Chapter 46 (By the help of my bestfriend)

102 8 3
                                    

Para po ito sa question sa chapter 44 ^_^

Sino yung dadating?

----------------------------------------------------------------------------------------

Kizynae POV 

Flashback ng dumating ang Besty ko

-Knock-knock-

Sino kaya yun?

Natatakot na kasi ako sa mga taong pumupunta dito at hinahanap si James

Ewan ko ba..

Siguro kasi, mayroon sa life ni james na napakaimportanteng bagay at nakalimutan nya yun.

Kaya ngayong ligtas si James at nakauwi na sya sa lugar nila, bumabalik at pinapaalala sa kanya yung mga nakalimutan nya.

.

" Kizynae may naghahanap sayo sa labas "sabi ni lola

" sige po, salamat po "sabi ko

Malayo pa rin ang loob ko sa lolo at lola ni james. Kasi siguro hindi nila ako gusto para kay james

.

Pagbukas ko ng gate

" SURPRISE BEST "

O.O

" BEEEEEEEEST "sabi ko sabay yakap sa kanya

" OMG bakit di mo sinabeng nasa pilipinas ka na, di kita nasundo "sabi ko

" hahaha, diba sabi ko naman sayo kahapon, uuwi na ko ngayon? hays ikaw talaga.. mukhang wala ka talaga sa sarili noh "sabi nya

" akala ko kasi joke lang? "sabi ko sabay kamot sa ulo

.

Paano nya nalaman kung nasan ako?

SInabe ko sa kanya kagabi hahahaha

Bakit ko nga ba nakalimutan yun? ay ba yun.

.

" So? di mo ba ko papapasukin? "sabi nya

" eh ano kasi, di ko naman to bahay, lam mo yan "sabi ko

" so san tayo? "sabi nya

" hanap nalang tayo ng tutuluyan "sabi ko

" meron na kong tutuluyan, I mean san tayo maguusap or magchichikahan, mahaba haba din ang kwentuhan natin noh "sabi nya

" eh kasi nga wala akong computer, napadpad lang ako sa house nyo sa maynila nung birthday ng kapatid mo kaya nakausap kita sa skype "sabi ko

" o sya, dun nalang tayo sa mall, paalam ka muna sa mga tao jan "sabi nya

.

.

.

Sa SM Mall, Food Court

" SO?? ano ng balita? "sabi nya

" ano,... alam mo na yun.. uulitin ko pa ba? nakakahiyang humingi ngrequest sayo eh "sabi ko

" nahiya ka pa? eh ang dami ko ng utang na loob sayo, kaya ako naman ang babawi noh "sabi nya

" wala lang naman sakin yung dati eh "sabi ko

" sakin meron. Ikaw ang tagapagtanggol ko nung inaapi kaming mahirap, ikaw ang kumukupkop sakin pag nag-aaway sina mama at papa, ikaw ang takbuhan ko pag may problema ako, ikaw ang nagbibigay ng baon sakin pag wala akong pera, ang mga magulang mo ang tinuring kong magulang nung iniwan nila ako "sabi nya

You're The Ultimate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon