Eleven

111 4 3
                                    

"Anong ginagawa mo?" tanong ni ikay

"Huh? wala." sagot ko pero hindi ako naka tingin sa kanya

"Sure ka? muka kang galit eh"

"Wala nga." padabog kong sagot sa kanya at lumabas na

Hindi ko na lang siya tiningnan pero alam kong sinundan niya ako ng tingin

Ikay's PoV

Bumalik ako sa classroom may nakalimutan kasi ako eh pero nung papalapit na ako may narinig akong ingay

sumilip naman ako para makita kung ano yun

pagkakita ko si Chael bumabato ng lapis pagkakita ko naman sa sahig ang daming nakakalat

huminga ako ng malalim at naglakas loob na tanungin siya

"Anong ginagawa mo?" maayos kong tanong pero kinakabahan

"Huh? wala." tsk ang sungit ahh? meron kaya ito? o baka may problema?

"Sure ka? muka kang galit eh"

"Wala nga."  sabi niya at sabay nag walk out sinabayan ko lang siya ng tingin

wow ha grabe tinalo niya pa ako sa pag w walk out buti nga nag magandang loob pa ako na tanungin siya eh

binalik ko yung tingin sa classroom namin

"Hayy, ako pa ba ang maglilinis nito?!"

asar naman sana nilinis niya muna itong kalat niya bago siya umalis diba?

at dahil mabait ako ako na lang mag lilinis nito kahit wala akong makitang dahilan para maglinis ngayon

kami din naman mapapagalitan ni teacher pag hindi kami nag linis eh

Habang naglilinis ako napaisip ako kung bakit ganun siya? si Chael.. bakit parang sobrang sama ata ng loob niya

ako nga ehh kahit gusto kong umiyak kanina hindi ko magawa kasi hindi ko pwedeng sabihing dahilan kung bakit ako umiiyak ay dahil may iba siyang gusto diba?

"Wag kang masyadong mag emote dyan"

bigla naman akong na tigil sa pag dradrama ko sa utak ko ng biglang sumulpot si Kuya Jeryme

"Nag sisimula na yung practice" sabi niya

"Ahh ganon ba, sige susunod na lang ako pag katapos ko."

tinapos ko muna yung paglilinis sa kalat nung magaling na CHAEL TAHERO na yun bago ako umalis

**

Pumunta na ako sa gym para mag practice ako na lamg pala wala. Buti na lang hindi ako napagalitan pumunta na lang ako sa likod at sumabay sa stretching

pagkatapos namin binigyan kami ng 5 minutes na break

hinanap ko yung mga madalas kong kausap/ mga ka close ko wala sila, wala yung mga 3rd year

"May project sina ate."

nagulat ako may biglang nag salita sa likod ko.

"Nakakagulat ka naman." sabi ko habang hawak yung dibdib ko sa gulat

"Ahh ganun ba sorry hehehe, kanina pa kasi kita napapansin na hinahanap si ate eh." sabi niya sabay ngiti

huh? pano niya nalaman yun? wala naman akong sinabing hinahanap ko yung ate niya

mind reader ata tong si Daniela ehh

"Hindi ako mind reader ahh, halata lang kasi talaga sa kilos mo. Sige una na ako ah" at umalis naman siya at nilapitan niya yung mga kaklase niya

"Galit ka ba?" Ang Lagi Niyang TanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon