FINALE

69 2 0
                                    

[Paki-play ng Song sa gilid. Thanks! :*]

Steve's POV

Sa simula sinabi kong bakla ako and who cares about that? Pero ngayon na finale na...

Nakatayo na ako sa harap ng altar at katabi ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Si Flame.

Sino ba naman ang makapagsasabing pwede pa pala akong maging lalaki? Sino ang mag-aakala? Lahat nga siguro ng crush kong lalaki noon ay nagulat dahil ikakasal na ako ngayon. :)

Napatingin ako kay Flame.

Ang ganda niya ngayon. Suot niya ang gown na pangarap niya, siya mismo ang nag design nito. Siya ang babaeng naniwala na magiging lalaki pa ako.

Nagulat nga ako nang sinabi niya sakin yung tungkol sa mission niya. Hahaha! Matagal na pala siyang inlove sakin! Highschool hanggang college? Aba! Sobrang tiyaga naman niya diba?

Si Mama, may taning na ang buhay niya pero sabi niya okay na daw siya kasi nakita niya na ang lahat ng anak niya na lumaki ng maayos at nakahanap na ng partner sa buhay.

Simula nung pagbalik ko, bumawi ako kay Flame, kay Maanne, sa family ni Flame at sa family ko. Pinatunayan ko sa kanila na karapat-dapat ako kay Flame at nagbago na talaga ako.

Hindi na ako yung baklang Steve noon! At hindi na ako magiging bakla pa ulit! Pramis! :)

Eh kung black belter ba naman ng taekwondo ang girlfriend mo, magloloko ka pa ba ulit? Hahaha!

Ang daming nangyari.

Nagsimula ito sa tanging kahilingan ni mama sakin na makilala niya ang girlfriend ko. Yung babaeng makakapagpatuloy sa BLOODLINE namin! Hahaha.

Pinakilala ni Maanne si Flame at nagpanggap kami bilang mag boyfriend-girlfriend. Ang kaso lang, napasobra ako. Unti-unti akong nainlove kay Flame at dahil sa magic words ni mama, natanggap ko sa sarili ko ang aking bagong pagkatao.

Hanggang sa naging kami ni Flame. Yung totohanang relationship. Walang KUNYARE, kundi purong TOTOHANAN.

Araw-araw ko siyang nililigawan noon at masayang-masaya kami.

Nag celebrate kami ng 100th day sa Tagaytay.

Grumaduate kami...

Hanggang sa naging magulo.

Hinayaan kong matukso ako ng isang lalaki. Nagkagusto ako sa kanya habang kami pa ni Flame. Isang buwan kaming lumalabas. Ewan ko kung anong nangyari sakin noong mga panahong 'yon. Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Flame at mas madalas kong makasama yung lalaking 'yon.

Pero nahuli kami ni Flame sa park.

That time, iyak na siya ng iyak. At habang umiiyak siya, unti-unti akong natatauhan! Para akong sinampal ng sarili kong konsensya. Nakita ko siyang umiiyak habang paalis pero wala akong nagawa.

Hindi ko siya nilapitan, pinuntahan sa bahay, tinawagan o tinext.

Nahihiya ako. SOBRANG NAHIHIYA KO SA NAGAWA KO!

Naduwag akong harapin si Flame pati si Maanne at ang iba naming kaibigan. Naduwag ako na harapin yung kasalanan ko sa kanya.

Kaya hinayaan ko.

Sa loob ng isang taon ng pagkawala ko, hindi ni minsan nawala si Flame sa puso at isip ko.

Sinubukan kong panindigan yung maling ginawa ko. Nakipagkita ako ulit dun sa lalaki pero... hindi ko na kaya. Dahil sa puntong 'yon, hindi na ako natutukso. Sobrang mahal ko si Flame pero malas nga lang at nawala siya sakin.

She Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon