PART IX

58 1 0
                                    

Flame's POV

"STEVE?!"

Sabay kami ng sinabi ni Maanne. Pareho kaming nagulat!

"Flame, sumama ka sakin."

Hinila niya ako bigla at pinasakay sa kotse niya.

Wala pa akong reaction. In shock pa rin ako dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Nag-away kami ni Maanne tapos lumitaw siya tapos naiwan namin si Maanne doon sa parking lot. Oh my gosh, si Maanne, naiwan ko! :(

Nagmamaneho lang siya. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa kanya at lalong hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon.

Bakit bigla nalang siyang nagpakita?

Sa loob ng isang taon... Nasaktan ako. Naging ibang tao at nakasakit din ng maraming lalaki. Sinadya ko ang lahat ng yun. Pero kulang pa rin. Kasi hanggang ngayon,

Mahal ko pa rin si Steve Dasian.

"Stop the car."

"Hindi. Kailangan nating mag-usap."

Na-bwisit na ako. Ayaw niyang itigil ang sasakyan! Gusto kong bumaba!

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon