Epilogue

1.8K 111 79
                                    

Epilogue

 

After 1 year..

 

"Suho hyung!!!" Napalingon si Suho sa tumawag sa kanya at saka napangiti.

 

"Ui ikaw pala Sehun! :)" Bati nito pabalik.

 

Nagmamadaling lumapit si Sehun kay Suho saka sinabayan sa paglalakad ang nakatatanda.

 

"Kamusta ka na hyung? Grabe. Talaga palang nag transfer ka ah? Ganyan ka naman. Iwanan." Nagtatampong sambit ni Sehun.

 

Ngumiti naman si Suho saka ginulo gulo ang buhok ng binata. "Haha. Pasensya na ha. Gusto ko kasi talagang maging detective eh, kaya ayun. Lumipat ako." Napangiti ng awkward si Suho. "Eh kayo? Kamusta na kayo? Si Chanyeol? Okay na ba sya?"

 

Nawala naman bigla ang sigla sa muhka ni Sehun. Iniwas nya ang tingin kay Suho at saka napatungo. "Ayun.. Hindi parin nakakausap ng maayos. Ganun na yun simula nung mamatay si Baekhyun hyung. Wala naman kaming magawa, eh bestfriends yung dalawang yun."

 

Napabuntong hininga si Suho. Oo. Tama ang pagkakabasa nyo. Patay na ang killer na si Baekhyun. Naaalala nyo pa ba ang pagdating ni Chanyeol sa bahay nina Suho?

 

Flashback

 

"BAEK!!" Sigaw ni Chanyeol ng makarating sa kwarto ni Suho.

 

"Y-yeol.." Sabi ni Baekhyun at saka dahan dahang nabitawan ang hawak nyang kutsilyo. Tumulo na rin ang luha mula sa mata nya ng makitang umiiyak si Chanyeol.

 

"Baek tama na.. Tara na.. Uwi na tayo.." Pagsusumamo ni Chanyeol habang lumuluha.

 

Dahan dahan namang napatayo si Baekhyun saka napapahid sa kanyang luha. "Yeol.."

 

Pilit ngumiti si Chanyeol habang nakatingin sa kaibigan. "Halika na Baek. Pinaghanda kita ng cake sa bahay. Birthday mo diba? Tara na.."

 

Napaawang naman ang mga labi ni Suho ng malamang ngayong araw pala ang kaarawan ni Baekhyun.

 

Nagulat naman si Baekhyun at Suho ng biglang may mga pulis na pumasok sa bahay. Napatingin si Suho kina Jongdae at Chanyeol ngunit ang matangkad na binata ay patuloy lang sa pagngiti kahit patuloy lang sa pagtulo na ang kanyang mga luha.

 

"Happy Birthday Baek.." Malungkot na sabi ni Chanyeol habang pinapanood na hulihin ang matalik na kaibigang si Baek, habang ang binatang salarin naman ay hindi na nagpumiglas at sumama na ng tuluyan.

 

Ilang linggo palang na nakakulong si Baekhyun ay inilipat na ito sa Mental Hospital. Mayroon pala talagang sakit sa utak si Baekhyun dahilan sa pagkawala ng pamilya nya. Tuluyan na sigurong Nabaliw ang binata, dala na rin siguro ng matinding konsensya.

Who Killed Jongin? (EXO Fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon