Three

9 0 0
                                    

Wendy's POV

*Ring ring ring*

Ayan naaaaa!! Uwian na. Hindi na ako nae-excite pumasok tsaka umuwi kase feel ko konting galaw ko dito may hahabol na naman sakin.

Papaunahin ko na silang lahat umuwi.

Tiningnan ko ang direksiyon ni Momo, nag-aayos na siya ng gamit niya upang lumabas.

"Momo." pabulong na tawag ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin pero bigla niyang kinuha yung gamit niya at umalis na.

Buong araw na akong hindi pinapansin ni Momo. Ano bang nagawa ko?

Nang wala ng mga tao sa paligid ko, dahan-dahan akong lumabas sa room.

Sinilip ko kung merong tao sa pakigid. Wala yess. Dire-diretso akong tumakbo papunta sa locker ko.

Tahimik ko lang na kukunin yung gamit ko tapos aalis na ako sa impyernong 'to.

Binuksan ko yung locker ko.

"Bakit wala yung mga gamit ko?" tanong ko sa sarili ko.

"Pst! Babae!" nilingon ko sa likod ko yung sigang nag-tawag na yun.

S-si V-vincent ng pitong itlog... Nandun silang pito sa likod ko at hawak-hawak ng lider ng mga bibe yung bag ko.

ANO NA NAMAN BA 'TOOOO!!!???

Tiningnan ko lang yung lider nilang mukhang kulugo. Hindi ko pinapahalata na takot ako.

"Akin na yang mga gamit ko." malamig na sabi ko.

"eto?" tanong nung kulugo sabay taas sa bag ko.

Tumango lang ako sa kaniya. Nginitian niya ako nang nakakaloko. Yuck mukha siyang manyak ngumiti.

"HOY ANONG GINAGAWA MO!!!"

Sigaw ko nang itaktak niya lahat ng laman ng bag ko sabay tapon ng bag ko sa basurahan.

AAAAARRRRGGGHHH!!! MGA BARUMBADO!!!

Nakikitawa lang yung iba niyang alipores sa likod. Tsk pare-pareho lang talaga sila.

Nararamdaman kong nangingilid yung luha ko pero hindi ko ito pinapakita sa kanila. Nilapitan ko yung basurahan para kunin yung bag ko. ARRGGGHH! MGA WALANGYAAA!! ANG BAHO NG BAG KO.

Pinulot ko rin isa-isa yung mga gamit ko sa lapag na itinaktak nang walangyang si Ralph Montemonyo habang tumatawa pa rin sila.

"Ahh.. By the way. Asan na yung kaibigan mo Wonder Woman?" tanong nung gagong Ralph.

Si Momo....

"Iniwasan ka na ba niya? Masyado ka kaseng pa-super hero eh." malamig na sabi niya. Pilit ko pa ring pinigilan yung luha ko. Hindi... Hindi ganun si Momo.

Naririnig ko ang mga hakbang nila palayo sakin pero nakikita ko sa peripheral vision ko na meron pang isang nakatayo sa gilid ko. Tiningala ko siya... Si Jino.

Nakatingin lang siya sa akin at ganun rin ako sa kaniya.

Inabot niya yung kamay ko at tinayo ako mula sa pagkaka-luhod sa lupa.

"Anong ginagawa mo ha?" sigaw ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Lumuhod siya sa harap ko at pinagpagan yung tuhod ko.

Tsk. Pagtapos nilang gawin sakin yun... Nababaliw na ang isang 'to.

"Yung kaibigan mo.. Layuan mo na siya. Hindi siya tunay na kaibigan." sambit niya habang pinapagpagan ang tuhod ko.

"AT ANONG ALAM NIYO SA PAGIGING TUNAY NA KAIBIGAN!?" Hindi ko na napigilan ang pag-bagsak ng luha ko.

"DAHIL SA INYO KUNG BAKIT NIYA AKO INIIWASAN! TAPOS ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHIN SAKIN NA IWASAN KO NA SI MOMO!? ANG KAPAL NG MUKHA NIYONG LAHAT!"

Sila ang may kasalanan nitong lahat.

Hindi na siya kumibo at inabot niya yung bag ko.

"Gabi na, umuwi ka na." simpleng sagot niya.

Pinunasan ko ang luha ko sabay hinablot ko yung bag ko mula sa kaniya. Dire-diretso akong naglakad palayo sa kaniya.

"Mag-ingat ka." Nilingon ko siya nang sabihin niya yun, pero naglakad na rin siya palayo.

Hindi niya ako malilinlang sa paganu-ganun niya. Tsk.

-------------------------------------------------------------

Ralph's POV

Nakakatuwa talaga ang babaeng yun. Masyado siyang tanga.

"Mukhang nage-enjoy kang pag-tripan yung babaeng yun Ralph ah." banggit ni Jim habang tumatawa.

"Masyado kasi siyang matapang. Ang lakas ng loob niyang kalabanin tayo, kaya tuturuan ko siya ng leksiyon."
Narinig ko ang mahihinang tawa nila.  Nilingon ko sila at tiningnan nang masama.

"Ang childish mo pa rin talaga." singit ni Junli.
"Hoy anong childish? Ikaw ang pinakabata dito noh!" Singhal ko sa kaniya at umiling lang ito.

"Nasaan si Jino?" tanong ko sa kanila nang mapansin kong wala si Jino pero nagkibit-balikat lang sila. Tss..

"Di ka pa nasanay lagi namang nawawala yun." ani ni Jay kaya nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

-------------------------------------------------------------

Wendy's POV

{Home}

"Nandito na po ako." sigaw ko nang makarating ako sa bahay.

Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa kwarto ko para hindi nila mapansin na madumi yung damit ko at mabaho yung bag ko.

"Dad!? Ano yung mabaho?" Sigaw ni mama kay papa na nakaupo sa kusina.

"Ewan ko." shittt.. Binilisan ko maglakad.

"Wendy?" nagulat ako nang lumabas si mama at sumulpot sa harap ko.

Nginitian ko nang pilit si mama.
"B-bakit po?" tiningnan ako ni mama mula ulo hanggang paa at inamoy pa. Eeewww ang baho ko talagaaaaa..

"Anong nangyari sayo? Bakit ang dungis mo? At... At.. Ang bahoo!!!" KASALANAN TALAGA NG PITONG GUNGGONG TO EH! Hayss.

"A-hmmm ano po.. Ahh.." ano bang sasabihin ko!!!.
"Ano?" paghihintay ni mama sa sagot ko.
"Ano po... Na-nahulog po ako sa ginagawang kanal sa kanto. Opo yun po." hayss.. Buti nalang talaga matalino ako. Haist.

"Eh?" nagtatakang tingin ni mama sakin.
"Madilim na po kasi, tsaka feel ko po lumalabo na yung mata ko. Hehehe." napakamot ako sa ulo ko.
"Nasaktan ka ba? Nasugatan ka?"pagche-check ni papa sakin.
"Hindi po." ngumiti lang ako.
"mag-iingat ka nga anak!" wow.. I'm touched papa.


"Paano ka makakahanap ng mayamang asawa sa SU kung magkakapeklat ka?" natuliling yung tenga ko noong sabihin ni papa yun.

"PAPA!! HINDI AKO MAGHAHANAP NG ASAWA DUN NOH!! MGA PADALA NG IMPYERNO MGA TAO DUN!" singhal ko kay papa. Tsk totoo naman.

Pinalo ni mama sa braso si papa.
"Anak, wag mo nang pansinin yung papa mo. Hindi naman namin kailangan na makapangasawa ka ng mayaman.... Sobrang yaman yung kailangan namin." biglang hagalpak ni mama at papa. Hayysssss!!!

Napa-facepalm nalang ako sa mga magulang ko.
"Magbibihis na po ako." hindi ata nila ako narinig kaya dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng damit at naligo na.






"Yung kaibigan mo, iwasan mo na yun. Hindi siya tunay na kaibigan."

Nangilid na naman yung luha ko.

"Ano ba Wendy! Matapang ka diba? Bakit ka umiiyak?" pinunasan ko yung luha ko at lumabas na sa kwarto.









Hindi ganun si Momo.

Deadly 7Where stories live. Discover now