Kabanata 6: Kulog. Kidlat.

47 0 0
                                    

Lalong bumuhos ang malakas na ulan. At kahit na nga nasa loob na kami ng malaking sasakyan ni Mr. Chan hindi mapigilan ang pagiingay ng ulan sa labas. Halo halo na ang nasa utak ko. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo alam kung saan papunta ang buhay mo. Maraming tanong ang umiikot sa isip ko habang nakatingin ako sa malayo. Kung gaano katahimik sa loob ng sasakyan, ganoon naman kaingay ang gulo sa isip ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, parang sabay-sabay. Pinaglalaruan yata ako ng buhay na’to. Isang iglap nawala si Jelai, iniwan pa niya sa akin ang naghihingalo niyang tatay (sana hindi nababasa ni Mang Lupito ang isip ko... Hahahahaha!). Naiwan pang bukas ang bahay nila, baka nakawin ang flat screen TV nila (kung sa bagay ninakaw rin naman pala ni Mang Lupito yun) quits lang. Yung sulat si Jelai, yung choknut, yung kalagayan ng matanda, yung kalagayan ko, yung “super instant talino power” ko kanina, saan galing iyon? Paano nangyari yun?   “Bilisan mo pa ang takbo Mang Ramon, humihina na ang baterya ng respirator.” Utos ni  Mr Chan.   “Eh sir mahirap na po, madulas ang daan. Tsaka mukhang paubos na rin po ang gasolina natin.” Tugon ni Mang Ramon sabay kamot sa kili-kili   “Pambihira naman Ramon oo! Ngayon mo pa ba sasabihin yan? Malayo pa ba tayo?”   “Isang oras pa po, pula na po ang krudo natin, nagsara na rin po kasi ang mga gasolinahan dahil sa lakas ng ulan.. may bagyo na po yata”   Nakikinig lang ako sa likod ng sasakyan sa usapan ng dalawa. Tinitigan ko rin mabuti si Mr. Chan, hindi man lang nagbago ang mukha niya mula noong huli kaming nagkita. Mataba pa rin at mahaba ang buhok, parang bisyo niya na yata ang ilublob ang buhok niya sa mantika. Laging malangis ang buhok niya. Hindi ko puwedeng kalimutan ang taong to’ dahil siya ang nagligtas ng buhay ko.   Tandang tanda ko pa noon, habang di mapigil ang pag-agos ng dugo mula sa noo ko, nawalan ako ng malay dala na rin siguro ng pagkabagok ng ulo ko sa bato. Nagising ako sa klinik ng barangay na may benda na ang ulo. Nakita ko noon na kausap ni Mr. Chan ang tiyahin kong elepante, may inabot siya ditong sobre, malikot ang utak ko kaya’t malakas ang hinala ko na pera ang laman nun. Tinanggap ng Tiyang ang pera at biglang umalis na si Mr. Chan. Narinig ko rin sa nurse na ang lalakeng yun, na ang pangalan ay Mr. Chan, ang nagbayad ng lahat ng gastusin ko sa ospital. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun, naawa siguro, at pasalamat ko na lang na may mabuting tao na handang tumulong sa akin sa mga panahong yun. Kung nasaan man napunta ang laman ng sobre na inabot kay Tyang, hindi ko na alam.   At sa pagdaan ng mga taon, hindi pa rin siya nagbabago. Sabi nila mabilis magbago ang tao, pero parang hindi naman to’ totoo kay Mr. Chan. Hindi ko alam kung natatandaan niya pa ako.   “Ah—Salamat po pala sa pagtulong niyo kay Mang Lupito.” Malakas na pagkasabi ko.   “Ako nga pala si Lee Bok Chan, Mr. Chan nalang. Saka ka na magpasalamat kapag ligtas na ang matandang to’ kaano-ano mo ba siya?” Sagot ni Mr. Chan habang itinatali ang malangis na buhok.    “Tatay po siya ng bespren ko, nasa Maynila po kasi ang anak niya. Ako lang po ang nandun nung inatake siya ng sakit, at nangyari nga po yung ganito.”   “Napakabait mo namang bata, ganyan ang kailangan ng lipunan ngayon. Sa dami ng mga tao sa buong mundo na nasasaktan, kulang ang gamot para tuluyang gumaling ang sakit.”   “Tsaka salamat din po sa tulong niyo sa akin.” Mas malakas ko pang sabi.   Kulog. Kidlat. Hampas ng hangin. Tunog na parang may gumuguho.   “Anong ibig mong sabihin? Salamat saan?” Palapit na tanong ni Mr. Chan.   Kulog. Kidlat. Hampas ng hangin. Tunog na parang may gumuguho.   “Hindi niyo po ba ako naalala? Ako po yung batang tinulungan ninyo, tatlong taon na ang nakakaraan.”   Narinig ko ang kulog. Nakita ko ang kidlat. Hinampas kami ng hangin. Kami ay gumuguho.   Naglaho ang lahat sa dilim.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alteram (ONE dibaydibay FOUR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon