DION POV
Naeexcite na ko para mamaya may supresa kase ako kay Shay pupunta kami ng Tagaytay tapos mag dadala ako ng food, sabi ni tita mahilig daw sa road trip si Shay yun daw hilig gawin ni Shay kasama ni kuya.
.
.
Napalingon ako sa front seat sa tabi ko napangiti nalang ako eh, naiwan ni Shay yung phone niya so paano niya ko macocontact mamaya diba. Nag Uturn ako para bumalik sa school, pero huminto ako dito sa coffeehouse binilhan ko si Shay ng kape coffee lover kase yun eh walang inorasan.
.
.
Malapit nako sa school sobrang lakas ng ulan, nang mapalingon ako sa Park at may nakita akong babae na automatic akong napahinto at napalabas ng sasakyan, napatakbo ako hindi ko alam kung bakit.
.
.
Nung malapit nako nakilala ko na kung sino siya."Shay" tawag ko pero tila hindi niya ako naririnig niyuyugyog niya yung ulo niya, sinubukan niyang tumayo pero tumaob siya at nasalo ko naman
"Dion" nasabi niya bago siya nawalan ng malay
.
.
Agad ko siyang isinakay sa kotse at pumunta sa pinaka malapit na hospit.Sabi sakin ng mga doctor nababad daw si Shay sa ulan kaya ito nawalan ng malay, at itinuro din sakin ng doctor yung mga sugat na meron si Shay at sinabi na bago lang iyo at sariwa pa medyo namaga at nababad sa ulan kaya nilinis nila ito.
Alam kong may nangyare kanina, dahil walang namang mga gasgas si Shay sa mukha nung hinatid ko siya at yung pasa sa mukha niya sobra sobrang laki non, sigurado ako na meron talaga nangyare.
.
.
Nandito na kami sa room naka confine na siya may pinagdaanan daw na matinding stress si Shay kaya natrigger yung katawan niya at mahina ito ngayon.Gumalaw si Shay kaya napatingin ako sa kanya, nagmulat siya
"anong ginagawa ko dito?" tapos napalingon siya sakin "Dion paanong napapunta ako dito diba may klase pako tsaka nasa Park ako kanina diba" babangon sana siya
"humiga ka na jan Shay magpahinga ka" hinawakan ko siya sa kamay "Please Shay this time listen to me" malumanay kong sabi
"pero kase may exam kami" nanghihina niyang sabi
Nakatitig lang ako sa kanya, sobrang putla niya kasalanan ko to eh.
"ako nang bahala doon okay , pagkarating ni Kyle,Tyler at Ash dito pupunta kami ni Kev sa school ha kaya magpahinga ka lang dito please "
huminga siya ng malalim at humiga ulit "okay, but please promise. Edont tell mama and kuya mag woworry yun. "
hawak ko parin yung kamay niya ngayon "okay I promise, but you shoiy tell me sinong mag gawa sayo ng mga galos mo? Lalo na yang mga pasa mo sa mukha?" seryosong tanong ko
tumingin lang siya sakin tsaka umiwas ng tingin "nadapa lang ako kanina"
"sabi ko na eh hindi ka magsasabi ng totoo, sinong nadapa lang ang mag kakaroon ng sobrang daming sugat na gaya ng sayo at mga pasa na yan ha"
Tumingi ulit siya sakin
"pero wag ka mag alala hindi na mauulit to ,I promise na pprotektahan kita "
Ngumiti siya sakin "alam mo ba Dion kanina nung nasa ulanan ako may naalala ako, nasa ulaanan din ako noon bata pako at inaway din ako ayaw nila makipag kaibigan sakin , umuulan noon nasa park ako umiiyak tapos may lumapit saking batang lalaki ibang iba siya kase nakipag kaibigan siya sakin tapos nung tinanong ko pangalan niya ayun nawala na" malungkot niyang sabi
"wag mong mamadaliin ha makikilala mo din siya at maaalala mo din ang mga bagay na yan , alam ko na nasa tabi mo lang siya " nakangiti kong sabi.
May kumatok tsaka ito bumukas, sila Kev at Ash pala.
BINABASA MO ANG
Silent Memories [ON GOING]
Ficção AdolescenteMaitatama ba ng nakaraan ang kasalukuyan ?