PART V

87 1 0
                                    

Flame's POV

Two weeks na. Two weeks mula nung nakasama ko si Steve sa mall. Ewan ko pero simula nun, naging weird na siya?

Gaya nang... Hatid sundo niya ako sa class ko kahit na wala namang nakakakitang friends ko. Tinetext and tawag niya ako pag nasa bahay na ako. Minsan nga, almost 3 hours kaming mag-usap before matulog pero ewan, hindi naman kami nauubusan ng topic?

Ang daldal super ni Steve. Bakla nga talaga siya.

Pero hindi pa rin ako susuko sa mission ko! Magiging lalaki pa rin siya! SANA. Sana magtagumpay ako.

"Flame!"

Ayan na yung sinasabi ko. Tumatakbo na si Steve papunta sakin.

"Oh? Bakit?" Kinuha niya yung books na dala ko. Then nag smile.

"Wala. Hatid na kita sa next class?"

WOW. Medyo nagulat lang ako kasi may class siya ngayon tapos magkaiba kami ni building pero pumunta siya dito para ihatid ako sa next class? Amazing!

Nage-effort na ba siya? :)

"Ah. Hehe. Maaga pa naman. Mamaya konti." Tapos nag smile ako.

"Ahh. Sige. Ay wait! Gusto mong mag meryenda muna?"

Hindi ko alam pero pabigla-bigla na rin siyang nagyayaya na kumain kapag wala kaming magawa. Napatango nalang din ako sa gusto niya.

Habang naglalakad kami papuntang canteen namin, yung right hand niya, nakahawak sa books ko then yung left hand naman, nakahawak sa kamay ko. In short? Holding hands! :">

Mamaaaaa. I'm melting. Para akong natutunaw. Parang nanghihina ang tuhod ko sa nangyayari ngayon. Tapos nag-uusap kami, with smile smile pa siya.

Ewan ko lang ha pero parang nag-iiba na talaga siya eh!

Hindi na rin siya masyadong nage-english or nagpapabakla ng actions pag kasama niya ako at mga kaibigan ko.

Mas madalas niya akong makasama kaysa kay Maanne ngayon. Ewan ko, pero feeling ko, nagiging special na rin ako sa kanya.

"Anong gusto mo?"

"Ahm.. The usual nalang Steve. :)"

Bumili siya ng fries and coke sakto tapos may cheesecake pa. Yung yung usual na kinakain ko dito sa canteen. Alam niya na yun kasi madalas na nga kaming magkasama pati ng friends ko.

Nasa tapat ko siya, pinagmamasdan niya lang ako habang kumakain ng fries. Naisip ko baka naguguto siya kaya sinubuan ko na rin ng fries.

"Aah." Sabay subo ko ng fries sa kanya. Kinain naman niya yun.

"Painom ha." Kinuha niya yung coke ko tapos uminom gamit yung straw. Isang straw lang kami!?

"Uy kumuha ka ng straw! Indirect kissing na tayo!"

Pagkasabi ko nun bigla siyang nagulat pero nagsmile naman agad after.

"Indirect kissing mo mukha mo! Malisyosa ka talaga! Hahaha!" Tumawa siya.

Well, hindi na bago sakin kung tumawa man siya. Lagi siyang tumatawa kapag magkausap kami sa phone. Kahit hindi nakakatawa, tumatawa pa rin yan eh.

Tapos sinubuan niya rin ako ng fries. Ang sweet nga naming dalawa eh. Siguro, unti-unti na talaga siyang nababago ng powers ko. :D Hahaha!

"Flame, may pinaset-up nga pala si momma na ano..." May pinaset-up na naman ang mama niya? Napapadalas na rin yata yang set-up date ah?

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon