Chapter 2

1.6K 80 17
                                    

Chapter 2

Nabigla si Suho sa kanyang narinig. Totoo ba ito? Ang taong utak ng kabullyhan dito sa school ay patay na? Bakit? Sa paanong paraan?

*Tok tok tok*

Napatigil naman sa pag iisip si Suho at napatingin ang buong klase, including ang kanilang guro, sa estudyanteng kumakatok sa kanilang pinto. Agad namang lumapit ang guro at pinagbuksan ito.

"Dito po ba ang classroom ni Kim Suho?" Tanong ng isang estudyanteng babae.

Kay Suho naman naibaling ang lahat ng tingin ng kanyang kaklase kaya't kabado syang napatayo.

"A-ako si Suho.. B-bakit?" Nauutal na tanong nito.

Napatingin naman sakanya ang estudyante at saka sinabing, "Pinapatawag ka ni Sir Kim sa opisina nya. Mahalaga daw."

Nabitawan naman ni Suho ang kanyang ballpen sa narinig.

Bakit sya pinapatawag ng tatay ni Jongin? Bakit sa lahat ng estudyante.. sya pa? Hindi kaya't, isa sya sa pinaghihinalaang pumatay sa anak nya?

"B-bakit daw?" Kabadong tanong ni Suho.

"Hindi ko rin alam. Basta pinapatawag ka."

Napalunok naman ng laway si Suho saka dahan dahang lumabas ng classroom. Masyado syang kinakabahan. Hindi sya mapakali.

**

 

"B-bakit nyo po ako p-pinapatawag?" Asusual. Nauutal na tanong ni Suho ng makarating sya sa opisina ng tatay ni Jongin. Dahan dahan namang humarap si Sir Kim kay Suho at nakita ng binatang namumugto ang mga mata nito.

"S-sir.."

”Alam mo naman ang nangyari sa anak ko diba?" Seryosong tanong nito.

Napalunok na naman muli ng laway si Suho saka dahan dahang tumango.

Nagulat si Suho ng bigla nalang hawakan ni Sir Kim ang kanyang mga kamay. "Hijo.. Kailangan ko ng tulong mo."

Naguluhan naman si Suho sa narinig. Totoo ba to? Humihingi sakanya ng tulong ang tatay ni Jongin?

"T-tulong po saan?" Kabadong sabi ng binata.

Dahan dahan namang binitawan ng tatay ni Jongin ang kamay ni Suho saka hinawakan ang picture frame ni Jongin.

"Kilala sya bilang basag ulo at gangster sa eskwelahang ito. Isa rin sya sa mga bully na walang awang nananakit ng mga damdamin ng estudyante. Pero kahit ganun pa man ang ugali ng anak kong to, mahal na mahal ko to." Malungkot na sambit ni Sir Kim.

Who Killed Jongin? (EXO Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon