PART VII

75 2 0
                                    

Steve's POV

Inabot na kami ng gabi dun sa pagku-kwentuhan. Mga 7PM na rin nung nagsiuwian na.

Nasa bahay na ako at katext ko si Babe. :> Pero hindi ko ma'take, kaya tinawagan ko siya.

(Yeoboseyo?) Hello yan sa Korean pag sa phone.

"Babe, I miss you! Mwa mwa mwa" Kini-kiss ko yung cellphone ko para kunyari siya kini-kiss ko. :)

(Over! Sige na, mamaya ka na tumawag.)

Tapos biglang binaba ang phone. Ayy nakakalungkot. :( Bakit kaya? Busy siya?

*ding dong*

May nag doorbell kaya lumabas ako para tingnan kung sino yun.

May delivery lang pala. Teka, nag order ba sila ng pagkain?

"Delivery po para kay sir Steve Dasian."

Nagulat naman ako nung sinabi ng delivery boy yun. Pumirma ako agad tapos dinala yung box sa loob ng bahay.

Ano naman kaya 'to?

Binasa ko yung card -- Happy 100th days Babe! I love you :*

Napangiti ako bigla. Binuksan ko yung box, nakita ko yung cake. Chocolate moist cake, may icing pa na naka lettering na ' I love you.' tapos may initials na F.F.F <3

Awww. Nag bake pala siya kanina.

Tinawag ko naman sila ate para pakainin ng cake. Hindi ko naman mauubos kasi yung buo diba?

Tinawagan ko si Flame pero hindi sumagot. Natutulog na siguro yun? Baka napagod eh. :> Kaya tinext ko nalang ng --

' Good night babe. Sleep tight. I love you to the moon and back. :* '

---

Flame's POV

101Days na kami! Yaaaay!

"Good morning wooooorld!" Sinigaw ko yung habang nag-uunat unat ng katawan.

Grabe! Napagod ako kahapon eh.

Kinuha ko yung cellphone ko na naka off. Nahulog kasi kagabi kasi naka tulog ako kaya ayun, nahimatay :D

Pagka on ko, 17 messages.

From - Steve Babe <3

Lahat ng message?! Ef. Tinadtad niya ako ng text para dun sa cake? Hahaha!

Binuksan ko, ang hahaba ng message niya! Binasa ko sa pinaka simula.

From - Steve Babe <3

Good night babe. Sleep tight. I love you to the moon and back. :*

From - Steve Babe <3

Hindi ako makatulog babe. Aww, sana gising ka pa. Sigurado akong nag-uusap pa tayo ngayon. :) Sobrang love kita Flame! Mwa! :*

From - Steve Babe <3

3AM na pala. Nag co-computer lang ako, kinakalkal ko yung profile mo. Hehehe. Ayos ah, ang himbing ng tulog mo. :>

From - Steve Babe <3

Babe, 100 days na pala tayo ano? Ngayon yung ika 101... Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya araw-araw. At hinding-hindi ako magsasawa!

Kahit na bawat segundo mo pa akong pakiligin, okay lang! Kahit asar na asar ka na sakin at bugbog na bugbog ako dahil sayo, okay lang. Basta mahal kita at yun ang tandaan mo ha? :>

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon