Chapter 5

1.3K 68 14
                                    

Chapter 5

                                                                                                                              

Kasalukuyang magkasabay na naglalakad sina Suho at Yixing pauwi. May isang bagay na bumabagabag sa isip ni Suho kaya kinausap nya ang kaibigan.

"Yixing.. sa tingin mo.. Sino kaya ang pumatay kay Jongin?" Pasimpleng tanong nya.

Napatingin naman si Yixing kay Suho at napaisip. "Hindi ko alam. Ayoko naman kasing manghusga. May tao na sa isip ko, pero kailangan ko pa ng ebidensya."

Napatango tango naman si Suho saka ibinaling ang tingin sa daan.

 

"Eh ikaw? Sino sa tingin mo ang pumatay kay Jongin, bestfriend?" Pagbabalik ni Yixing ng tanong sakanya.

Napairap naman ang binata sa narinig. Napatungo din Suho saka napakibit balikat. Hindi nya alam ang isasagot. "Leche. Anong bestfriend ka dyan? Lul~ Atchaka Alam mo.. kahit sino naman pwedeng maging killer ni Jongin eh. Kaya wala dapat tayong pagkatiwalaan."

Napatigil sa paglalakad si Yixing saka lumingon sa kaibigang si Suho. "Anong ibig mong sabihin?"

Patuloy lang na naglakad si Suho kaya't naglakad na rin si Yixing para hindi sya maiwan ng kaibigan.

 

"Alam mo.. Kahit sino naman pwedeng maging salarin eh. Ikaw.. Pano kung ikaw ang pumatay kay Jongin kasi binubully nya tayo? Hindi ba't pinagbantaan ka nya nung huling pambubully nya satin? Pero pinagbantaan mo rin sya pabalik. Kapag naiisip ko yon, feeling ko ikaw ang pumatay sakanya."

Napalunok ng laway si Yixing sa sinabi ni Suho at saka napailing iling. "S-suho.."

 

"Pwede ring si Kris sunbaenim.. Pano kung nabwisit sya sa sobrang kasutilan ni Jongin? Kaya't tinuruan nya ito ng leksyon? Pero  ang hindi inaasahan, napatay nya si Jongin by accident." Pag papaliwanag ni Suho habang nakahawak sa baba nya. Nanatiling tahimik si Yixing habang pinapakinggan ang nasa isip ng kaibigan.

Sinipa ni Suho ang batong nakita nya sa daan at nagpatuloy parin sa paglalakad. "Pano kung si Luhan sunbaenim yung pumatay kay Jongin? Ginawa nya na kasi ang lahat para hindi na sya mabully, pero wala parin. Mas ibinaba lang sya ni Jongin." Napapaisip na lang din si Yixing sa sinasabi ng kaibigan.

"Pano kung totoo nga yung naisip ni Baekhyun? Tinangkang patayin ni Jongin si Xiumin sunbaenim.. Pero nag self defense si Xiumin dahilan para si Jongin ang mamatay? Hindi rin natin masasabi. Malay mo naglulungkot lungkutan lang sya para hindi sya ang masisi sa krimen?" Napakunot na ang noo ni Suho ng maisip na may sense ang sinasabi ng utak nya.

 

"O di kaya si Kyungsoo!!" Biglang singit ni Yixing. "Dahil hindi sya ang mahal ni Jongin, malay mo pinatay sya ni Kyungsoo! Alam mo yun? 'Kung hindi sya magiging akin, walang makakakuha sakanya!' Yung mga ganun ba? Diba? Tapos umiyak sya kanina para hindi mahalata yung ginawa nya.. Para hindi sya mapagkamalan.. Diba?" Sabi ni Yixing na syang dahilan para mapangiti si Suho at bigyan sya ng high five.

Who Killed Jongin? (EXO Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon