Wendy's POV
[School]
"Argh! Bakit ba kasi tayo pinagbuhat nito eh! Hindi man lang marunong maging gentleman!! Tsk!" Bad trip! Pagbuhatin ba naman kami ng mga upuan ng prof namin sa physical education.May mga lalaki naman dun pero kaming mga babae ang pinagbuhat niya. Palibhasa bakla siya eh!!
*boogsh*
"Oh my gosh."
Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid ko, kaya tiningnan ko kung ano bang nangyari.
"S-s-sorry Vincent." Sabi nung isang babae sabay punas sa damit nung Vincent. Mukhang natapunan niya ito ng tubig.
Itinulak lang siya nito kaya napaupo siya sa sahig.
Aba! Gago 'to ah!
"Wanna die?" Cold na pagkakasabi nung Vincent.
Tsk. Yabang. Ang papanget naman. Buti sana kung mga gwapo eh.
Napukaw ang tingin ko sa leader ng mga bibe. Tsk! Ang panget niya!! Hindi naman sila mga mukhang anak mayaman.
Tumingin din ito sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Itapon mo na 'to." Hinubad ni Vincent ang uniform niya at ibinato sa mukha ng babae.
Napayukom ang kamao ko sa ginawa niya.
Ang yayabang nila porket mayaman sila!
Gusto ko man silang sapakin, dumiretso nalang ako sa stock room para ilagay yung mga upuan na pinabuhat ng bakla naming prof.
"Haysss salamat."
Naalala ko yung pitong hambog. Oo sila ang Deadly 7 or D7. Ang pitong hambog ng spring university.
"Tsk ang yayabang nila! Pasalamat sila, wala akong balak na upakan sila." Bulong ko sa sarili ko, at lumabas na sa stock room na mukhang sampung taong hindi nabuksan dahil sobrang alikabok. Tsk! Eh kung ipalinis nalang nilang pito 'tong stock room edi may nagawa pa silang matino sa yaman nila. *sighs*
Naglalakad na ako papunta sa room ng next subject ko.
"Wendy!!"
Lumingon ako sa likod at tiningnan kung sino yung tumawag sakin.
"Momooooo!!!" Si Momo pala, siya ang kaisa-isa kong best friend dito sa SU.
"Anong next subject mo?"
"History." Yun na ata ang pinaka-ayaw kong subject.
"Ako din! Sabay na tayo." Excited na pagkakasabi niya. Hayss paano niya nagagawang maging maganda at cute at the same time? Samantalang ako? Mukhang 25 years old na may sampung anak dahil mukha daw akong losyang. Pero feel ko naman maganda ako eh.
Bigla akong hinawakan ni Momo sa braso kaya napatigil kami sa paglalakad.
"Bakit?" Pulang-pula yung pisngi niya at ngiting-ngiti siya. Tiningnan ko yung tinitingnan niya.
D7? Tsk. Sila na naman!
"Bakit pulang pula ka ha!?" Tinusok ko yung pisngi niya.
"Ang gwapo nila diba?" Sweet na sabi niya habang hindi pa rin tinatanggal yung tingin niya sa pitong gunggong.
"Momo naman! Ang dami dami mong manliligaw tapos sa kanila ka pa na-attract? Pumili ka naman ng tao hindi mga KAMPON NG KASAMAAN!" Tinakpan ni Momo yung bibig ko dahil malapit lang samin yung pitong itlog. Ang dami kong tawag sa kanila diba? Hahaha.