Seventeen

73 5 4
                                    

Ikay's PoV

Ang dami daming pumapasok sa isip ko habang naglalakad ako pauwi.

Siguro hindi din naman tama yung isisi ko kay Chael yung nangyari sa kapatid niya diba?

Ano bang malay niya na may mangyayaring ganoon pala.

Habang nagiisip ng kung anu-ano nakararing napala ako sa bahay namin.

At dahil nasa bahay nanaman ako, boring nanaman

Babaha nanaman ng dugo sa kwarto ko habang nagsasagot ng mga assignment na hindi ko malaman laman kung bakit samin pinapahanap ni Math yung "X" niya. kapag nahanap mo na may kasunod pang "Y" #mathproblems

At dahil nga isa akong magaling na estudyante syempre inuna ko muna si Fb

Alng laman ng News Feed ko? Ito

"Daniela Pagaling ka ah"

"Get Well soon Daniela"

"Pagaling ka agad we'll pray for you"

Sana nga gumaling na siya agad.

Habang tumitingin ako sa mga newsfeed ko may biglang nagpop na message.

"Miggy: Bakit nga pala hinahanap mo si Chael kanina."

Luh?! anong trip niya?! ... ahh alam ko na

"Me: Kelan ko naman hinanap yung lalaking yun?!"

Akala ko lulusot na ako..

Akala lang pala

Bigla kasi siyang nag reply agad agad

"Miggy:Sus maang maangan pa sige"

"Me: Eh hindi ko naman talaga siya hinanap ah!"

"Miggy: Anong hindi?! kanina kaya. Pagkakita mo palang sakin "nasaan na si Chael" bungad na tanong mo"

Hala paano na to? hindi naman kasi ako pwedeng mag offline kasi tatanungin at tatanungin pa din niya ako

"Me: Syempre! Kaninong kapatid ba yung na aksidente kanina?!"

"Miggy: Kay Chael at kay Kay Mikaela"

"Me:Oh! diba ikaw na ang nagsabi."

"Miggy: Bakit pwede mo namang hanapin muna si Mikaela diba?"

Wala na! wala na kong takas nito.

Hindi ko alam yung irereply ko kaya tinitigan ko na lang yung chatbox namin

*Miggy is typing*

..

..

..

"Miggy: Aminin mo na kasi na siya yung nasa isip mo nung panahon na yun"

"Anu daw?!" Excuse me? bakit ko naman siya iisipin?

"Me: Excuse me?! bakit ko siya iisipin! Magbigay ka ng kahit dalawang dahilan para isipin ko yung lalaking iyon!"

Huh! kala niya ahh.

Pero mukhang mali nanaman ako. Kasi may nakalagay nanaman na typing

"Miggy: Simple lang."

..

O.o

..

o.O

..

O.O

"Miggy: Kasi nung una CRUSH mo siya. Pangalawa, ngayon MAHAL mo na"

..

"Galit ka ba?" Ang Lagi Niyang TanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon