Flame's POV
Anong nangyari?
Panaginip lang ba yun lahat?
Sabihin niyo saking hindi totoo. Jebal. T^T (Please)
"Fia, tahan na naman oh?"
Nandito si Maanne sa bahay ngayon at pinapatahan ako.
Lumipas na ang apat na buwan at tapos na rin ang graduation namin.
Akala ko perfect na. Akala ko nga pagkatapos ng graduation ay engagement na namin ni Steve pero....
"Maanne!!!! Bakit ganun?! Huhuhuhu! Bakit ganun siya?! Bakit?! May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman sakin oh!"
Hinahampas ko yung balikat niya. Sorry Maanne. Ang sakit sakit lang kasi. Hindi ko matanggap.
Dalawang buwan na kaming hiwalay ni Steve.
Dalawang buwan na rin akong ganito.
Dapat nag re-review na ako para sa board exam pero kasi... ang sakit! Hindi ko yata kakayanin 'to kung wala si Maanne sa tabi ko. :(
Ilang suicide attempts na ang ginawa ko pero ayaw eh. Palagi nila akong nahuhuli. Napagalitan pa ako ng sobra ni mama kasi sasayangin ko lang daw ang pinag-aralan ko kung mamamatay ako.
Pero pano naman yun? Wala na kami ni Steve! Wala na yung babe ko! Yung boyfriend ko! T^T
"Ssshh. Wala kang nagawang mali Fia. Wala. Hayaan mo, kakausapin ko siya."
Napatingin ako agad kay Maanne.
"Papuntahin mo siya dito please? Please? Please Maanne! Huhuhuhu."
Napayuko siya.
"Susubukan ko Fia. Please, tahan na."
Ang tigas ng ulo ko. Ilang beses na nga yata akong mapatay ng isang kuya ko eh. Umuwi siya dito sa Pinas para lang pagalitan ako. Nasuntok niya pa ako dahil sa galit. Nagagalit siya sakin kasi naging ganito ako.
Hindi ko alam. Miserable na ang buhay ko.
*Bzzt bzzt*
Kinuha ko agad yung cellphone ko. Kapag may nagtetext, wini-wish kong si Steve yun.
Pero hindi. Sila Hannie pala. Yung friends ko, pupunta daw sila ngayon.
Sa totoo lang, para na akong bata or matandang ulyanin na kailangang alagaan ng bawat tao. Bakit ba ganito?
Malakas naman ako noon ah! Black belter ako! Pero bakit nung sinuntok ako ni kuya, hindi ako nakalaban? Nakakainis!
Sila ate Riz at ate Shar naman, tinext ako tapos nag sorry para kay Steve. Magpakatatag daw ako, sabi nila.
Pero bakit si Steve?! Ni minsan hindi nag text at tumawag after nun?! Ha? Duwag ba siya?! Naduduwag ba siya?!
Bakla nga kasi siya! Kahit anong gawin ko, bakla pa rin siya!
Ha! Bakit ba naman ako naniwalang naging lalaki siya? Bakit umasa akong ganun lang kadali yun? Ang tanga ko naman kasi! Ang tanga tanga Flame!
Mga after 30mins, dumating na sila Hannie. Nakipag kwentuhan sila sakin. Alam kong iniiwas nila yung topic about samin ni Steve kasi ayaw nilang makasingit ako ng ibang topic.
Alam nilang nasasaktan ako. Buti pa pala sila! Eh si Steve? Alam niya ba!?
Ang sakit naman kasi! Ilang buwan nga ulit? Ah, dalawang buwan?
![](https://img.wattpad.com/cover/16370734-288-k287970.jpg)