Bea's POV
Nandito na ako sa lugar kung saan kami magpraktis, gusto kong kumanta para kay Jho. Tinamaan na tlaga ako sa kanya.
"Waaaaahhh" panggugulat ni Jana
"Boo naman bakit mo naman ako ginulat?" Inis kong sabi kay Jana, ganda kasi ng naiisip ko, panira to si Jana.
"Hoy! BDL! Grabe ka makatampo ngayon ah! Ikaw nga di na namin nakakasama dahil lagi ka nagmamadali umuwi after ng jamming natin. Porket nandun si Jho sa condo mo!"
"Boo, babae si Jho. I mean di ko man siya literal na pananagutan o responsibilidad sa akin siya nakatuloy ngayon, kailangan ko pa rin siyang protektahan. Concern lang din ako sa kanya lalo na't may pinagdadaanan ung tao." Mahaba kong paliwanag.
"Okay, watever Bei! Pag ikaw nasaktan, bahala ka sa buhay mo!
"Sakit agad? Di pa nga kami eh, I mean u know.. Getting to know muna" medyo kinilig lang ako 😅
"Oh mukhang seryoso kayo" bungad ni Migz
"Oh hi Migz!" bati namin ni Jana
"Nga pala kailangan Bei, may goodnews ako. Next week pwede na tayo magrecord nung kanta mo!"
TALAGA!? As in? Wow, thank you Migz!" I'm speechless...
"Wow, congrats!" sabay hug ni Jana sa akin kaya niyakap ko na din siya.
"So nandun na lahat tara na gig na tayo, ung fans club mo nasa loob na" biro ni Migz sa akin.
Grabe di ako makapaniwala na mairerecord ko na ung kanta ko, and soon sana magka-album ako. Thank you, Lord!
----------------------------------------------------------
FFHays, 2am na sa wakas natapos din ang gig.
"Bei, sama ka naman sa amin!" pagpilit ni Isay
"Ah, eh" pagkamot ko sa ulo
"Wag na pilitin ang ayaw" halatang nagtatampo pa rin si Jana
"Sige sasama ako, pero 1hour lang ako." Napilitan akong sumama kasi nahiya na din ako sa kanila sa lagi kong pagtanggi na sumama. Imessage ko nalang si Jho o kaya tawagan.
Kringgggg, kriiiiiiiiiing........
"He-----llo ahhhhh" (humikab pa si Jho)
"Si Bea to, sorry mukhang nagising ka. Baka malate ako ng uwi, nagkayayayaan kasi, sabi ko 1hour lang ako. Thats a promise" paliwanag ko kay Jho.
"Its okay Bea, just enjoy the night. Di mo kailangang magpaalam sa akin okay?"
Ouch.....parang kinurot ung puso ko. Para tuloy gusto kong magpakalasing..
"Okay, bye" out of nowhere, naging ganun ako ka-cold sa kanya sa pagbaba ng phone..hays Bea, wat do u expect? Pigilan ka niya... Di naman kayo! Walang kayo, Bei! Okay bye self!
"Tara na, ano pa hinihintay ninyo!" mag-eenjoy tlaga ako!
Nakarating na kami sa bar na lagi naming pinupunthan dito sa BGC. Namiss ko ito.
"Bei, broken hearted ka? Naka-3 bote ka na at kala namin 1 hour ka lang..." sabi ni Ysay na halatang nagtataka.
"Namiss ko rin ito, kaya enjoy nalang natin." pero deep inside masakit.. Na walang paki ung taong mahal mo.
"Hahahaha, Bei lets dance" yaya ni Boo sa akin
Napasama nalang ako sa dance floor.. Medyo nahihilo na ako pero kaya ko pa kaya sige lang sayaw namin ni Jana. Hanggang sa may kumuha ng atensyon ko. Di ko naisip na nandito na siya sa Pinas. Si Maddie... pinakamamahal ko noon....
-----------------------------------------------------------
Jho's POV" Sabi niya, isang oras lang siya! Alam naman niyang wala akong kasama dito! Hays Bea! Kukutusan tlaga kita pag-uwi mo! Mag 6am na wala pa rin siya! Lalabas na si haring araw nasa galaan pa rin siya!Nakakainis" paghihimutok ko!
Hays, wala pa kaya akong tulog, Kala ko kasi hanggang 12 lang gig nila, kaya nung tumawag si Bea halos kakatulog ko lang, at di na ulit ako nakatulog kakaantay sa kanya...
Biglang bumukas ang pinto...
1st time ko na mkita na ganito ka-wasted si Bea."Jho, pasensya ka na, kanina pa namin siya pinipilit na umuwi pero ayaw niya" plaiwanag ni Isay.
"Okay lang, salamat sa paghatid. Sa kanya"
"Eto pala ung susi ng kotse niya, mauna na rin ako Jho."
"Salamat ulit"
Hays, Bea! Ang bigat mo paano kita bubuhatin? No choice ako, bahala na.
Inalalayan ni Jho si Bea papunta sa kwarto at binihisan at pinunasan niya si Bea para kahit paano ay mapreskuhan ito at mawala ang amoy alak. Pagkatapos gawin ito ni Jho. Nagluto na lang siya ng tinola kahit paano ay maalam siya sa kusina dahil naturuan siya ng kanyang mommy.
FF
2pm....
Bea's POV
Waaahhhh, sakit ng ulo! Paano ako nakauwi? At nakarating dito sa kwarto ko... Nakita ko sa gilid ng table ko ang pagkain na mukhang bagong luto at may gamot pa.
Shit! Bea, nakakahiya ka kay jho! Mukhang siya ang nag-alaga at nagpalit ng damit mo! Bago ako lumabas kumain muna ako dahil mukha itong masarap, at ininom ko din ung gamot.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Jho na natutulog sa sofa. Lumapit ako sa kanya at nakita ko kung gaano siya kaganda mula sa kanyang pagiging simple. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang mukha niya. Sobrang amo ng mukha niya. Napatingin ko sa labi niya. Kaso sakto gumalaw siya.
"Bea, bakit?" takang tanong ni Jho.
"Himbing kasi ng tulog mo" nahiya kong sagot.
"Wait! Kumain ka na ba? Bakit ka ba uminom nang marami? Sabi mo isang oras ka lang magparty" parang bata si jho kung magmaktol at pouty lips pa talaga, baka mahalikan ko siya.
"Napasarap lang, namiss ko din kasi. Matagal-tagal na di ako nakasama sa grupo." paliwanag ko
"Nga pala may gagawin ka ba today?" pagtatanong ko kay Jho.
"Actually gusto ko magpaparlor at spa, You know.. Marelax naman"
"Deal! Ready ka na alis tayo!" mabilis kong pagyaya sa kanya.
"OMG, Bea! Sasamahan mo ako?!"
"Yes, basta treat mo! Hahahahaha" patawa kong sabi
SURE! Mabilis na sagot ni Jho.