Walang masama

151 9 8
                                    

"Magkatulong ka nalang, mas may future ka jan."

--- Patricia Frias, ten years ago.

Hindi marunong maghugas si Pat kaya napilitan akong maghugas ng pinagkainan sa bahay nila dahil wala kaming ibang kasama. Nagmabuting loob na nga ako, dinegrade pa ako.

Hi Pat, doktor na nga pala ako ngayon.

"Ba't ba hindi mo makuhakuha yung  bagay na normal na natututunan ng isang elementary student?!" 

--- Patricia Frias, ten years ago.

Nang nagkunwari akong hindi naiintindihan ang pinaka basic na algebra "x+4=6" para matagal pa ako umuwi galing sa kanila.

Alam mo Pat, nung mga panahon na yan, calculus na ang pinag-aaralan ko sa bahay.

Oo, calculus.

Oo.

syempre joke lang yun.

_____________________________________________________________

Sa dami ng mga bagay na naalala ko.

Sa dami ng pumasok na bagay sa utak ko.

Sa dami ng gusto kong banggitin at sabihin

Isa lang ang nasabi ko, "Salamat."

Dahil sa dami ng luhang tumutulo sa mata ko hindi ko na nasabi lahat. Salamat. Maraming maraming salamat..

Unang gumalaw yung hinlalaki niya sa kaliwang kamay.

Unti unti yun.

Kinabukasan, nakadilat na siya. Sobrang maga tignan ng mata niya siguro kasi ngayon lang dumilat. Hindi parin siya makapagsalita pero parang pinipilit niya, nakakatakot yung tunog ng lalamunan niya na parang paos na paos na wala na halos lumalabas na tunog kaya sinabihan ko siya na maghintay. Hinang hina parin siya kaya pinapunta ko si mama sa ospital para magbantay kasi may kailangan pa akong gawin. Tulog pa si Pat nung dumating siya pero tulad ko, wala muna siyang balak umuwi hanggat wala pang ibang magbabantay.

"Talaga bang dumilat na siya??"

"Oo ma. pag nagising siya, makikita mo. Pero hindi pa siya nakakapagsalita."

Hindi ko muna pinadalaw si Isko kasi ayaw ko ng maingay kasi nagrerecover nga si Pat. Pero siyempre hindi ko maaring solohin nalang yung magandang balita.

Kahit gaano ko sila kinamumuhian...

deserve parin siguro ng pamilya niyang malaman kung ano na ang kalagayan niya. Salamat sa diyos at may dugong tao padin ako at hindi ko maiiwasan ag magpatawad.

Six years ago.

Hindi pa ako doktor. Maaga akong gumraduate ng highschool, fifteen years old lang ako kahit bobo ako. maaga kasi ako pinasok sa school pero kinaya ko naman.

Second year med student. Dumalaw ako kay Pat at ang lagi kong dinadatnan dun ay si tita, tito, o iba pang kamag anak ni Pat. Ngayon, may mga sampu sila doon. 

Pangalawang linggo ko na yung naririnig kaya hindi ko natiis na magtimpi pa.

"Patay na yan eh."

"Bakit ba ginagastusan pa natin yan?"

"Hindi tayo ganun kayaman."

Naka-ilang suntok din ako sa kanila bago nila ako pinagtulungan.

"Asal hayop ka talagang tarantado ka! Nangangarap ka pang maging doktor sa ugali mong yan?!"

Aba't putang ina mo rin..

"Malala pa pala kayo sa hayop! Demonyo! Sana kayo nalang ang naghihingalo ngayon!" 

Hindi talaga naging maganda ang naging relasyon ko sa pamilya nila lalo na't ugaling skwater din ako dahil palengkera ang ugali ng nanay ko at manginginom ang tatay ko. Tinatago ko yun dati sa harap ng mga magulang ni Pat, pero nung mga panahong yon, ang alam ko lang, mali na sila. Kahit anong sama pa ng nasabi ko o nasabi nila.

Pinagtatanggol naman ni tito si Pat dati eh. After three years kasi na naka coma siya, totoo namang hindi na nalayo yung itsura niya sa bangkay. Pero ang sama lang sa pakiramdam na naririnig ko yon sa mga mismong kadugo niya na kasama na niyang lumaki. 

"Isa lang ang anak namin. Kahit gaano kamahal. Hanggat buhay pa si Pat, susustentuhan namin yan." sabi ni tito.

Noong sumama na ang pakiramdam ni lola, sa ibang ospital pa siya dinala kasi baka daw may malas si Pat at hindi pa siya magamot. Namatay si lola kaagad sa ospital na yon.

Pero nung nagsimula nang sumama yung lagay nila tito at tita dahil hindi na sila pwedeng magtrabaho, wala nang dumadalaw. wala nang umalala. At kahit sila tito at tita, sumuko na. Hindi ko lubos masukat kung gano pa bumigat yung loob ko sa kanila. Bakit ba kung sino pa yung mabuting tao siya pa yung iniiwanan ng mga kailangan niya ngayon?

Yun yung tanong ko sa sarili ko.

Hindi narin naman nila ako gustong makita kaya akala ko tama na siguro kaysa nagkakasakitan pa kami.

PRESENT.

Pamilya ko ang nagsustento ng pang ospital ni Pat tapos nun. Wala naman kaming sama ng loob na tumulong lalo na't PAMILYA na ang turing namin sa kanya. Hindi rin kami mayaman. Hirap din kami sa pera lalo na't matagal din akong nag-aral.  

Gising nanaman si Pat at napakagandang balita non. Ano ba naman yung konting away kumpara sa ganda ng nangyari di ba? Baka pwedeng kalimutan na namin yon. Hindi naman ganon kahirap magpatawad kapag masaya ang isang tao.

Hindi sila nagpalit ng address.

Bumuntod hininga ako mula sa hindi naman kalayuang biyahe bago ko pinindot yung doorbell.

--------------------

Please understand if there are errors. I do not have enough time to check on each. Thank you for reading! :))

SalamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon