"Holdap to, walang gagalaw!"
sabay labas ng mga baril at tutok sa ulo ng isang lalaking nangangatog sa takot.
Napalingon si Patricia Frias na nag shoshopping ng hapunan kasama ni Isko.
"Titapat, HOLDAP oh!!!"
Hanggang ngayon natutulala parin sa kanya si Isko, di matagal nang nakakaraan halo buto't balat lang siya pero ngayon para siyang dinaanan ng fairygodmother. Nagkaroon siya ng mahabang brown na buhok at magandang mukha kahit medyo maputla parin yung labi niya. Maganda narin yung katawan niya na parang model.
"Shh," tinapik ni Pat yung ulo niya. "Kailangan paulit ulit? Sinisigaw pa,"
Tinapatan siya ng baril. "Tahimik!" sigaw ng lalake kay Pat.
"ooooow," napa atras siya pero wala sa mukha niya yung bakas ng kaba.
"Taas dalawang kamay! Holdap to, Labas niyo lahat ng pero kung ayaw niyong mamatay!"
Pero walang nakinig sa kanya.
Lahat sila nakatitig sa babang tinututukan ng baril. Nakangiti siya habang tinaas yung dalawa niyang kamay at pinakita yung maputi niyang kili kili. Hindi lang dahil sa sobrang kalmado niya, sobrang ganda pa niya.
Pero ang mas nakakgulat, tumawa siya. "May gusto bang mamatay?"
"Tahimik!!"
Nawala yung ngiti sa mukha ni Pat.
"Pero hindi ibig sabihin nun walang gustong tumulong,"
binaba niya yung kamay niya at hinawakan yung kamay na may hawak na baril at inilapit yung sa leeg niya.
"TITAPAAAT!!!"
Ngumiti ulit siya at kinindatan yung lalaki. "Hindi mo naman kaya pumatay," sabay binaba yung kamay ng holdaper. Kinuha niya yung isa pang kamay nito at naglapag ng dalawang libo. "Yan lang dala kong pera eh. Punta ka nalang sa bahay ko kung nangangailangan ka pa. Tutulungan naman kita eh."
Napaluhod yung lalaki at kinuha yung pera. "SALAMAT." sabay tumakbo palabas. Susundan dapat siya nung guard pero may malalim at authorative na boses ni Pat na sumigaw. "Walang susunod!"
Yung magandang babae- si Patricia Frias. "Hindi na babalik yun," kinindatan niya yung mga mamimili at lumabas na rin.
"Sorry, Isko ha? Balik tayo, binigay ko lahat ng pera natin eh."
Natulala lang si Isko sa kanya. Malayong malayo siya sa mukhang tanga niyang "TATAY". Pero naiintindihan niya kung bakit hindi sumuko si Doc. Yung ganitong tipo ng babae yung paglalaban mo talaga kahit sinabi na sayo ng tadhana na "TAMA NA."
"Sige!" kumapit na siya sa kamay ni Pat.
__________
"Na-holdap yung supermarket, binigay mo lahat ng pera mo dun sa nangholdap at pinaalis mo?"
Magka-cross yung braso ni Lucas. Hindi gaya sa ospital, sa bahay, nakashorts at tshirt lang siya na parang walang pinagkaiba nung highschool pa siya.
"Wow, ang galing ng kwento mo parang nandun ka talaga."
"Wag kang matuwa" >:O
"Ang sungit mo naman."
Bumuntod hininga si Lucas at tumingin kay Isko. "Ano pa nga yung kinukwento mo sakin?"
"Tinapatan siya ng baril tapos tapos. pero hinawakan niya yung baril tas tapos tapos ano, tinapat niya dito sa ano leeg niya. Ang galing!"
Binatukan siya ni Lucas, "Hindi magaling yun!"
Umalog ng malakas yung kama na inuupuan nilang kama.
"Wala kasi siyang pera." sabi ni Pat.
Hinimas himas ni Lucas yung ulo niyaat narealize na walang patutunguhan yung usapan na yun.
"Alam mong naiintindihan kita.." simula pa niya.
"Naiintindihan mo naman pa--"
"PERO SIRAULO KA!!! SINO NAMANG NAGSABI SAYO NA ITUTOK YUNG BARIL SA LEEG MO??!!"
Nabingi si Pat," Sinusubukan ko lang naman kung fake yung baril!"
"Confident ka pa sa sagot mo ha?"
"OO."
"UGH!!! Suko na ko,"
"Hahahhahahah, Sunget nito."
"Magluluto na ko."
__________________________________
3 days later....
"Parang ten years ago lang hindi ka namin makilala sa payat mo," sabi ni Brent habang nakatitig kay Pat na naka white gown.
"Buti nalang wala akong picture non," kinindatan niya si Brent.
__________________________(END)
YAY. Salamat sa mga nagbasa! :) maikli lang talaga dapat to, ewan ko ba kung ba't humaba. Two down! Sana may natutunan kayo.
HINDI MAHALAGA KUNG MAHINA KA. ANG MAHALAGA, GUSTO MO MANALO KAYA LUMALABAN KA.
Lahat ng tao mamamatay balang araw. Dadating din yung henerasyon na hindi ka na maaalala kahit gaano ka galing at hinangaan. Dadating din yung henerasyon na hindi na kilala si Jose Rizal o Barrack Obama. Pare pareho lang tayong makakalimutan. Magpapatagalan lang tayo.
Hindi ko kailangang makipagpatagalan. Kung tapos na ako, nagawa ko na yung dapat kong gawin. Kung hindi pa ako tapos.. kahit tadhana pa magdikta, pagpapatuloy ko ang buhay.
Masaya mabuhay, lalo na kung may kalayaan.
Muli, maraming maraming SALAMAT.
BINABASA MO ANG
Salamat
RomanceMakakaya mo bang maghintay nang matagal sa taong hindi na dinidilat yung mga mata niya? Meet Lucas Guttierez, isang dakilang doktor na naghihintay sa pag gising ng highschool tutor niyang sampung taon nang nasa coma.