Seven

99 3 0
                                    

Chael's Pov

Ang aga ko gumising ngayon tinignanan ko kung may nireply si Ikay kaso wala .. "nakakalungkot naman"

At dahil maaga pa pinag practisan ko na lang kung pano ko ibabalik yung ID ni Ikay

Pero wala akong maisip tiningnan ko naman yung orasan

"The hell!! ang bilis nang oras malelate na ko baka di ako papasukin ng guard!" agad akong tumakbo sa banyo nag ayos nang gamit at tumakbo palabas nang kwarto at bumaba

Hindi ko naman nakalimutan yung ID ni Ikay yun kasi yung hawak hawak ko kanina pa nung nag prapractice ako kung anong sasabihin ko

Pero wala manlang akong matinong nabuo

"Ang torpe ko kainis"bigla kong nasabi sa may tapat ng mga kapatid kong kumakain

Napatingin naman ako sa mga kapatid ko "buti walang nakarinig" bulong ko

**

Nakarating nako sa school pero wala pa naman siya at naka hinga na ako nang maluwag

"Teka" kinapa ko yung bulsa ko.. "yung phone ko" tingnan ko naman yung bag ko pero wala

"Patay! di ko panaman na log out yung account ko"

Ate Mikaela's PoV

Sabado ngayon wala naman kaming mga projects kaya ang saya ngayon..

Sakit pa din nang katawan ko dahil sa kahapon kawawa naman yung mga dancers na may project ngayon

Napansin ko naman na parang ang aga gumising ni Chael kasi nakabukas na yung ilaw at nakabukas nang konti yung pinto niya

Nakita ko siya hawak hawak yung iphone niya at biglang nagsalita "nakakalungkot naman"

"Ano yun? ano yung nakakalungkot" bulong ko sa sarili ko

hinagis naman niya yung phone niya sa kama at kinuha yung ID ni Ikay

"Sabi na nga ba at mag praractice to kung ano ang sasabihin"

bumaba naman ako para mag almusal na bumaba na din naman sina Daniela at Angelo

Malapit ko nang maubos yung pagkain ko pero hindi pandin bumababa si Chael .. medyo matagal pa naman akong kumain sa bahay para feel na feel ko yung sarap nang pagkain

Nagulat naman kami nang biglang bumabang nagmamadali si Chael at biglang may sinabi

"Ang torpe ko"

Hindi ako nag pahalatang narinig ko ganun din yung mga kapatid ko

Napatingin naman samin si Chael at may binulong tapos kumaripas na nang takbo

Pagkaalis niya nagtawanan naman kaming tatlo

"Si Ikay iniisip nun noh?" tanong ni Daniela

"Hahahaha halata ba?"

"Sus si kuya talaga ehh halata naman sakanya ehh.. Nung grade 6 pa nga sila eh"

"Ano?!" napatigil naman ako sa paginom ko

"Oo, napapansin ko siya sa school pag di nakatingin si Ikay tinititigan niya tapos biglang ngingiti.. buti nga di natunaw si Ikay ehh hahahah"

Saksakan pala nang ka torpehan yang kapatid ko matagal na pala

"Oo ate matagal na pero nung nag bakasyon kasi parang nagalinlangan si kuya kasi sa ganda daw ni Ikay panigurado daw na may boyfriend na yun o manliligaw"

napatingin naman ako bigla kay Daniela, hindi lang pla siya madaming alam sa buhay buhay mind reader na din pala siya ngayon

"Ehh bakit ngayon?" tumingin sakin na nagtataka si Daniela

"Sa tingin mo ba may gusto si Ikay kay Chael?"

"Oo" mabilis niyang sagot "May gusto si Ikay kay kuya diba?"

"Napansin mo?"

"Halata naman ate eh"

"Alam ni Chael"

"Hindi"

"Panu mo naman nalaman?"

"Ehh hindi naman pinapansin ni kuya yung iba niyang mga kaklase ehh.. minsan inaasar si Ikay pero hindi sa harap ni kuya kaya siguro hindi niya nahahalata"

Ibang klase tong kapatid ko torpe na nga may pagka manhid pa!

Pagkatapos namin kumain umakyat ako at napansin kong naiwan ni Chael yung phone niya dahil iniwanan niya ding bukas yung pinto ng kwarto niya

Kinuha ko naman yung phone at tiningnan

"Jackpot!" niwan niyang nakanulas fb niya

at ito ba yung sinabi niyang nakakalungkot daw? kasi walang nireply si Ikay sa message niya?binasa ko yung iba pa nilang messages.. kaya rin pla naiinis minsan si Chael sa kanya kasi nangiinis talaga si Ikay pero sigurado ako na natutuwa naman yun

"Hayy kung alam lang nila na may gusto sila sa isa't isa ano kaya mangyayari"

binalik ko yung phone kung saan ko nakuha para hindi mag hinala si Chael at lumabas na ako nang kwarto niya.

Chael's PoV

Gumawa na kami nang project nang mga ka grupo ko kaya hindi ko alam kung nandyan na ba si Ikay o wala pa kaya naman napagpasyahan ko na sa uwiian ko nalang ibibigay para makapag ipon din ako ng lakas ng loob na kausapin siya

Nung uwian na hinanap ko si Ikay at nakita ko naman siya. Huminga ako ng malalim at lalapit na nang may biglang lumapit sa kanya

"Tss. Si Nico pa!" bulong ko

Lumapit ako sa kanya ng naka poker face lang ang usual kong expression at inabot ang ID niya

"O! ID mo!" medyo na pasigaw pa ako. Umalis ako agad kasi baka maginit ulo ko..

Ayoko lang kasi siyang nakikitang may kasamang ibang lalaki

"Huy!wag ka ngang mag space out diyan nagiging kamuka mo nanaman si Fuko eh" narinig kong sabi ni Nico at tumawa pa

"Ewan ko sayo" rinig kong sabi ni Ikay at hinampas si Nico

"Haist kainis makaalis na nga lang dito" bulong ko. nakakainis naman kasi talaga eh

Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Miggy sa harap ko na parang kabute

"Pre na rinig ko yon" ano?! narinig niya?! patay anong ipapalusot ko dito?

to be continued.. :)

"Galit ka ba?" Ang Lagi Niyang TanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon