Twenty Five

68 4 6
                                    

Little A: Yehey active na ulit ako (dahil summer na).. Eto na po yung update enjoy :))
***

Ikay's PoV

Akalain mo yun! Pasukan nanaman. Parang kahapon first year lang kami ngayon.. 8th graders na kami

Masyado na atang mabilis yung panahon. Parang hindi pa nga naalis sa memories ko nung nakaraang pasko

*flashback*

"Pasko, pasko pasko nananamang muli ang pag ibig nag hahari... Namamasko po!"

"Ayusin niyo naman, bahala kayo hindi ko kayo bibigyan" Sus etong tito ko napaka demanding akala mo naman eh ke galing kumanta hahaha

"Oh ito" at nginitian ko yung mga bata

"Thank you.. Thank you..  Thank you very mats for you thank you"

Hayy..  Buti pa yang mga yan nag e enjoy na may pera pa. Ako nga nga haha.

Hindi kasi ako nakaranas ng mga ganyan. Syempre only child ako at over protective sakin ang mga magulang ko

*Facebook Pop*

"Huh?" napatingin ako sa phone ko

*Facebook Pop*

"Eh?  Anong meron sunod sunod yung notifs"

Tiningnan ko na kasi baka mamaya eh importante pala na may nag message

Pagkatingin ko..

"Woah! Ang oa ng notification ko." *5 friend request 7 message 30 notification * Madami na yan para sakin hindi naman ako ganung ka peymut :P

"Hmm tingnan natin kung sino tong mga to. Confirm. Confirm. Sino to?  Ignore. Confirm. Sino din to?!  Saan ba nila ako nakilala? Ignore."

Pagkatapos kong tingnan yung friend request binuksan ko naman yung mga notification

"Sus, yung number game pala"

Alam nyo ba yun?  Sa una gusto ko kaso nung tumagal na bored na din naman ako.. Ang dami kasing nag p pm sasabihin 'Ate pa post naman number ganito ganyan thank you'

Kahit hindi ko ka close mema sabi at mema ipost lang haha

Sunod kong binuksan yung messages ko
Scroll lang ng scroll hanggang sa may na hagip yung mata ko

"Merry Christmas :)"

Uminit nanaman yung pakiramdam ko. Kahit iyan lang yung sinabi niya

"Merry Christmas din sayo Chael :D" at send!

Nanginginig nginig ko pa yang tinype

*end of flashback*

Iba talaga epekto sakin nung lalaking yun. Kahit flashback ehh kinikilig pa din ako

Kyaaaa :'''> "Ikay selfcontrol tama na hindi yan healthy"

Paano ba naman kasi ako hindi kikiligin eh...

Kung umamin ba sayo yung crush mo na gusto ka niya hindi ka kikiligin?

Well technically wala siyang sinabi na "gusto kita" pero base sa mga kilos niya, parang meron eh

Napadalas na din kasi yung pag uusap namin nung bakasyon

*conversation *

"kumain ka na ba?" -Chael

"Hindi pa eh,ikaw ba?" -Ako

"Sasabay na ko sayo"

"Eh mamaya pa ko kakain eh"

"Kaya ko naman mag antay"-Chael

"Ahh, eh sige kakain na ko. Bye"

*end of conversation *

Nalilito pa din ako..  Hindi naman sa assuming ako pero, Parang hindi ako makapaniwala na ganun ganun na lang yung taong akala ko eh galit sa mundo especially sa akin ay may gusto sakin

Iniwas iwasan ko pa siya noong hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.  Eh ngayong andami niya nang pinapakitang sign Aarte pa ba ako?

Oo nililito talaga ako. Pero ok na to masaya naman ako eh saka mag aaral na lang ako ng mabuti

Isa pa kelangan ko nang ayusin tong mga to..  July na kasi eh kakatapos lang ng 14 th birthday ko nung isang linggo.

Nag p prepare ako ng mga gagamiting props para sa activity namin nang may nakita akong isang papel na nilamukos, mukhang pamilyar nga eh

"Galit ka ba?" Ang Lagi Niyang TanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon