Wendy's POV
"Ma, pa alis na po ako!"
Paalam ko kina mama at papa at lumabas na ako ng bahay.
Hayssss.. Panibagong araw na naman. Hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.
[School]
As usual, pinagbubulungan pa rin ako ng mga tao kada madadaanan ko sila. Tsk. Dedma lang sa bashers.
Nang makarating ako sa locker ko, nakita ko si Momo pero mas pinili ko nalang na huwag mag-salita.
"Wendy. " pabulong na tawag ni Momo.
Tiningnan ko siya.
"Kunin mo yung cellphone mo." nagtaka ako sa sinabi niya pero ginawa ko nalang. Nang makuha ko yung cellphone ko, umalis na siya at naiwan akong mag-isa.
Eh? Anong trip nun?
{Momo calling}
"Hello momo? " baliw to bakit siya tumatawag?
"Wendy.. Sorry s-s-sorry." halata sa boses niya na umiiyak siya.
"Uy bakit ka umiiyak nasaan ka?"
"Wendy sorry kung bigla nalang kitang iniwasan *sobs* natatakot kasi ako na baka idamay nila ako. Wendy sorry. Sana mapatawad mo ako. Ang selfish selfish ko. Huhuhuhu."narinig ko ang hagulgol niya sa kabilang linya.
"Momo... " hindi ko mapigilan ang sarili ko. Feel ko ay maiiyak na rin ako.
Hindi na ako nagsalita at pinatay ko na yung tawag. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko kay Momo.
-------------------------------------------------------------
Wala ako sa sarili ko dahil sa sinabi kanina ni Momo kaya naman wala ako sa huwisyo makinig.
"Ms. Dimagiba!" nabalik ako sa ulirat nang may kumalampag sa desk ko.
"P-p-po?" shook pa ako kaya i dunno wats happening on earth.
"Mukhang malayo na ang narating mo ah. Tell me, saan na nakaabot yung utak mong kanina pa lumilipad!?" Ay ses! Tinatalakan niya ako.
"so-s-sorry po maam." tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Get out!" halaaaaa sorry na nga eh!!!
Hindi ako tumayo sa upuan ko at nanatiling nakatingin kay maam."I SAID GET OUT!!! WALA AKONG PANAHON SA ESTUDYANTENG GAYA MO!" Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko para lumabas na. Madali naman akong kausap eh.
Tsk! ( ̄. ̄) akala niya ang ganda niya!? Tsk. Wala na bang matinong tao sa school na 'to?
"Wendy? Ikaw ba si Wendy?" nagulat ako nang may biglang sumulpot na dalawang lalaki sa harap ko.
"Oo bakit?" Nagtawanan sikang dalawa. Tsk may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Tara dito sumama ka samin." Hinila nung isang lalaking kulugo yung kamay ko. Sinubukan ko magpuniglas pero sobrang higpit ng hawak niya.
"Nasasaktan ako! Bitaw!" hindi nila ako binitawan. Hinawakan nila ako pareho sa magkabila kong kamay at hinila.
"Hoy saan niyo ako dadalhin!? Let me go!!" nang makarating kami sa stock room ay bigla nilang sinara yung pinto.
"Ano bang gusto niyo ha!?" hindi ko alam kung matapang ba talaga ako. Pero sa oras na 'to nararamdaman ko na ang pangangatog ng tuhod ko. Tanging ang liwanag lang galing sa labas ang nagsisilbing ilaw dito sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/130659015-288-k482963.jpg)