Chapter 4

1.3K 66 14
                                    

Chapter 4

 

"Oh.. Pano natin sisimulan?" Tanong ni Kyungsoo habang nakatingin kina Suho at Yixing. Ito ang unang araw ng paghahanap nila sa taong pumatay kay Jongin.

 

"Oh? Anong nginingiti ngiti mo dyan bangag? Nakashabu ka na naman ba?" Iritang tanong ni Jongdae kay Yixing.

 

Napangiti naman muli ang binata at saka napatungo. Muhka syang kinikiliti. Muhka syang kinikilig.

 

"Hehehhe~ Hindi ko lang kasi lubos maisip. Dati binubully bully nyo kami. Tapos ngayon eto na tayo. Magkakasama para bigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Jongin. Hehehe~ Nakakatuwa diba?" Baliw na pahayag ni Yixing.

 

Napairap naman si Sehun sa narinig. "Hoy, hindi parin tayo friends noh! Hindi porkit sumasama kami sa inyo eh ibig sabihin nun magtotropa na tayo! Hell no! Over my dead body!" Mataray na wika nito sabay flip hair.

 

"Tama na nga muna yan. Ang mabuti pa, isipin na natin kung pano natin to sisimulan." Sabi ni Chanyeol sabay tingin kay Suho. "Oh ano na Suho? Anong una nating gagawin?" Pagpapatuloy na tanong nito.

 

Umayos naman ng upo si Suho saka tumingin sa mga kasama. "Ang naisip ko lang, bakit hindi kaya natin alamin kung sino ang huling kasama ni Jongin? Malaki ang kutob kong may kinalaman yun sa pagkamatay nya."

 

"Bakit hindi kaya muna natin alamin kung sino ang mga kagalit ni Jongin?" Singit ni Baekhyun sa usapan. "Sa paraang yon, malalaman natin kung sino ang may motibo para patayin sya. Diba labing apat na saksak daw yung tumama sa katawan ni Jongin? Naku. Panigurado may galit talaga yun." Pagpapaliwanag nya.

 

Napatango tango naman ang lahat sa sinabi ni Baekhyun samantalang si Suho ay nanahimik. "Oh edi ikaw na.. ikaw na magaling. Kanina pa sila nagtatanong, edi sana kanina mo pa yan sinabi. -___- Tss. Gusto lang ako ipahiya eh." Bulong ni Suho sa isip.

 

"Teka.. Bat ba di parin pumapasok si Tao? May balita ba kayo dun???" Biglang singit na tanong ni Jongdae sa tropa.

 

Nagkatinginan naman ang mga ito at saka umagree. "Oo nga eh! Di na pumasok yun simula ng mamatay si Jongin! Grabe naman magdalamhati yon. Mahal na mahal masyado si Jongin." Pabirong sabi ni Chanyeol sa mga kasama.

 

"Nagtext si Tao sakin eh.." Napatingin ang lahat kay Baekhyun ng magsalita ito. "May sakit daw kaya di makapasok. Tsk." Sambit nya saka napailing iling. Nagulat naman si Yixing sa narinig. Hindi rin mapakali si Jongdae sa narinig.

 

"Awtsu!! Himala! Nagpaload ang puyat!! Nakanang. For the first time in forever!" Natatawang medyo awkward na komento ni Jongdae.

 

"Oh tama na yan. Bumalik na tayo sa usapan." Pananaway ni Kyungsoo.

 

Nag isip mabuti ang lahat kung sino ang kakilala nilang may galit kay Jongin. Marami silang taong naiisip pero iilan lamang ang tumatatak sa kanilang isipan.

Who Killed Jongin? (EXO Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon