"Uy, Diana, maaga ka naman umuwi ka ng maaga nung party 'no? Hindi na kasi kita mahanap." Sabi ng katrabaho ko kung saan ako nagpaalam na lalabas muna pero hindi na ako nakabalik dahil nga sa nangyari.Wala pa akong kahit isang nasabihan ng nangyari. Para ano pa kung sasabihin ko? Mapapahiya lang ako. Kaya sapat ng ako na lang ang nakakaalam at ang boss ko.
Pero ang hindi ko inasahan ay ang walang reaction at walang pakialam na boss ko.
Dumaan siya sa harapan namin at akala ko ay lilingunin niya ako pero hindi. Diretso lang ang lakad niya.
Baka hindi niya lang ako nakita o napansin? Hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako. Gusto ko lang na kausapin niya ako at mag paliwanag siya bakit niya ginawa yun kagabi. Gusto kong malaman ang side niya lalo na at lasing siya. Gusto ko din mag sorry siya at kalimutan na lang ang lahat.
Sinubukan ko ulit na pansinin siya nung lunch break sa cafeteria. Binati ko siya ng "Hi, sir." Pero nilingon lang ako nito ng mabilis at dumiretso na ang tingin sa mga pagkain na nasa harapan namin.
"Ahm, sir." Mahinang sabi ko para kunin ang attention niya.
Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Yes, miss? May sasabihin ka ba?"
Napalunok ako.
"Wait, kilala ba kita? Saang department ka?" Nagulat ako sa tanong nito. Hindi ko inasahan na yan ang sasabihin niya sa akin.
Wag niyang sabihin na... wala siyang maalala? Impossib... hindi. Posible! Dahil lasing na lasing siya nung gabing yun. Pero wala nga ba siyang maalala sa nangyari nung gabing yun? Hindi niya ba ako nakikilala??
"Ah.. wala po. Sige, sir. A-aalis na po ako." Sagot ko na lang saka naglakad palabas ng cafeteria. Parang nalungkot ako at hindi ko alam kung bakit.
"Uy anong drama yun ha?"
"ang alin?" Kunot noo kong tanong sa kaibigan ko.
"Bakit mo kinausap si sir?"
Umiling ako, "Wala. Nangangamusta lang." sagot ko saka dumiretso na sa elevator papunta sa floor kung saan ako naka-assign.
Sa mga sumunod na araw ay mas napatunayan ko lang na wala talaga siyang maalala sa nangyari sa aming dalawa. Consistent pa rin kasi ito sa hindi pag pansin sa akin. Parang wala lang nagbago. Ganun siya sa akin mula unang araw na nagtrabaho ako dito. Siguro nga ay itigil ko na ang umasang maalala niya ang nangyari.
Hindi naman niya kasalanan yun. Ako lang naman ang tanga na pumatol sa isang lasing.
Dumaan ang ilang linggo at nakaramdam ako ng pagbabago sa katawan ko. Madalas akong mahilo at sobrang gana ko kumain. Madalas din akong antukin kaya nagtaka ang mama.
Hanggang sa nagtanong ito ng hindi ko inaasahan na tatanungin niya sa akin sa buong buhay ko.
"Buntis ka ba, Diana?"
Doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Umiling pa ako pero nung maalala ko na may nangyari sa amin ng boss ko, saka ako nagsimulang maiyak sa naalala.
Buong gabi akong pinagalitan ng mama. Pinipilit nitong sabihin ko kung sino ang ama ng bata. Ayoko sabihin pero ayoko mag sinungaling sa mama kaya kinuwento ko lahat sa kanya. Na nangyari ito nung party. Kinuwento ko din sa kanya na sinubukan kong kausapin ang boss ko pero wala itong maalala.
Nag-iyakan kami sa bahay dahil dito. Pati si tatay ay halata ang disappointment niya sakin. Ilang beses akong humingi ng tawad sa kanilang lahat pati sa mga kapatid ko.
Ilang araw bago nila ako kinausap. Pero nung kinausap ako ni mama ang sumunod na sinabi niya ay "ipaalam mo sa kanya na buntis ka."
Mabilis akong tumutol sa kanya pero tama naman kasi siya. Kailangan nitong malaman ang resulta ng nangyari sa amin.
Ilang araw akong nag-prepare ng sarili ko kung paano ko siya haharapin at sabihin ang pagbubuntis ko.
Pero nung dumating ang araw na may naipon na akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ay saka naman nangyari ang hindi ko inaasahang masaksihan ko pagpasok ko ng building.
Nakita ko lang naman siya na may kasamang babae at nakahawak sa braso niya. Nagka-ngitian ang dalawa at mukhang masaya habang papasok naglalakad. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.
"Diana, nakita mo ba ang girlfriend ni sir Bryan?" Tanong ng katabi ko nung makarating ako sa desk ko.
Umiling lang ako bilang sagot. Wala kasi ako sa mood na pag usapan yun.
Ewan ko ba pero nalulungkot kasi ako. At hindi malaman kung bakit. Dahil ba kasama niya ang girlfriend niya na yun? Pero bakit niya ako ginalaw kung may girlfriend naman pala siya?
Lasing nga siya nun, Diana!
"At alam mo ba, nagkabalikan lang daw sila. Ang sabi-sabi, naghiwalay daw ang dalawa bago nung Christmas party natin kaya daw hindi ito kasama ni sir sa party. Pero ngayon, okay na ulit sila. Mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa."
Namutla ako sa mga naiisip.
Nagpakalasing siya dahil broken-hearted siya. Ang tanga-tanga ko! Baka dahil sa lango siya sa alak ay inakala niyang ako yung babae na kasama niya kanina. Ang gaga ko! Bakit kasi hindi ko nagawang mag pigil nun?!
"Uy Diana, umiiyak ka ba?"
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko, "H-hindi. Masakit lang ang mga mata ko." Sabi ko saka tumayo. "Mag-restroom lang ako."
Agad kong sinarado ang pinto ng cubicle at doon tahimik na umiyak. Pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil doon. Siguro nga dahil buntis ako kaya hindi ko mapigilan maging emotional.
Paano na ngayon 'to?
Buntis ako sa anak ko pero hindi man lang alam ng tatay niya ang tungkol dito.
Pero paano ko sasabihin sa kanya kung alam ko na makakasira ako ng relasyon pag pinaalam ko? Hindi naman ako salbahe para sirain sila. Kakabalikan lang nila tapos sisirain ko pa. Ayoko na maging dahilan ng away o hiwalayan ng dalawa. Pero asa naman akong hihiwalayan niya ang girlfriend niya dahil sakin pag sinabi ko.
Pinahiran ko ang mga luha ko saka inayos ang sarili at lumabas ng cubicle. Hinarap ko ang salamin at tiningnan ang mukha ko.
Buo na ang pasya ko. Papalakihin ko ang batang ito ng maayos kahit wala ang ama niya. Ibibigay ko lahat ng kaya ko para sa anak ko. Hindi niya naman kailangan ang ama niya. Madami naman kami na magmamahal sa kanya. Tsaka masaya na ang ama niya ngayon. Ayoko na sirain ang saya niya sa pagkakabalikan nila nung babae. Hindi naman siguro mali ang desisyon ko, 'di ba?
Ayoko lang naman makasira ng relasyon at mas ayoko na maging kahihiyan kami ng anak ko kung sakaling malaman ng lahat.
Hinawakan ko ang tiyan ko.
Kapit ka lang, 'nak. Aalagaan ka ng mama. Mamahalin kita ng buong-buo. Hindi mo mararamdaman na wala kang ama.
BINABASA MO ANG
The Dominant CEO
RomancePlain-looking Diana Garcia was never the type to turn heads, but her world is turned upside down when one drunken mistake with her handsome CEO sets off a series of events that are bigger than a pregnancy. ***** Ordinary and...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte