"Lucas Guttierez."
Ngumiti ako ng mahinahon at pinunasan yung tumutulo kong pawis. hindi ko rin tinataas yung kamay ko kasi baskil na ako. baka may amoy pa. nagmadali kasi talaga ako, kaya mukha akong busabos pagdating ko. Nawala na rin sa isip kong mag-ayos dahil sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip ko.
"LUCAS??????????????!!!!!!!!!!!" sabay sabay silang sumigaw ng may nanlalaking mata after thirty seconds na pag sink in ng sinabi ko.
"Parang... hindi ka na yata payatot?"
Kinabahan ako ng sobra pagpunta dito. Pero ang mga walang hiya, sila pa ang umarteng parang walang nangyari.
Siya nga pala si Kuya Brent. Siya yung una kong nasuntok kasi siya yung sabi ng sabi na patay na daw yung si Pat at niloloko nalang daw namin mga sarili namin na may pag asa pa yung bangkay na yun. Siya rin yung nagsabi na asal hayop ako. Minsan talaga sa buhay akala mo bumait ka na pero hindi mo maiiwasan hindi mainis. Ang kapal ng mukha di ba?
"Oo. Putang ina mo."
Tinaasan niya ako ng kilay. Sampung taon siyang mas matanda sa akin. Nagkataon lang na bastos talaga ako at walang galang at walang manners kahit ilang taon pa ang lumipas.
"Ano bang problema mo at nagpunta ka pa dito sa bahay?"
"Sila tito at tita?"
Hindi siya sumagot,
"Parang gago naman to si Brent eh. di ako mangngugulo. May sasabihin lang ako."
Tinignan niya ako ng diretso,
"Hindi ako magtatagal!"
"Wala ka nang gagawin dito, Lu--."
"Gumising na si Pat."
...
Bigla siyang nanginig at nanlaki yung mata niya, tinigilan din muna niya yung sigarilyong hawak niya at napanganga pero dahan dahan ulit na nagsimula.
Bumuntod hininga siya, "N-nasa mental si tita."
Napatigil ako sa gulat, "Nabaliw na ba yung kapatid mo?"
Bumaba yung kapatid niya galing dun sa hagdan na mukha namang normal pero nag-karate defense position ako nung nagkatinginan kami.
"Baliw!" Binatukan ako ni Brent. "Si tita... si tita yung kailangang dalhin dun. Si tito..
Patay na."
Kahit anong sama ng loob ko. Kahit anog kagustuhan kong ipamukha sa kanila na nagkamali sila at pinatunayan ko yon. Kahit na anong pagsumpa na pinag gagawa ko sa kanila noon. Kahit anong hiling ko na sana hindi nagkaganito...
Hindi ko maiwasang hindi malungkot ng sobra. hindi lang dahil babangon si Pat na wala na yung mga magulang niyang pinagtatanggol siya noon. Naawa narin ako sa sinapit ng pamilya na to. sa itsura ng mga sirang gamit at mga pulang sticker sa palibot ng bahay at mga kotse nila, mukhang isinangla na nila lahat ng ari arian nila at hindi sila nakapagbayad ngayon kaya may nanggulo dito. Andami pa nilang nagsisiksikan na nakatira dito sa dating malawak na bahay na dating parang palasyo kumpara sa bahay namin. Siguro kaya lang naman nila nasabi yung mga bagay na yun noon sa ospital kasi gipit din talaga sila. Kasama na nilang lumaki si Pat, mahirap rin naman sigurong tanggapin na ganoon nalang siya mamamatay.
"Minamalas na ba kayo?"
Joke ko lang naman yun.
Napakamot siya sa ulo dahil hindi rin siguro niya tanggap na ako, si Lucas Guttierez na ugaling hayop at skwater, ay pinagkakatuwaan siya. "Pwede mo na sabihin lahat ng yan ngayon. SIguro nga, masama yung mga nagawa namin."
Nawala yung atmosphere ng pagjojoke nung napahawak na siya sa noo niya at nag-iba na yung tono niya, "Alam mo, gusto ko rin namang maging masaya."
"Brent.."
"Pero ang sama ng loob ko sa sarili ko at wala akong karapatan humarap kay Pat ngayon. Kahit sino samin wala! Nahihiya ako sayo sa totoo lang! Nagdalawang isip ako na buksan yung pinto kasi anong aabutan mo? Bahay na nakasangla at halatang ginulo!"
Napansin ko na medyo nabugbog din siya.
Wala akong nasabi, napatingin lang ako sa baba.
Tinuloy niya, "Nagnakaw ako mangilang beses! Minsan nga naisip ko... Oo, sana nga ako nalang yung naghihirap sa ospital. Tapos si Pat yung nakakaranas ng magandag buhay.. kasi wala naman siyang nagawang masama samin kahit minsan. Lagi nga kaming tinutulungan nila tito eh.."
Nung tumulo na yung luha niya, minabuti ko nang hindi sumagot.
"Gusto ko humingi ng tawad sayo, kay pat... kina tito at tita. Pero wala na akong magawa."
Ginusto ba ng Diyos na may karmahin? Siguro hindi totoo yung karma. Kasi kung totoo, hindi tamang karma yung natanggap ni Pat. Ang tanong ko dati, bakit yung taong wla namang nagawang masama yung naghihirap? Ang hirap kasi malaman kung pano nagdedesisyon yung maykapal yung gano kabigat na problema yung ibibigay sa isang tao eh.
Pero alam mo kung ano yung sagot?
Yun yung bagay na kinulang sakin. Nawalan ako ng lakas at muntik nang magpatalo sa mga pagsubok na yan. Nawawalan tayo ng tiwala. Alam mo ba na pag naniwala kang mangyayari magkakatotoo kahit gano katagal totoo yun. Pero karamihan, sumusuko.
Hindi tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya.
Hindi naman mahalaga kung wala kang laban eh. Ang mahalaga gusto mong malagpasan yung problema kaya lumalaban ka. ano ba yung kapalaran? Ikaw naman bilang tao ang gumagawa niyan.
Hindi ko na kailangan sabihin kasy Brent yun lahat. Ang taong may paninindigan, alam yan sa puso. At ang taong may paninindigan ang kayang kayang lagpasan yang mga ganyang klaseng problema. Hindi na natin mababalik ang oras pero marami pang magagawa. Sabi ko nga, madali lang magpatawad kasi hindi maiiwasan ng isang tao yun. Pag lipas ng panahon. nakaraan nalang ang itatawag sa mga nangyari masama man o mabuti. Hindi na babalik yan kahit makikita mo padin. Masakit pag nakita mo yung dati. Pero kung ngayon gagawa ka ng magiging magandang kasalukuyan, maganda ang tatanawin mong nakaraan.
"Nagpapasalamat nalang ako sayo Lucas. Alam ko na mabuti kang tao kahit dati pa kahit inis ako sayo. Maraming salamat... Sana hindi ka magbabago."
Nagtinginan kami ng matagal.
"Anong gusto mo ganun lang? uuwi na ako?" tanong ko.
"Ano pa gusto mo? inuman tayo? wala nga akong kapera pera"
"Alam mo may tama ka talaga eh. Sabihin mo nalang kung kailan."
"Kailan ano?"
Binatukan ko siya, "Kung kailan niyo dadalawin si Pat!"
nanlaki yung mata niya, "Lucas, wala akong mukhang ihaharap--"
"wala na akong magagawa kung wala na si tito. Hindi ko naman pwedeng iharap yung nanay niya na baliw ngayong kagagaling lang niya. Pero masasaktan naman siya kung hanggang pag bangon niya iniwanan niyo pa siya di ba?"
Nanigarilyo ulit siya at sinilip yung pocket calendar niya sa wallet, "Kung ililibre mo kami ng pamasahe, kahit kailan."
BINABASA MO ANG
Salamat
RomanceMakakaya mo bang maghintay nang matagal sa taong hindi na dinidilat yung mga mata niya? Meet Lucas Guttierez, isang dakilang doktor na naghihintay sa pag gising ng highschool tutor niyang sampung taon nang nasa coma.