Gatas

202 10 20
                                    

After long long years, I'm back with final new name matapos nang maraming palitan :) 

__________________________________

Tapos mangyari yun, sinabi ko sa sarili ko na wala dapat akong kausapin at pagkatiwalaan.

My name is Marciss S. Lopez. Five years old, born on november nineteen.

I ran away from home when I was five.

__________________________________

"Naligo ka na ba? Nilagay ko na yung baon mo sa lunch box! Hintayin mo si Doc ha! wag ka uuwi mag-isa! Saka Isko, pag inaway ka ng mga bata, gumanti ka! Wag kang papayag na inaapi ka nila. Pero wag ka magsisimula ng away! Pag pinagallitan ka kasi gumanti ka, ay nako hayaan mo sila, susugurin ko yang mga pesteng teacher na yan, hindi tanga ang apo ko na mang-aaway basta basta."

Ang tawag ko sa kanya ay Lola. Araw araw niyang sinasabi yan tuwing umaga bago ako paalisin ng bahay kasama ni Doc na maghahatid sakin sa school.

"Ang daldal mo tanda."

Tatlong bukol and meron ako sa ulo bago ako nakasakay sa kotse ni Doc.

__________________________________________

May mama ako.

Sundalo na namatay. Kaya dinala ako sa papa ko.

Kung saan araw araw may gustong pumatay sakin. Hindi ko naman nakita papa ko kahit minsan eh. Sa tingin ko binenta ako nung may ari ng inuupahan namin ng bahay ng mama ko.

Ayos lang.

Pinalaki ako ng mama ko na mabilis mag-isip. sabi nila matalino daw ako. Sobra para sa isang bata. 

They are called the mafioso. The so-called society na hawak ng papa ko. Hindi ako nakakapaglaro. At sabi ko nga, araw araw may nagtatangka sa buhay ko. Sa mga lumang storehouse na ako lumaki na nakikipagtaguan sa mga malalaking lalaki na may kutsilyo at baril. Ilang beses na ako nahuli at hindi sila nagdadalawang isip sa bata.

Hindi ako nakakatakas na walang sugat.

Hanggang naisip kong lumayo na, sandali lang ako doon pero alam kong hindi dapat lumalapit sa ganoong lugar ang tulad ko.

_________________________________________________

"Marciss, kahit ano pang dahilan, masamang manuntok..." paliwanag sa akin nung teacher na akala bobo ako.

"Bobo ka ba?" tanong ko sa kanya.

At dun na pinatawag si Doc na ilang beses ako tinignan ng masama habang nakikipag-usap kay teacher. Bumuntod hininga lang siya at binuhat ako sa balikat niya. "Uuwi na tayo kulit."

"Isa ka pa Doc, bobo ka ba? marunong ako maglakad."

"Hay nako Isko, manahimik ka nga muna. Hindi ka makakapasok ng grade one kung ganyan ugali mo. I-hohome study kita. Para wala nang conduct na titignan,"

"HHHHAAAAAA????!!!"

Napaatras si Doc nang may nagsulputang mga bata sa may gate nung palabas kami. Mga classmate ko yun na mabait sa akin kaya binibigyan ko ng baon at laruan.

"Kuya Isko, sa bahay ka na mag-aaral?"

"Kuya, hindi ka na pupunta sa bahay?"

"Kuya, bad ba si Doc?!"

At kung ano ano pa hanggang binaba na ako ni Doc  na nakahawak lang sa noo niya na mukhang pagod na pagod na. "Aayusin mo yang ugali mo o ilalayo kita sa kanila?"

SalamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon