mama saka humalik sa pisngi niya saka umalis.
Ilang araw na din ang lumipas simula nung araw na nagpasya akong wag sabihin sa amo ko ang pagdadalang-tao ko. Tanggap na ni mama at papa ang desisyon ko na wag ng ipaalam sa boss ko ang tungkol sa bata. Alam din kasi nilang may ka relasyon ito. Tutol si mama sa ideya na hindi nito papanagutan ang bata pero mas tutol siya sa ideya maaaring batikusin ako ng mga tao pagnalaman nila ang sitwasyon ko. Baka daw sabihan pa ako ng maninira ng relasyon lalo na at hindi biro ang boss ko. Mayayaman daw ang babanggain namin pag nangyari yun. Yun ang huling gustong mangyari nina mama. Mas pipiliin na lang naming maghirap basta tahimik ang buhay kaysa sa magulong buhay.
Kaya yun, buo na ang desisyon namin na palakihin ang bata na walang kinikilalang ama.
Sumakay na ako ng jeep papunta sa opisina. Doon pa rin ako nagta-trabaho. Hindi pa naman kalakihan ang tiyan ko. Sabi ng doktor, isang buwan pa lang daw ang tiyan ko. Mga dalawang buwan at kalahati pa daw lalabas ang umbok nito.
Napagplanuhan namin ni mama na manatili na lang muna ako sa trabaho hanggat hindi pa lumalaki ang tiyan ko. Ang totoo, ayaw ko talaga iwan ang trabaho ko d'yan kasi malaki sila magpasahod. Siguro mag-maternity leave na lang ako pag malapit na akong manganak at pag sobrang laki na ng tiyan ko. Para maka balik ako ulit pagkatapos kong manganak.
Sinabi din ni papa na sa oras daw na mag hinala na ang boss ko at magtanong sa pagbubuntis ko, na sa tingin ko naman ay napaka impossible dahil hindi naman ako nito pinapansin, ay umalis na daw ako bago pa gumulo ang sitwasyon. Pumayag naman ako dahil kahit ako ay ayoko din naman ng gulo.
"Good morning, Diana! Ang aga-aga, ang blooming natin, ah?" Bungad sa akin ng kaibigan kong si Suzette.
Ngumiti ako. "Lagi naman, ah?"
"Alam kong maganda ka pero iba ngayon ang aura mo, girl. Ang totoo, inlove ka 'no?"
Natatawa akong umiling.
"May manliligaw ka ba?" Sabi nito at hinabol ako hanggang sa makaupo sa desk ko.
Tiningnan ko siya, "Wala 'no."
"Sus." Sabay taas niya ng kilay sakin. "Pa-private lang ang peg."
"Alam mo, Suzette. Mag trabaho ka na nga lang. Baka mahuli kapa d'yan ni Ma'am Elle at mapagalitan pa tayo."
Ngumuso siya. "Sige na nga." Pagsuko nito saka bumalik na sa mesa niya na nasa kabilang gilid ko lang naman.
Lunch break na noong makaramdam ako ng gutom. Agad akong pumunta ng cafeteria para bumili ng makakain. Nauna na ako kay Suzette dahil may tinatapos pa siya.
"Diana, ang ganda natin, ah? Blooming ka ngayon?" Sabi ng nagtitinda dito. Kilala na ako nito. Lahat naman yata ng empleyado dito dahil lagi kaming bumibili.
"Manang naman, parang sinasabi niyo na ngayon lang ako maganda."
"Hindi iyon. Maganda ka na talaga sa una pa lang kitang nakita, mas gumanda ka lalo ngayon. Hiyang ka na siguro dito sa trabaho mo, ano?"
Ngumiti ako. "Siguro nga po."
"O, baka naman may boyfriend ka na, hija? Naku, ang swerte ng lalaki kung sino man iyon. Maganda ka na, mabait pa."
Medyo kinilig naman ako sa papuri ni manang sa akin. Sasagot na nga sana ako sa kanya at magpapasalamat sa kanya pero may tumikhim sa gilid ko na agad ko naman tiningnan. Nawala ang ngiti ko nung makita ko kung sino at bigla akong kinabahan.
"Sir Bryan!" Gulat na sabi ni manang sa boss namin saka ngumiti ng alanganin.
"I think it's not good to do your chit-chat here when there are people waiting in line." Seryosong sabi nito. Napatingin ako sa likod niya at may mga nakapila na nga. Hindi ko napansin. Kanina wala pa 'yun, eh. Medyo maaga kasi ako bumaba kaysa sa usual na lunch time.
BINABASA MO ANG
The Dominant CEO
RomancePlain-looking Diana Garcia was never the type to turn heads, but her world is turned upside down when one drunken mistake with her handsome CEO sets off a series of events that are bigger than a pregnancy. ***** Ordinary and...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte