(Shay POV)
"Good Morning Ma" bati ko kay Mama na kumakain ng pandesal
"Goodmornig Shay, umupo ka na at kumain" tumayo siya at nagtimpla ng gatas
"Ma nasan po si Kuya ?"
"Nagjogging kasama si Kuya Gio mo" sabay lapag niya ng gatas sa tapat ko.
"Nyek hindi ako sinama" naka pout kong sabi
"Hoy ano kaba ginigising ka namin ng kuya mo kanina sabi mo ayaw mo" sagot ni mama
"Talaga Ma ? Hala wala akong alam ."
Totoo? WHAT? Hays bayaan mo na nga siguro napagod ako kagabi , at nabusog
"Anong oras ka umuwi kagabi?"
"Mga 9 na ata yun ma or 9:30 , hinatid ako nung kaibigan ng boyfriend ni Ash , kase may pinuntahan si Ash tsaka boyfriend niya"
"Lalaki naghatid sayo?"
Tumango ako
"Gwapo?"
Gwapo ba si Dion ? Hmm tama lang
"Tama lang po"
Tumango tango si Mama .
Sunday kase ngayon bukas ang unang araw kong papasok ng school , lumipat ako susurprise ko si Ash kase sa school na pinapasukan niya ako papasok tapos nagpalagay ako sa section niya.
.
.
Bored na bored ako ngayong araw hays makapag online nga.Toot**
Meron nanaman pong namomroblema
Mark: Good afternoon Shay meron akong sobrang laki na problema . Ito kase yun may Girlfriend ako , yung girlfriend ko may Bestfriend , hindi ko man sinasadya pero mahal ko na din bestfriend niya , oo mahal ko girlfriend ko pero mas mahal ko yung bestfriend niya , hindi ko na alam gagawin ko .
Ako: " gago ka pala eh nanahimik yung gf mo dati ,niligawan mo tapos gagaguhin mo ? Isa lang puso natin dapat isa lang . O kaya kung talagang ipagpapatuloy mo kagaguhan mo . Mas maganda ng sabihin mo sa gf mo yan sa maayos na paraan , pero ito tatandaan mo , hindi lang relasyon niyo masisira pati relasyong meron sila masisira mo. Pagisipan mong maigi yan. its better to hurt the girl with the truth than to continue the relationship na puro kasinungalingan nalang, mas masakit kase na ang alam niya ok pa ayun pala hindi na"
Hays nako mga hindi kontento sa isa , sabihin na nating hindi mawawala sa buhay ng IBANG tao na hindi makontento sa kung anong meron sila pero sana naman kaya nilang tanggapin o harapin ang kapalit ng hindi nila pagkakuntento. May iilan din naman na nagpapadala sa tukso .
CHERRY: Shay ano gagawin ko naawa nako sa boyfriend ko ilang beses nakong nagcheat sa kanya pero paulit ulit niya padin akong pinapatawad.
Ako: alam mo Cherry wala sa kanya ang problema nasayo na ,kung hindi karin naman kase nuknukan ng kaharutan alam mong may boyfriend ka makikipag katihan ka pa jan sa iba . Mahal ka ng boyfriend mo kaya ka niya pinapatawad . At the same time tanga ka hindi mo ba madama na sobrang nasasaktan siya. Oo sabihin na nating napaka tanga ng boyfriend mo kase ilang beses na pala , pero pag nagmamahal ang isang tao kahit anong pagkakamali ng mahal nila , hinding hindi nila nakikita yun bagkos nangingibabaw ang pagmamahal. Kaya Isip isip huh bilang nalang ang mga lalaking ganya.
Jusko nag init ulo ko dito kay Cherry.
Last na to, ayoko na iopen yung iba
Paul: may crush ako pero hindi ko masabi sa kanya, kasama ko na siya kagabi pero wala hindi ko padin nasabi .