Chapter 7

1K 64 12
                                    

Chapter 7

 

"Suho.. Suho maniwala ka sakin.. Hindi ako ang pumatay kay Tao.. Hindi ako ang pumatay kay Jongin.." Pagsusumamo ni Yixing habang habol habol ang nagmamadaling naglalakad na si Suho.

 

"Pwede ba!! Wag mo na kong sundan!! Ano? Ako ba ang susunod mong biktima?!! Ha?! Sabihin mo lang!!!" Inis na sagot ni Suho at mas lalong binilisan ang paglakad.

 

"Suho naman oh.. Naniniwala ka sa kanila?? May alam ako Suho!! Alam ko kung sino ang tunay na pumatay kay Tao at Jongin, maniwala ka!!" Naluluhang pagpapaliwanag ni Yixing ngunit hindi sya pinansin ni Suho.

 

Nakaisip ng paraan si Yixing upang makinig sakanya ang kaibigan.

 

"Andun ako bago mamatay sina Jongin at Tao!!!" Sigaw ni Yixing dahilan para mapatigil sa paglalakad si Suho. "Parang dejavu lang ang nangyari. Nakipagkita ako kina Jongin at Tao, pero parehas silang hindi sumipot. Yun ay dahil.. pinatay na sila." Seryosong sabi ng binata.

 

Dahan dahan namang humarap si Suho kay Yixing at tiningnan ito ng masama. "See? Bakit ngayon mo lang yan sinabi? Kung wala kang kinalaman, noon palang, sana sinabi mo na!! Nung una palang sana sinabi mo ng makikipagkita ka dapat kay Jongin! Pero bakit ngayon mo lang yan sakin sinasabi? Kasi nakaisip ka na ng alibi? Ng irarason??! Gosh Yixing. All this time, akala ko kaibigan kita. Akala ko mapagkakatiwalaan kita, pero pinagmuhka mo kong tanga."

 

Tumakbo na papalayo si Suho at naiwang lumuluha si Yixing.

 

"S-suho.... Suho.."

 

**

 

Naiwang mag isa si Yixing sa classroom dahil hindi parin sya makapag move on. Iniwan na sya ng kaibigan kaya't heto nag iisa na lamang sya.

 

Tumitingin lang sya sa paligid ng makita ang isang maliit na notebook sa ilalim ng isang desk. Sinigurado nya muna kung wala bang nakatingin sakanya saka dahan dahang kinuha ang notebook.

 

Binasa nya naman ang nakasulat dito.

 

'Pinatay ko si Jongin.. Pinatay ko si Zitao.. Dahil pakelamero ka, isusunod ko na ikaw.'

 

Napatingin sya sa likod sa sobrang kaba ngunit napahinga rin sya ng maluwag ng walang kutsilyong nag aabang sakanya. Tiningnan ni Yixing mabuti ang sulat nang bigla nalang syang kabahan.

 

Ang sulat na to.. Alam nya kung kaninong sulat ito..

 

**

 

"Hyung.."

 

Napatigil sa pagsusulat si Suho ng marinig nyang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napatingin sya sa taong pumasok ngunit inalis nya rin agad ang tingin dito.

 

"Ano na naman yon?" Tanong ni Suho sa nakababatang kapatid na si Jongdae.

 

Lumapit naman sakanya ang kanyang kapatid saka umupo sa kama. Napahinga muna ito ng malalim bago ito magsalita.

 

"Alam ko.. Kung sino ang pumatay kay Jongin.." Panimula ni Jongdae na syang dahilan para matigilan si Suho.

 

"K-kilala mo?" Nauutal na tanong ng nakatatanda.

 

Dahan dahan namang humarap si Suho sa kapatid at nakita nya itong umiiyak.

 

"Kitang kita ng dalawa kong mata kung sino ang pumatay sakanya.. Pero hindi ko masabi.. H-hindi ko masumbong kasi.. K-kasi natatakot ako.. N-natatakot ako na baka isunod nya ko.." Takot na takot na pahayag nito. “Palagi akong nagpepretend na wala akong alam, pero habang ginagawa ko yun, kinakabahan ako, kasi baka mahuli nyang may alam ako.”

 

Hinawakan naman ni Suho ang kamay ng kapatid at saka tiningnan sa mga mata.

 

"Sino? Sabihin mo Jongdae, Sino? Alam nya bang alam mo? Alam nya bang nakita mo?? Jongdae sabihin mo!!" Pamimilit ni Suho ngunit patuloy lang sa pag iyak si Jongdae.

 

"Hindi hyung. H-hindi nya alam. H-hyung kaya ayaw kong gawin mo to.. Kaya ayokong hanapin mo kung sino ang pumatay kay Jongin.. K-kasi.. Kasi mapapahamak ka.. K-kuya malapit lang sya satin. Pwedeng pwede nya tayong patayin." Wika ng binata habang lumuluha. Bakas na bakas ang takot sa mga muhka nito kaya't niyakap sya ni Suho.

 

"Sshh.. Wag ka ng umiyak. Huh? Wag ka ng umiyak.. Ang mabuti hindi nya alam na alam mong sya ang pumatay kay Jongin. Sige. Magpahinga ka muna. Bukas sasabihin mo kay hyung kung sino yun, huh? Kapag okay ka na. Kapag kalma ka na."

 

Napatango tango naman ang umiiyak na si Jongdae at dahan dahang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Tumayo na ito at nagtungo na sa kwarto nya para magpahinga.

 

**

 

"Isang estudyante na naman mula sa Sm University ang natagpuang patay sa sarili nilang bahay kagabi. Gaya ng naunang natalang biktima na sa parehong unibersidad nag aaral, ay tadtad rin ng saksak ang binata ngunit pito lamang hindi tulad ng naunang biktima na labing apat ang natamo nito. Hindi parin alam kung sino ang salarin sa nasabing krimen, ngunit iniimbestigahan na kung may koneksyon ito sa pagkamatay ng dalawang estudyante. Mula dito sa *insert address here* ako po si Zhang Ami, nagbabalita."

 

Nabitawan ni Suho ang baso ng kapeng iniinom nya ng makita sa telebisyon ang bahay ng kanyang kaibigan.

 

Bahay ni Yixing.

 

Kahit nakablurred ang muhka't katawan ng kaibigan sa tv ay alam na alam nyang si Yixing yon.

 

Alam na alam nyang si Yixing ang pinatay.

 

"Kuya bakit???" Takang tanong ni Jongdae na nagmadaling pumunta sa sala matapos marinig ang pagbagsak ng baso.

 

Napatingin na lamang si Suho sa kapatid at saka napaluha.

 

"P-patay na si Yixing."

 

 

To be continued

Who Killed Jongin? (EXO Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon