Kabanata 3 - Full of thoughts

413 20 0
                                    

Shit! Oo nga pala! Di ako nagpaalam sa amin. Paano ako uuwi! Bahala na.

At ung X ko may gana pang tumawag, kapal ng mukha niya!

"Uy, kanina ka pa nakatayo diyan sa pinto. Ano pong balak nyo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Tagal ko na plang nakatayo sa pinto niya.

"Magpapasalamat lang sana ulit ako sayo. Heto ang calling card ko, kung sakaling kailangan mo ng tulong. Tawagan mo lang ako." Gusto kong iwan sa kanya to, kahit di ko siya kilala. Mukha naman siyang mabuti tao.. Ay oo nga mabuti siya kasi kung hindi baka kagabi pa lang, hinahanap na ako ng SOCO ngayon. Pero isa lang talaga masasabi ko Magandang Gwapo talaga siya.. Yes, I admit. Parang siya ung unang girl crush ko. 💙

"So alis na ako. Salamat ulit!" Paalam ko sa kanya. Tumango na siya kaya lumabas na ako at tuluyang nilisan ang condo niya.

-----------------------------------------------------------------

Pagkaalis niya, agad kong tiningnan ung calling card na iniwan niya. Binasa ko ito at laking gulat ko!

JHONA LOUISE MARAGUINOT
President
JLM Company
09951234567

Kaya pala di marunong kumain ng tuyo, di lang pala siya RK, milyonaryo pa. Tssss. Sabay hagis ng calling card. Bigla namang tumunog ang cp ko.

"Hello! Yes, Jana?"

"Oo pupunta ako ng practice natin"

"Got it! 1pm"

"Okay bye!"

Oh thats Jana, one of my band member. Isa rin sa sa vocalist. By the way... Di ko pa pala napakilala sarili ko..

I'm Beatriz De Leon! Vocalist/Guitarist ng bandang JuanBand. Singer at the same time naggigitara ako sa band namin. Well, I'm very independent. (For now yan muna, readers)

Nagligpit na muna ako ng mga kalat sa condo ko at mamaya busy na naman ako. May praktis kami sa Shutterspace Studio sa katipunan. May mga bar kaming pinupuntahan para magig.

-----------------------------------------------------------------

Jho Pov

Habang nasa biyahe ako. Di ko maalis sa isip ko ung mukha ng magandang gwapo pero masungit na yun. Kagabi nung kumakanta siya iba ung naramdaman ko. Parang ung puso kong namatay, nabuhay ulit. I mean alam kong nasasaktan ako, pero nabuhayan ulit ako! Un ung pakiramdam ko. May part sa akin na masaya dahil lang sa hatid ng boses niya sa akin.

Chineck ko ung cp ko wow 53 missed calls and 102 messages! Ang iba ay galing kay Ate Ella at Jia.. Ang iba sa magaling kong X.

"Jho, nasaan ka na?" - Ella

"Jho, sagutin mo tawag ko!" - Jia

"Jho, ano ba? Magparamdam ka naman oh! Ay di ka pala multo, magtxt ka nalang pls. " - Ella

"Jho, please kahit isang txt lang" - Jia

Ilan lang yan sa mga message ni Ate Ella at Jia.  Kung may taong higit na nakakakilala sa akin, silang 2 un.

"Jho, babe.... Please forgive me! Where are you? Pupuntahan kita! Ayusin natin oh!" - Marci

Hindi ko na kayang basahin lahat ng message, baka balikan ko agad siya. Ganun ko kamahal si Marci. Malamang pagnagkita kami, di ko siya kayang tiisin. Sa ngayon hayaan ko muna lahat. Papalipasin ko muna ung sakit.

"Mam nandito na po tayo" sa pag-iisip, di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. May condo ako pero ayaw kong umuwi, masasaktan lang ulit ako.

"Salamat Manong!" Tska ako nagbayad.

Bago ako pumasok, nag-isip muna ako ng palusot sa Daddy ko. 2 nlng kmi sa buhay, tapos ganito pa ako. Kailangan ipakita kong masaya ako. Ayaw kong isipin pa ako ng Daddy ko. Hays...

"Saan ka galing Jho?" Hindi naman halatang galit si Daddy, pero alam ko pinag-alala ko siya.

"Dad sa bahay po nila Ate Ella, nag-overnight.. Alam mo na girls night" pagsisinungaling ko sa kanya. Sana di niya maramdaman na di ako nagsasabi ng totoo.

"Pero tumawag si Ella dito kagabi, hinahanap ka. Kaya Tinawagan ko kagabi si Marci, para hanapin ka" ...

"Ano?" Nagulat si Dad, sa sinabi ko. Kailangan ko sa kanyang sabihin ung nangyari sa amin ni Marci. 3 taon kami ni Marci at sa tatlong taon na un siya ang pinagkakatiwalaan ni Dad pagdating sa pagbabantay at pag-aalaga sa akin. Mula nung mamatay si Mommy at Janel sa isang car accident. Si Marci na ung naging kasama namin ni Dad sa buhay namin. Kaya di ko alam bakit kami nagkaganito. Kaya siguro ganito kasakit. Kasi umasa ako eh, minahal ko siya nang sobra!

Di ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mata ko. Dahil dun napayakap si Daddy sa akin. Kailangan ba ako mauubusan ng luha. Ang sakit-sakit na!

"Dad, wala na kami ni Marci. He cheated on me." sakit isipin na ung mahal mo, may mahal ng iba. Di ka na kasama sa mga pangarap niya.

"Jho, tahan na baby. Kung anuman problema ninyo ni Marci, pag-usapan ninyo muna. Baka nagkakamali ka lang, hayaan mo siyang magpaliwanag anak."

"Dad, no.. I saw him, them.." Di ko kaya.. Ayoko ko na maramdaman ung sakit. Gusto ko lang magpahinga..

"Dad, akyat na ako sa room ko. Kung pumunta man si Marci dito, please.. Pakisabi na wala ako. Di ko pa po siya kayang harapin. Please dad." Di pa ako handa na makita siya, gusto ko siyang magpaliwanag. Pero niloko niya.

"Okay baby.. Basta you promise na maging okay ka? Please.. I don't wanna see you crying. Everything will be okay. I'm always here"

"Thank you, Dad!" Salamat at may magulang ako na katulad ni daddy. Di man kami kompleto. Masaya pa rin ako. Pero namimiss ko na si Mommy at Janel. 😭

----------------------------------------------------------------

SIMULA SA SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon