Eight

100 4 3
                                    

...

"Pre na rinig ko yon" ano?! narinig niya?! patay anong ipapalusot ko dito?

"Ang alin?" inosente kong sagot "N-naiwan ko kasi yung phone ko sa bahay ngayon ko lng napansin. Sige pre una na ko."

"Ahh? pre hindi kasi ikaw ang kausap ko." ano daw hindi ako?! nakakahiya naman

"Ahh ganun ba kala ko kasi ako eh hehehe.Una na ako ah?" at lumakad na talaga ako palayo sakanya

"Anong problema nun?" narinig kong sabi ni Miggy

**

Pagkauwi ko naman sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at humiga tinakpan ko din ng unan yung ulo ko

"Whaaa nakakainis!" bigla ko na lang sinagaw

Naalala ko kasi yung nagyari kanina. Nung nakita ko si Ikay pati si Nico.

Bigla namang may kumatok sa pinto

"Chael anong nangyari sayo?" tss si ate -.-

"Umalis ka na lang muna pwede?"

Ate Mikaela's PoV

"Whaa nakakainis!" nagulat ako nang bigla na lang sumigaw si Chael nung napadaan ako sa may kwarto niya

kaya naman kumatok ako at pumasok.Pero mukhang ayaw niya ng kausap ngayon pero syempre dahil makulit din ako kakausapin ko siya

"Bakit parang inis na inis ka naman ata?" tanong ko sa kanya

"Ano ba ate sabing umalis ka muna eh!"

"Alam ko kung anong nangyari sayo." kahit hindi ko naman talaga alam hula hula lang hehehe

"Tungkol kay Ikay yan noh?" pagtutuloy ko sa sinabi ko

Bigla naman niyang tinaggal yung unan tumingin saakin ng masama at bumalik ulit sa dati niyang pwesto

"Sabi na nga ba ehh. Anong nangyari?"

"Akala ko ba alam mo yung nagyari!" pabalagbag niyang sagot

"Syempre binibiro lang kita non. Pero alam ko kung kaylan tungkol sa babae yang problema mo." napaupo naman siya bigla "Alam mo Chael kahit hindi tayo laging nag uusap kilala kita."

Huling usap ata namin nung iniinis ko siya kay Ikay at sinabi kong masungit tingin ni Ikay sa kanya.Pagkatapos nun wala na

Hindi na din ako mag tataka kung hindi ito magkwekwento sakin.

aalis na sana ako nang bigla siyang nag salita

"Muka kasi akong napahiya sa harap ni Ikay kanina."

nagulat ako! ano napahiya daw?! umamin na ba siya?!?

"Ha?! Napahiya?! Bakit umamin ka na?!"

"Hindi! kanina kasi lalapit na sana ako sakanya kaya lang bigla namang lumapit si Nico naihagis ko tuloy sa kanya yung I.D niya sa inis"

Magsasalita pa lang ako pero bigla siyang nag salita

"Bakit nga ba kita kinakausap?! Lumabas ka nga dito sa kwarto ko."

"Ang sungit!" sabi ko sakanya at umalis na ako

Ikay's PoV

Finally Sunday na ang one and only rest day ko sa buong week pero sa tanghali lang ako nakakapagpahinga kasi may simba kami sa umaga.

Naalala ko bigla yung nangyari kahapon

*FLASHBACK*

Lumabas na kami nung natapos na namin yung project namin sa AP

Bigla naman akong nilapitan ni Nico may sasabihin sana siya nang biglang lumapit si Chael

"O! I.D mo!" at hinagis niya saakin yung ID ko

bigla naman akong namula

"Huy!wag ka ngang mag space out diyan nagiging kamuka mo nanaman si Fuko eh..Ayiee kinilig" sabi ni Nico pero pabulong lang

"Ewan ko sayo!" at hinampas ko siya

kainis kasi ehh paano kung narinig niya yun? edi nag sungit nanaman sakit si Mr. Sungit

*END OF FLASHBACK*

Napatawa na lang ako nung naalala ko yun

**

Nasabahay na kami at bigla akong nakatulog nang hindi ko na ramdaman

"Whaaaaaaaaa!" nagulat ako nang may sumigaw.

...to be continued

"Galit ka ba?" Ang Lagi Niyang TanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon