Kabatana 9 - Nahulog na ata ako

279 11 0
                                    

JHO'S POV

@beadeleon
"Some people come, in your life as blessings, others come in your life as a lessons." Aga naman mag-emote ni Bea. Oo nga pala nag follow-back na siya sa akin sa Twitter at Instagram. 2 araw na rin simula nung dun ako nagstay sa condo niya matapos ung incident na magkita kami ulit ni Marci. Tama nga si Bea na maaari akong puntahan ni Marci sa bahay namin at sa condo ko. Pati sina ate Ella ginulo niya. Kaso wala siyang nakuhang detalye kahit ano, dahil hanggang ngayon ay sa condo ni Bea ako natutulog, nakakahiya nga kasi siya sa sala at ako sa kwarto.

(Flashback)
Pagdating namin condo niya, napansin ko na mas maayos at malinis ito kaysa nung una kong punta. Pati ung sofa niya mukhang bago ang cover.

"Bei, ganda pala ng condo mo."  sabi ko sa kanya, busy kasi siya sa paglalakad

"Hoy ano ba! Nahihilo ako sayo! Bakit ba aligaga ka? Whats bothering you?" Pagtatanong ko sa kanya.

".....uhmm kasi" habang nagkakamot ng ulo niya.

"ANO NGA! Spill it." Inis ko ng sabi sa kanya

"Isa lang pala kwarto ko." nahihiyang sabi niya.

"Hahahahahahahah" pagtawa ko ng mlakas.

"Bakit ka tumatawa? Nababaliw ka na ba Jho? Yan ba epekto nung Marci na un?" pang-iinis niyang tanong.

Tanging irap lang sinukli ko at sabay sabing "Ikaw matulog sa kama at ako dito sa sofa."

"Ayoko, ako nalang sa sofa, doon ka sa kwarto" biglang tugon ni Bea.

"Wag na nakakahiya na sayo, tinulungan mo na nga ako eh. Ayoko maging abusado." totoo ayokong abusuhin kabaitan ni Bea.

"Nope, di ako papayag na matulog ka dito sa sofa. Okay? sige na dun ka na sa kwarto matulog" mahinahon niyang sabi.

Mula sa pagkakatayo ay bigla kong niyakap si Bea. Di ko alam bakit ko ginawa un pero sarap sa pakiramdam. Iniwan ko siyang tulala mula sa pagkakatayo.

(End of Flashback)
"Hoy, Madaaaaaaaaam!" sigaw ni Ate Ella na ikinagulat ko.

"Ate Ella naman eh, uso kumatok!"

"Jho, kanina pa kami ni Jia dito sa loob nagdadaydreaming ka ata at mukhang alam namin kung sino nandiyan sa isip mo!" pasigaw na sabi ni ate Ella. Hays buti nalang si Jia pangiti-ngiti lang.

"Iniisip ko lang si Marci, kasi gusto ko nang umuwi sa condo ko at sa bahay namin. Kaso sabi ni daddy lagi daw nasa labas ng bahay namin sa condo ko naman sabi nung receptionist eh laging nagpupunta para icheck ako kung nakauwi na." mahaba kong paliwanag sa kanila at sana epektibo.

"Bakit di mo nalang tapusin lahat kay Marci? I mean closure." sagot naman ni Jia.

"Alam nyong di papayag si Marci." sagot ko.

"Eh kung gamitin natin si Bea?" suhestyon ni Ate Ella.

Paano? Tanong ko

"Magpapanggap kayo na mag-jowa" sabat agad ni Ate Ella.

"Ha?!, ewan ko pwede ba yun?" pagtataka ko kunwari... Pero deep inside kinikilig ako sa di ko alam na dahilan.

"Sus, kunwari ka pa na di mo lam! Ganito lang kasimple, magdate kayo ni Bea, maging sweet sa isa't isa tapos ayun pak na pak na! Pagnalaman ni Marci un lalayuan ka na niya o kaya titigilan. Ano sa tingin mo Jia?" mahabang paliwanag ni Ate Ella.

"Okay lang sa akin, basta okay kay Jho at Bea." sabi naman ni Jia

"Girls, di ko alam.. Kasi kilala natin si Marci eh, alam natin ano kaya niyang gawin. Ayoko idamay si Bea di ---------." di ko natapos ung sasabihin ko dahil biglang dumating si Bea. Isa pang di marunong kumatok.

"Ops sorry, mukhang seryoso pinag-uusapan nyo. Naiwan ko kasi ung booklet ko ng mga lyrics ng mga kanta, medyo nagmamadali kaya di na ako kumatok." mahabang paliwanag niya at nag peace sign at ang cute ni Bea.

"Sige Bei, kunin mo nalang sa kwarto mo, nasa table mo." maikli kong sabi kay Bea.

"Salamat, Jho"

-----------------------------------------------------------

BEA's POV

Mukhang ako ang pinag-uusapan nila Jho. Tungkol saan kaya un? Hays kung wala lang kaming praktis gusto ko makasama si Jho. Parang namimiss ko siya. Sa tingin ko hindi na ito basta crush lang, nahuhulog na ata ako.

Flashback...

"Jho sa kwarto ka na matulog ah, ako na sa kama." maikli kong sabi at nakita ko naman siya tumango at tumayo papunta sa kwarto.

"Jho, pwede ba .....tayong mag-usap?" nahihiya kong sabi sa kanya.

"Pero kung pagod ka ------"

"Di pa ako inaantok, Bei! Gusto ko din makipagkwentuhan sayo" mabilis na sagot niya.

"Wine or Coffee?" agad kong tanong kay Jho.

"Wine nalang Bei, pampaantok na din" sagot ni Jho kaya agad-agad nagpunta ako sa kusina para kumuha ng wine at ice. Kumuha na rin ako ng ibang mangangata o makakain namin.

"My dear this is your wine" alok ko kay Jho at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"My dear ka pang nalalaman diyan! Hmp!" kunwaring pagsusungit ni Jho.

"Ano ba nangyari sa inyo ni Marci?" Bakit siya bigla-biglang nagpapakita sayo?" Agad na tanong ko kay Jho.

"Third party, matagal na kami ni Marci, almost 3 years, nung una masaya kami, nung nawala si mommy at janel dahil sa car accident, siya ung naging sandalan ko, siya ung nagpapasaya sa akin in short tingin ko sobrang perfect niyang tao. Hanggang sa isang araw, nahuli ko siya na may iba. Dapat isurprise ko siya kasi anniversary namin. Pero ako ang nasurprise dahil iba ang naabutan ko sa condo ko niya. Kaya nung gabing un, un ung gabing nakita mo ako naglalasing sa bar. Dahil sobrang nasaktan ako sa ginawa niya. Naisip ko na di niya na ako mahal, na may mahal na siyang iba. Masakit noon, pero ngayon... Masasabi ko na kaya ko na.  Salamat sayo, Bei! Dahil sayo kahit paano nagiging okay ako, di ko alam bakit at paano pero napapasaya at npapagaan mo ang loob ko." mahabang salaysay ni Jho.

"Ohw...pero may closure ba kayo?"

"Wala kaming closure, dahil alam ko di siya papayag." mabilis na sabi ni Jho

"Baka kailangan mo siyang kausapin Jho para maging malinaw lahat." sabi ko naman kay Jho

"Susubukan ko Bei pero sa ngayon ayoko ko muna siyang makita at makausap, maganda na ung ganito."  Pliwanag ni Jho.

"Ikaw bahala, basta Jho nandito lang ako lagi para sa iyo. Alam ko mabilis ang lahat pero masaya ako pag kasama kita" agad na pag-amin ko kay Jho.

"Hmmmm Bei, akyat na ako medyo inaantok na ako. Salamat" mabilis na tumayo at tumungo sa kwarto ko si Jho.

(End of Flashback)

-----------------------------------------------------------

SIMULA SA SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon