Kabanata 2 - Agahan

489 14 0
                                    

"Aray!" Grabe ang sakit ng ulo ko.. Nilibot ko ung mata ko..wait di ko to kwarto, okay inhale/exhale.... May damit pa ako (good). May naririnig ako sa labas na ingay.. Hala, di kaya ung mister ang nagdala sa akin kagabi dito?

Tanga ko talaga, sobrang wasted ako...
Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto...wait bakit babae siya? MagandangGwapo? Did I say that? Oh no.. Not your type, Jho!
Crush.... Grrrrr... Ano naman ung iniisip ko?

"Hey, was masyadong tumitig.. Matunaw ako!" Sabi ni magandang gwapo.. 😀

"Feeling"... Pero napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit..

"Take this..." Sabay abot ng gatas at gamot. Bakit concern siya? Bakit ang gandang gwapo niya? So no choice ako, kaya ininom ko nalang.

"Thank you.... Thank you for helping me last night, thank you for - " naputol ung sasabihin ko ng, bigla siyang magsalita.

"Save your thank you... May bayad yun lahat.   Tssss." She smirk.. Sabay labas.

Okay naiwan ako dito mag-isa. Inayos ko ang kama at sarili ko bago lumabas.

Nakita ko may breakfast na sa mesa, kumakain na siya. Magpapaalam na ako sa kanya na uuwi na ako. Abala na ako masyado, kaso bigla siyang nagsalita.

"Kain ka muna bago umalis. Nagluto ako, tuyo at dilis, ito nalang kasi meron ako, di pa ako nag-grocery" Pagsabi niya, tatanggi sana ako kaso..

"Sige na umupo ka na, yan na lang bayad mo sa lahat ng abala mo".. Ouch, abala tlaga ako,. Eh ano pa nga ba, di naman kami magkakilala.. Pero may part sa akin na natuwa dahil makikita ko pa siya..naputol lang ung pag-iisip ko nang bigla ko siyang magsalita.

"Baliw ka na siguro? Ngingiti-ngiti ka diyan?" Parang linya ko yan kagabi ah.. So wala akong nagawa kundi kumain.. Kahit di ko alam paano kainin ung,.. Ano ba yung ulam niya? Tuto at dinis? Basta un na un..

"Oh ulam" sabay abot niya ng ulam sa akin. Kumuha ako ng isang pirasong dilis at tuyo.. Inamoy ko muna, kaso nag-hatsing ako. Hala! Nakakahiya. 😞😞😞

"Wag mo sabihing di mo alam paano kumain niyan?"

Tango na lang nasagot ko. At tumawa siya! Magandang Gwapo ka talaga! (Sabi ko sa isip ko)

-–---------------------------------------------------------------
Nauna akong nagising kaya nagluto nalang ng fried rice... Wala na pala akong stock. So tuyo at dilis nalang.. Siguro naman kumakain siya niyan. Nagtimpla ako ng gatas at kumuha ng gamot para sa kanya, dahil malamang sakit ng ulo niya. Walwal ba naman kagabi eh.

Gigisingin ko na sana siya kaso naabutan ko siya na parang nagseself-check siya.  Excuse me.. Sa sala ako natulog kagabi at wala akong balak na gawan siya ng masama. Di ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya, kahit bagong gising ganda pa rin niya. Iniabot ko sa kanya ung gatas at gamot. Tinanggap naman niya. Medyo ngumiti siya... Cute niya talaga.

Gusto ko sana siyang yayain kumain kaso naisip ko magsungit nalang sa kanya kasi marami pa akong gagawin ngayong araw na ito. Kailangan umalis na siya.

Habang nagpapasalamat siya sa akin, iniwan ko na siya loob ng kwarto. Agad-agad naman siyang sumunod. Na-guilty ako, di ko siya niyaya kanina. Kaya nung palapit na siya agad kong sinabi na kumain na siya

"Kain ka muna bago umalis. Nagluto ako, tuyo at dilis, ito nalang kasi meron ako, di pa ako nag-grocery" sabi ko sa kanya. Inaantay ko ung sasabihin niya pero alam ko nag-aalangan siya.

"Sige na umupo ka na, yan na lang bayad mo sa lahat ng abala mo".. Sinabi kong abala na siya dahil kailangan ko nang umalis para sa trabaho ko. Nakatitig lang siya sa akin. Siguro dahil magandang gwapo ako.

"Baliw ka na siguro? Ngingiti-ngiti ka diyan?" Kaya sinabihan ko siyang baliw. Baka dahil sa kakaiyak niya kagabi nasira na ulo niya. ✌

"Oh ulam" sabay abot ko ng ulam sa kanya. Ouch! RK ata siya di niya ata kilala ang tuyo at dilis. Isang pirasong dilis lang kinuha niya at tuyo. Wala sa loob ko na napapangiti ako ng mga maliliit na kilos niya.

"Wag mo sabihing di mo alam paano kumain niyan?" Kunwaring tanong ko sa kanya.

"Ahmmmm.. Okay na to! Salamat sa foods" sabay subo. Muntik na siyang maubo. Isinubo niya kasi ung isang tuyo.

Napatayo ako at binigyan siya ng tubig.
"Bakit kasi sinubo mo ung tuyo? Hinihimay kasi yan!" Inis kong sabi sa kanya...

"Akin na nga, ipaghihimay kita" unti-inti kong piniraso ung tuyo at hinimay.

"Wow! Ang sarap!" Nagulat ako reaksyon niya at the same time muli na naman akong napatitig sa kanya.

"Tuyo lang di alam kainin! Tssss" yan nalang ang sinabi ko, para di niya mapansin na natutuwa ako sa kanya.

"Sorry" sabay yuko. Naguilty na naman ako. Hays...

"Okay lang, sige na umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo, kagabi pa tumutunog ung telepono mo. Tumatawag ata ung boyfriend mo kagabi." Pinaalala ko un sa kanya para makaalis na siya.

-----------------------------------------------------------------

SIMULA SA SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon