Two

7 0 0
                                    

"WENDDDYYYY!!" Arrrgghh!!! Ang ingay ni mama!

"Ma ano ba!" Napabangon ako sa higaan ko.

"7:15 na! Kanina pa kita ginigising!" Sabay palo sa braso ko.

Nagtakip lang ako ng unan sa mukha ko at pumikit ulit.

"HOY WENDY ANO BA!" Kinuha ni mama yung unan na nakatakip sa mukha ko at ipinalo sakin.

"MAMA NAMAN EH! HINDI MO BA AKO MAHAL!?" napakunot yung noo ni mama sa sinabi ko.

"Syempre mahal! Kaya nga gusto kitang papasukin sa paaralan para matuto ka kasi mahal ka ni mama." Seryosong page-explain niya.

"YUN PALA MA EH! KUNG MAHAL MO AKO, WAG MO NA AKONG PAPASUKIN DUN SA SCHOOL NA YUN! MAMAMATAY AKO!" Totoo naman talaga. Baka pagtapak palang ng paa ko sa gate, biglang may bumaril sakin eh. Wuaaa!! Mahal ko pa buhay ko!!

"ARAY MA!!" paulit-ulit akong pinalo ni mama nung unan na hawak niya.

"Ang mahal mahal ng tuition mo dun! Ako ang papatay sayo pag hindi ka pumasok!" Hinawakan ko yung unan at tumayo na.

"Oo na papasok na ako! *pout*" Ano ba naman kasi 'tong pinasok kong gulo!!!

------------------------------------------------------

[School]

Nandito ako ngayon sa likod ng SU. Dito ako dumaan para walang makakita sakin.

Dahan-dahan kong ipinark yung bike ko sa gilid.

"Goodmorning Wendy."

Muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Jusq kuyang guard ikaw lang pala." Napahawak ako sa dibdib ko.

"Oh? Bakit gulat na gulat ka ata?" Hehehe loko ako ni kuya eh noh? Hindi masyadong halata na gulat ako anoh hehehe.

"Ahh wala po. Goodmorning rin po kuya." Ngumiti ako sa kaniya at umalis na. Naging close ko si kuyang guard dahil ako ang kaisa-isang nagpa-park ng bike dito sa SU kaya lagi kaming nagkikita. Paano ba naman, lahat sila ay hatid sundo ng kotse. Eeeeeeeedi sila na mayaman ako na dukha.

Naglalakad na ako papuntang locker ko para kumuha ng libro. So far, parang normal naman lahat parang katulad lang ng pagiging patatas ko sa unibersidad na 'to.

Habang naglalakad ay nakita ko si Momo.

"Momo!" Mabilis itong tumakbo palapit sa akin.

"Ano? May ginawa ba sila sayo?" Yung pitong itlog ba ang tinutukoy niya? Hhmmp. Natakot ata sila sakin tsk.

"Wala. Siguro natakot." Hindi nakumbinsi si Momo sa sinabi ko dahil bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. "Okay lang ako Momo ano ba!"

Pumunta na ako sa sarili kong locker.

"Gosh may dead card si Wendy." Narinig ko yung bulong nung mga usisera sa likod ko.
"Panigurado patay siya." Bulong pa nung isa.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Halos maubos lahat ng dugo sa katawan ko nang makita ko yung dead card sa locker ko. Shiiiiiitttttt mamamatay na ba ako!!?? Help meeeee!!!!

Napatingin ako kay Momo, parang maiiyak na siya pero nag-iiwas siya ng tingin sakin.

"Mo-m-momo." Banggit ko na para bang humihingi ako ng tulong sa kaniya.

Hindi niya ako tiningnan at umalis na siya. Habang pinagtitinginan at pinag-uusapan ako ng ibang mga estudyante.

Kinuha ko yung libro ko.

*breathe in* *breathe out* Kailangan mong harapin yung ginawa mong kalokohan Wendy. Wag kang magapapasindak sa pitong gunggong na yun.

Sinara ko ang locker ko at nag-lakad na parang walang nangyari.

At ang patatas ng Spring University ay naging isang French fries na agaw atensiyon. Hayyy!! Bwisit!

Wala namang nangyayari, kanina pa ako naglalakad pero puro lang sila bulungan na alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila.

"Bwiset!" Napamura ako sa sarili ko nang may mambato sakin ng itlog.

Hinarap ko kung sino yun. Pinaikutan nila ako, marami sila, hindi ko naman alam kung sino sila at may mga hawak silang itlog, tubig, at kung anu-ano pa.

Letse naman!!!

"Hoy Wendy! Matapang ka diba!?" Sabi nung isang lalaki sabay tawa tapos bato ng itlog sakin.

Shet! Lagot ako kay mama nito eh!!!

"Wala akong pake sa inyo!" Nagpatuloy ako sa paglalakad kaso sabay-sabay na nila akong binato. Arrgh!

No choice! Takbo Wendy!

Tumakbo ako papalayo sa kanila pero hinahabol pa rin nila ako at binabato.

Mga gago ba sila? Sayang itlog! Almusal ko na rin ng ilang araw yun oh!

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo at patuloy naman sila sa pag-habol.

Nang makalayo ako sa kanila, nagtago ako sa gilid ng isang drum.

Napunta na pala ako sa fourth floor kakatakbo.

Nakita kong sa ibang direksiyon sila pumunta. Sa hindi kalayuan, nandun ang pinto papuntang terrace kaya dahan-dahan akong pumasok doon. Hayss.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin yung mga humahabol sakin. Naligaw na siguro.

"AAAAARRRRGGGHHHH!!!! BWISET TALAGA KAYONG PITONG GUNGGONG!!" Hindi ko alam kung gusto ko na ba talaga tapusin yung buhay ko kaya ko sinigaw yun. Ahh wala na akong pake tutal nasimulan na nila, hindi ko sila uurungan.

"MGA WALANGHIYA KAYOOOO!!! LALO KA NA RALPH MONTECRISTOOO!! HINDI BAGAY YUNG APELYIDO MO SAYO! MASUSUNOG KAAAA! DAPAT ANG APELYIDO MO MONTEMONYOOOO!! ANG LALAKAS NG LOOB NIYO!! HINDI NIYO BA AKO KILALA!!!!???? AK-"

"Hindi."

Natigilan ako sa pagsasalita nang may narinig akong sumagot sakin.

Lumabas siya dun sa gilid ng pinto at naglakad papalapit sakin.

PUTANGENA KAPAG SINUSWERTE KA NGA NAMAN. WELL ALL I CAN SAY IS...

BYE WORLD.

Natulala lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung tatakbo na ba ako or kukunin ko yung kahoy sa likod ko.

"Ang sabi ko hindi ka namin kilala."

"J-J-Jino.."

"Sino ka ba?" Seryosong tanong niya sakin habang dahan-dahan siyang lumalapit.

"A-a-ako?" nauutal kong sagot sa kaniya. Mukhang katapusan ko na ata.

BAKIT NAMAN SA KANILANG PITO, YUNG INAAKALA KO PANG MABAIT ANG PAPATAY SAKIN. OO ANG TANGA KO NA INISIP KO NA SA KANILANG PITO, SI JINO ANG NAIIBA. FEEL KO KASI MABAIT SIYA EHHH. NANINIWALA NA AKO SA "LOOKS CAN BE DECEIVING."




Huminto siya sa harap ko noong wala na akong maatrasan at nakasandal na ako sa pader.

Seryosong-seryoso yung mata niya. Wala itong ekspresyon kaya hindi ko mahulaan kung balak niya ba talaga akong patayin kaya napapikit nalang ako para maghintay ng kamatayan ko.

"Oh."  Naramdaman kong may inabot siya sakin. Ayokong dumilat. Ano ba yun? Baril? Gusto niya bang ako yung bumaril sa sarili ko sa harapan niya?

"Mag-punas ka." malamig na sabi niya sabay lagay nung kung anoman yun sa kamay ko.

Pag-dilat ko, nakita kong palabas na siya sa terrace.

"Tsk." natawa nalang ako sa sarili ko nang makita kong binigyan niya ako ng panyo.

BALIW NA BA SIYAAAA!!!???




Bakit ako namumulaaaaaa!!!??

Deadly 7Where stories live. Discover now