Chapter 33 (It's hard to control)

105 7 2
                                    

Author's Note: OMYGEE thanks sa pag read at pag support ng story ko kahit matagal ang update nya *O*

.

.

So back to the story :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------

RJ POV

" girls wait lang ah " sabi ni kaez, sabay higit sakin palabas ng store

.

" teka, saan ba tayo pupunta? " sabi ko

" o ayan, wala ng tao sa paligid, pwede mo ng ilabas ang nararamdaman mo " sabi ni kaez

" Anong pinagsasabi mo? " maang-maangan ko

" alam mo, ramdam kita, no need to cover it, kasi mas lalong nagiging halata " sabi ni kaez

" hay nako, di ko alam pinagsasabi mo "sabi ko

" humarap ka nga sakin,....... kitams.... my luha pa sa gilid ng pilik mata mo o " sabi ni kaez

" huh? " sabi ko sabay hawak sa mata ko

.

.

" Alam mo girl, ako kahit alam kong may Gf na sya at impossibleng magustuhan nya ako, still nasasaktan pa din ako " sabi nya habang nag iistart na bumagsak ang kanyang mga luha

" kaya ikaw, ilabas mo yan, mahirap kimkimin, kasi baka isang araw, sumabog ka nalang dyan. atleast pag dumating yung araw na yun, medyo nabawasan na sya, at possible nang makasakit ka ng ibang tao " sabi nya

" makasakit?? eh ako nga yung nasasaktan, tapos pag nagsalita pa ko, makakasakit pa ko? " sabi ko

" oo girl, kasi minsan, pag di mo sya nailalabas, yung galit at sakit namumuo. At pag dumating yung araw na mailabas mo sya? Kusa nang lalabas sa bibig mo ang lahat ng galit na iyan, hindi mo na sya mapipigilan. Magugulat ka nalang at nasabi mo iyon.Kung anu-ano nang nasasabi mo,  mga masasakit na salita, na mas makakapag palala pa ng sitwasyon " sabi nya

.

" ang dami mo namang alam, bakit??..... naranasan mo na ba iyon? " sabi ko

.

" Oo, nagkita kami ni dylan nung isang araw, accidentally, at sa sobrang galit ko at selos, nasabihan ko syang playboy, na ginamit nya lang ako na pamalit sa bff nya habang wala pa yun.. Hindi ko aman sinasadya eh "sabi nya, kaya naman naiyak nanaman sya

.

" shhhh, tama na nga yan, inaagaw mo naman ang scene ko eh, ako dapat ang iiyak hindi ikaw " sabi ko

.

" Mahal mo pa sya noh? " sabi nya

" di naman yun mawawala " sabi ko

" sabagay, sabi nga nila, Pag nagmahal ka, hindi na yun mawawala, maaaring matabunan ng mas minahal mo, pero andun pa din yung feeling na minahal mo sya " sabi ni kaez

" Ano bang dapat kong gawin? " sabi ko

" Mahal mo diba? puntahan mo, sabihin mo " sabi nya

" paano si Reix? " sabi ko

" Alam mo, mas masasaktan mo si Reix, kung papaasahin mo pa din sya, na sya ang mahal mo " sabi nya

.

" Ang dami mo talagang alam..... Pero infernes, pinagaan mo loob ko, yun nga lang, di ko nagawang umiyak kasi inagawan mo ko ng part -_- " sabi ko

" hahaha, kasi naman eh, nakakaiyak " sabi nya

You're The Ultimate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon